Kabanata 7

1992 Words
Napakurap-kurap ako, sinisigurong hindi ako namamalik-mata. But how I wished I was. He didn’t disappear even after I blinked my eyes a lot of times! Bago pa man ako makahuma ay tinalikuran niya na ako. My knees felt weak all of a sudden. Damn it! f**k! Narinig niya kaya ang singhalan namin ni Benj? But he was looking at us, so did he? Damn, I was so f****d up! Ilang beses ko bang ipahihiya ang sarili sa kanya? Hindi pa nga nagtatagal nang nangyari iyong insidente sa drugstore, ito na naman? Ilang araw ang lumipas at hindi nawala sa isip ko ang pangyayaring iyon. Kaunting-kaunti na lang ay mababaliw na ako! “Hoy!” I blinked three times when Samantha snapped her fingers at me. Nang balingan ko siya ay kunot na kunot ang noo niya sa akin. “B-bakit?” Ngumuso siya. “Kanina pa ‘ko daldal nang daldal dito, ‘di ka naman pala nakikinig. May problema ka ba? Ilang araw ka nang ganyan.” Pati mga tao sa paligid, napapansin na ang pagiging problemado ko. “Umayos ka, Seraf,” patuloy niya. “You need to focus. Kung anuman ‘yang pinoproblema mo, isantabi mo muna. Baka mamaya niyan wala kang maisagot sa mga tanong.” Ngayon ang entrance exam namin sa first choice naming university. Kanina pa kabado si Samantha ngunit kabaliktaran naman niya ako. Hindi ko magawang kabahan hindi dahil sa confident akong papasa ako kundi okupado ang utak ko noong nangyari ilang araw na ang nakararaan. Nakakapanghina talaga. Sirang-sira na ako kay Iñigo! Nang umibis kami mula sa taxi ay excited na inaya ako ni Samantha papasok. Kanina lang, kabadong-kabado siya tapos ngayon . . . My first choice was Business Administration followed by Fine Arts and Nursing. While Samantha’s first choice was Psychology, followed by Medical Technology, and Biology. Si Ditas naman ay nasa first choice niya ring university ngayon samantalang sa susunod na linggo naman magti-take si Jianne. Hindi ako makapaniwala na ilang buwan na lang ay mga kolehiyala na kami. “Jasmine!” tawag ni Samantha sa isang babaeng kakapasok lamang sa gate. Jasmine waved and ran to us. Pawis na pawis ito at patawa-tawa. “Sorry.” She apologetically smiled. “Nautusan ako, eh.” She was a friend of Samantha. Nag-aaral siya rito at nagdo-dorm sa university. Sa kanya nakiusap si Samantha na giyahin kami sa mga designated room namin. “Oh, Business Administration.” Ngumiti siya sa akin. “Maraming guwapo sa college nito.” Ngumiti ako pabalik. Iñigo was studying here and taking up Business Administration. I never liked business but I had to study it. Para sa kagustuhan ni Daddy, at para makasama ko rin si Iñigo. Kapag dito ako nag-aral, mas magiging malapit ang mundo namin. Magagawa kong linisin ang imahe ko sa kanya at maipakita sa kanya na karapat-dapat din ako sa atensyon niya! Kaya kailangan kong galingan. If I failed in this examination, I would fail on the two: it would upset Daddy. And if Daddy was upset, I couldn’t be with Iñigo. “Balita ko nga!” pakli ni Samantha na ngising-ngisi. “‘Pag pumasa si Seraf, magiging ka-college niya si Iñigo at si Matt! Kaya galingan mo, Seraf! If you pass, you will be my excuse ‘pag pupunta ako sa college niyo! Makakapagpa-cute ako kay Iñigo nang ‘di niya nahahalata!” Saka siya humalakhak. Ngumisi ako. Oh no, Samantha. Kapag naipasa ko ang entrance exam na ito, hinding-hindi ko hahayaan na tingnan – ni sulyapan – ka ni Iñigo. Akin ang atensyon niya. Lahat. Hinatid ni Jasmine si Samantha samantalang ako ay hiningi na lamang ang direksyon patungo sa designated room ko. Hindi naging madali ang mga tanong sa akin. Hindi ko alam kung nahihirapan din ba ang mga kasabayan kong nag-take o ako lang. Nang makalabas sa nakakairitang klasrum na iyon makalipas ang ilang oras ay abot-abot ang ginhawang nadama ko. I really hated exams! Ayokong nira-ransack ang utak ko para lang may maisagot! “Matindi rin ‘yong sa’min,” ani Samantha habang binubuksan ang kanyang inumin. “Sana makapasa tayo sa first choice natin.” Narito kami ngayon at naglalakad na papuntang gate. Gusto ko nang umuwi at humilata sa kama! I felt so drained and f****d up! “Nasa’n kaya si Iñigo?” dinig kong bulong ni Samantha habang palinga-linga. Bahagya akong natigilan sa pagbanggit niya sa pangalang iyon. “Linggo lang daw ‘yon wala rito, eh,” dagdag niya at patuloy ang paglinga. Tumikhim ako. “May pasok siya tuwing Sabado?” Umiling-iling siya. “Wala naman sa pagkakaalam ko . . .” she trailed off then focused her eyes in front. “But Jasmine told me, madalas ‘yon nandito kahit walang pasok.” Napataas-kilay ako. Bakit? Gusto kong magtanong ngunit ayokong isipin ni Samantha na interesado ako, na siyang totoo. She might have a hint I liked the guy she liked. Ilang buwan na rin pala niya nang gusto si Iñigo at bihira iyon. She must be serious with him. But I was, too. Nakokonsensya rin naman ako ngunit sa tuwing iisipin ko na magparaya para kay Samantha ay hindi ko matanggap. I wanted Iñigo. I wanted him so much that I would probably go crazy if I couldn’t make him mine! Abala kami sa pagkukuwentuhan ni Samantha nang nahagip ng mga mata ko ang dalawang lalaking pasalubong sa amin. Hindi na ako nagtaka nang sumikdo ang dibdib ko. Napabaling ako sa kaibigan ko nang yugyugin niya ang braso ko. Her eyes were in front. Halos mapunit ang mga labi niya sa sobrang pagkakangiti. “Oh, my God! Oh, my God!” pigil ang tiling aniya, hindi inaalis ang mga mata sa unahan. Muli kong ibinaling ang mga mata roon. Tawa nang tawa si Matt at mukhang interesadong-interesado sa kinukuwento niya. Samantalang si Iñigo naman ay taas-noong nakapamulsa at diretso ang mga mata . . . sa akin. How could those orbs make me feel small yet honored at the same time? It was like his eyes were too precious to spare me a glance! Much so, stare at me! Nakasimpleng navy blue three-fourths siya na sa ilalim ay isang puting v-neck t-shirt, naka-denim jeans, at pulang rubber shoes na may mamahaling logo. Because of his clothes, it accentuated his fair complexion even more. Bahagyang nakatabing ang ilang hibla ng kanyang buhok sa noo. It made him look more serious and gave emphasis to his hooded eyes. Magkalapat ang mga labi niya at depinang-depina ang cleft chin niya. I realized that whenever I stared at him, my heart fluttered for him even more. “Seraf!” I broke our eye contact and shifted my gaze to Matt. Ngiting-ngiti siya sa akin at nag-jog papalapit sa amin. “Anong ginagawa niyo rito?” tanong niya. “We took the entrance exam,” sagot sa kanya ni Samantha saka bumaling kay Iñigo at mas nilawakan ang ngiti. “Hi, Iñigo.” I got annoyed with her high-pitched voice. She was trying to draw his attention, huh? “Wow.” Amusement was evident in Matt’s voice. “Anong mga kurso niyo?” “Psychology ang first choice ko. Ito namang si Seraf, Business Administration.” Bahagya kong sinulyapan si Iñigo. Seryoso lamang siyang nakatayo sa tabi ni Matt at nakamasid kay Samantha. That fueled my annoyance. Bakit siya nakatingin kay Samantha? Did he like her? Hindi ba kapansin-kapansin ang ganda ko ngayon? Anong meron si Samantha na wala ako? Damn it! I sounded like a f*****g insecure b***h! “Naligaw ka ‘ata, Seraf.” My eyes went to Matt. He had this playful smile on his lips. “H-ha?” “Sa ibang university nag-aaral si Benj.” Saka siya tumawa nang mahina. Samantha nudged my arm and laughed with him. Napakurap-kurap ako. Ibinaling ko ang mga mata kay Iñigo. He remained stoic. His eyes were still on Samantha and I knew the b***h was loving it. f**k her! “Oh, you didn’t know? They broke up!” ani Samantha na nagpatigil sa tawa ni Matt. Matt’s brows shot up. “R-really?” His eyes went to me. “Bakit?” “Oh.” Ngumuso si Samantha at ngumisi. “Madaling magsawa si Seraf, Matt. If someone doesn’t pique her interest anymore, she leaves. Mabuti na rin ‘yon dahil playboy naman si Benj. She hates playboys.” Sirang-sira na talaga ako! Gusto kong magwala at sabunutan si Samantha! Hindi ko alam kung nananadya siya o ano. But deliberately or not, it didn’t change the fact that I was ruined! Napakuyom ang mga palad ko. Hindi ko na nagawang tingnan pa si Iñigo gayong ramdam kong nasa akin na ang atensyon niya. Humanda ka sa akin mamaya, Samantha! “He cheated on you?” Gayong nasa kay Matt ang mga mata ko ay nakapokus ako sa peripheral vision ko kung saan naaaninag ko si Iñigo na seryosong nakatitig sa akin. I craved for his attention ealier but now that it was on me, I was damn embarrassed. I could only imagine the worst he was thinking of me right now. Damn! “H-hindi naman . . .” May bagyo sa loob ko at winawasak ang self-confidence ko. I was eaten whole by shame. I couldn’t believe I was tainted on my face! And I couldn’t believe I was badmouthed in front of him! “Nasa klasrum na raw sila.” Dahan-dahan kong inilipat ang mga mata kay Iñigo. I almost ran away when I saw his eyes fixed on me, filled with disdain that weakened my knees. Napatungo na lamang ako at dinama ang kahihiyan. “Sige, girls. Mauna na muna kami sainyo. We wish you two the best,” paalam ni Matt na nasa akin ang mga mata. “Salamat! Bye, Matt. Bye . . . Iñigo.” Saka sinipit ni Samantha ang ilang hibla ng kanyang buhok sa likod ng tainga niya. Nang nakaalis na sila sa harapan namin ay saka ako naglakas-loob na lingunin siya. He walked confidently as if he owned everything that his feet landed on. Napabuntong-hininga ako. Ngayon ko lang napagtanto na halos hindi ako humihinga! Samantha squealed beside me that brought me back to reality. “Did you see it, did you see it?” sabik na sabik na tanong niya sa akin. “His eyes were on me! Oh, my God! I think he likes me, too, Seraf!” I felt my heart twitched painfully. Damn it! “Why did you do that?” Napalis ang ngiti niya. “W-what?” I breathed deeply, trying to calm myself. “You badmouthed me in front of them, Sam.” Napamulagat siya ng mga mata at tinuro ang sarili. “I did? Sinabi ko lang naman na break na kayo ni Benj, ah.” “Yeah, right.” Saka ako nagpatiuna sa kanya sa paglalakad. “Oh, come on!” She sounded annoyed. “Ano bang ikinagagalit mo? That I told them you hate playboys? Every girl does!” Napatigil ako at mariing ipinikit ang mga mata. Gusto ko nang sumabog sa sobrang inis sa kanya! “Napahiya ba kita?” she inquired seconds later. “If I did, I’m sorry, okay? I was a little rattled. Hindi ko na nakontrol ang bunganga ko.” Lumapit siya at inangkla ang braso niya sa akin. “Sorry na, Seraf . . .” I wanted her to feel my anger a little longer but she didn’t let me. Nilambing niya ako nang nilambing na unti-unting tumunaw sa pader na itinayo ko. Hindi ko rin naman kayang hindi siya pansinin nang matagal. Gayong naiinis pa ako sa kanya ay isinantabi ko na lamang iyon. Nangyari na, eh. Magalit man ako sa kanya ay wala naman iyong magagawa. Mag-aaway lang kami at baka tumapos pa sa ilang taong pagkakaibigan namin. Hindi na lang basta natapunan ng tinta ang imahe ko kay Iñigo. Gusot na gusot na rin iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD