Matapos kong itali ang buhok ko ay hinablot ko ang cell phone at nagmamadaling tumakbo palabas ng kuwarto. Sinulyapan ko ang wristwatch. Napasinghap ako nang nakitang ilang minuto na lang ay mag-aalas tres na.
Pababa ako sa hagdan nang sumulpot si Daddy at paakyat. Nagkatinginan kami. Iniwas ko agad ang mga mata sa kanya.
Hindi pa kami ayos. Gusto niya pa rin akong mag-Business Administration at sa gusto niyang university mag-aral. Ilang araw na kaming ganito, na hindi nagpapansinan.
Nagi-guilty din naman ako. But my decision was unwavering. I would pursue Fine Arts where Iñaki was studying, whether he liked it or not.
“Mommy, pupunta po ako sa bahay nina Ditas. May gagawin po kami for school,” paalam ko nang naabutan ko siyang dinidiligan ang mga rosas.
Her brows furrowed. “Umuwi ka bago magtakip-silim, Serafina.”
Pinigilan kong mapaikot ng mga mata. “Yes, Mommy.”
She gave me a stern look telling me I better not into something stupid. Kumibot na lamang ang mga labi ko at iniwan siya roon.
Pagkarating ko sa bahay ng mga Contreras ay naroon na sina Jianne at Samantha. Abalang-abala na sila sa mga hawak na libro at ilang manila paper. Reporting kasi namin sa susunod na linggo at kami ang magkakagrupo.
“Ikaw naman dito, Seraf,” nakangiwing baling sa akin ni Samantha habang inuunat ang mga braso niya. “Nangangalay na ako.”
Kinuha ko sa kanya ang marker at ipinagpatuloy ang pagsusulat.
Mabigat na bumuntong-hininga si Samantha kaya napalingon ako sa kanya. She seemed down. Her eyes were sad.
“What’s wrong?” tanong sa kanya ni Ditas.
“Hindi raw nakuha ni Iñigo ‘yong regalo ko,” she murmured.
Halos masamid ako sa sariling laway sa sinabi niya. Kumibot ang mga labi ko at pilit na ipinokus ang atensyon sa sinusulat.
“Pero nilagay ko talaga ‘yon do’n sa doorstep niya!” dagdag niya, bahagyang galit. “Ang mahal-mahal no’n, eh.”
Tinapon ko ang mga regalong nakalagay sa doorstep ni Iñigo noong puntahan ko siya. Hindi ko pinalampas ang regalo ni Samantha. Bigla akong nakonsensya.
She was frugal for some time to save money for that watch. Ngunit hindi ko inintindi iyon at walang pusong itinapon iyon.
Tama nga sila. Maldita ako.
“Baka nagsisinungaling naman ‘yan,” Ditas mumbled while folding the paper.
Samantha glared at her. “Iñigo isn’t that kind of person. He may be cold and naïve but he’s not a liar.”
Tumawa si Jianne at pumalakpak. “Wow, ah. What made you think of that? Are you friends with him? Ni ‘di ka nga tinitingnan, eh.”
Mas lalong nairita si Samantha sa pahayag na iyon. Pinigilan ko naman ang mapangiti at mas ipinokus ang sarili sa pagsusulat.
So I was a bit ahead of Samantha. Pinapansin at tinitingnan naman ako ni Iñigo kahit papaano. Kahit madalas siyang iritado sa akin, ayos lang. At least, pinapansin niya ako.
Fuck me when I was euphoric whenever it was Samantha’s downfall.
“I have this feeling na may nag-alis sa regalo ko ro’n,” she concluded afterwards while tapping her ballpen on the table. “I can feel it! Malaman ko lang talaga kung sino, humanda siya!”
Napakurap-kurap ako at iniwas ang tingin sa kanya.
“You’re hopeless.” Sabay iling-iling ni Ditas. “Hanggang kailan ka ba aasa sa lalaking ‘yan? Ilang buwan ka nang baliw sa kanya. Hindi ka naman pinapansin.”
“He’s focused on his studies. Naiintindihan ko naman ‘yon. Handa ‘kong maghintay.”
Napataas-kilay ako. Was she for real? She really liked him that much? I couldn’t remember her being this way towards her previous subjects of interest.
“Big word, puta,” nakangiwing saad ni Jianne. “Ewan ko sa’yo, Sam!”
Ngumisi lamang si Samantha at kinuha ang libro malapit sa kanya.
Was she in love? Katulad ko rin ba siyang nagmamahal kay Iñigo?
It’s hard when your friend likes the person you like, too. Especially when you’re mean like me who’s ready to drop everything for him.
I was ready to lay down all my cards to have him. Kahit itong pagkakaibigan namin ni Samantha ay handa kong baliin para lamang kay Iñigo.
“Seraf, sabi sa’kin ni Benj, may bago ka raw na lalaki.”
Napakurap-kurap ako at binalingan si Ditas na ngising-ngisi sa akin.
“Sino?” kuryusong tanong ni Samantha at nilipat sa akin ang atensyon. “You have a new boyfriend?”
Kumunot-noo ako. “No! Wala ‘kong boyfriend ngayon.”
He was just about to be my boyfriend.
“Eh, sino ‘yong tinutukoy ni Benj na lalaki?” She gave me a teasing look. “Playgirl talaga . . .”
Nag-init ang ulo ko. Dati ay ayos lang sa akin na tawaging playgirl pero ngayon . . .
“Wala ‘kong lalaki ngayon, okay?” napipikang giit ko. “Whoever he saw with me, ‘di ko ‘yon boyfriend.”
“Ang defensive!” tudyo sa akin ni Jianne. “Hindi pa rin ‘ata makapag-move on sa’yo si Benj.”
I rolled my eyes. “I don’t care. Bahala siya.”
Ngumuso si Samantha. “Kung ‘di sana nalaman ni Benj na pinaglaruan mo siya, baka ang dali lang na malapitan nina Iñigo.”
“At nanisi ka pa!” It was Jianne. “At least, masasabi mong nag-e-effort ka talaga. Hindi ‘yong aasa ka sa koneksyon!”
Jianne told Benj the truth when he annoyed her. Panay daw kasi ang patulong sa kanya sa akin. Napikon na raw siya at naibulalas iyon. Hindi naman ako galit sa kanya. In fact, it made my life easier.
Sumimangot lamang si Samantha at inirapan si Jianne.
Wala na akong balita kay Benj magmula noong naghiwalay kami noong gabing iyon. Hindi na siya nagpakita sa akin na ipinagpasalamat ko. I hated him to the bones. Siya ang dahilan kung bakit mas naging marumi ang imahe ko kay Iñigo.
Nasa ganoon kaming pag-uusap nang may grupo ng mga babaeng pumasok. Ang ingay nila!
“Ay, sina Rochelle!” pakli ni Samantha na ngiting-ngiting nakamasid sa mga bagong dating.
“Sila ‘yong mga pinsan ni Ditas na nakainuman namin no’ng Miyerkules na ‘di ka nakapunta,” bulong sa akin ni Jianne nang napansing kunot na kunot ang noo ko.
Napakurap-kurap ako. Hindi ako dumalo sa inuman dahil nasa eskwelahan ako nina Iñigo at nagpapapansin.
Tumayo ang mga kaibigan ko. Susunod na sana ako nang nahagip ng mga mata ko ang isang pamilyar na babae.
Nanlaki ang mga mata ko. f**k! I was dead!
“Hoy!” tawag-pansin sa akin ni Samantha na nagtataka ang tingin. “Tara!”
Tumikhim ako at hirap na tumayo. Damn it! Pagkatayo ko ay hinila niya ako papunta sa grupo.
“I missed you, girls!” matinis ang boses na sabi Jianne at nakipagbeso-beso sa mga bagong dating.
They all seemed close. Nang akmang titingin sa akin ang babaeng iyon ay iniwas ko ang mukha sa kanya. Napapikit ako nang mariin. s**t!
“Oh,” nagulat ako nang may humila sa akin. “ito nga pala si Serafina. You can call her Seraf. She’s a friend. Siya ‘yong ‘di nakapunta no’ng nag-inuman tayo.”
Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Dumoble ang kaba ko nang nakitang nakatitig na sa akin ang babaeng iyon na kunot ang noo.
“H-hi,” awkward na bati ko.
Napalunok ako nang lumapit sa akin ang babaeng iyon. She pointed me, as if trying to remember me.
“Yes!” pakli niya na nagpaatras sa akin nang isang beses. “You were that girl! Ikaw ‘yon, ‘di ba?”
“You know her, Rochelle?” I heard Ditas inquired from behind.
The girl raked my body. Nang-iinsulto ang kanyang mga mata at ngiti. “Siya ‘yong sinasabi ko sainyong babae sa bar. Iyong bumunggo sa’kin sa balikat.”
Muli akong napalunok. Napasinghap ang ilan sa rebelasyon.
Bakit sa lahat pa naman ng magiging pinsan ni Ditas, ito pang babaeng ito?
“You went to a bar, Seraf?” gulat na tanong ni Jianne sa akin.
“She went there, Jianne. Nakaupo nga siya sa unahan namin, eh.” Humalukipkip at ngumisi sa akin ang babae. “Small world, isn’t it?”
“I-I’m sorry, okay?” saad ko na bahagyang kinakabahan. “It was an accident!”
“What ‘accident’?” Sumabad ang isang babae na may kolorete sa mukha. “Nabuwal ang pinsan ko dahil sa lakas ng pagkakabunggo mo. You didn’t even look back! What a b***h!”
Napaawang ang mga labi ko. No one could call me b***h except my friends!
Bago ko pa man masabunutan ang babaeng iyon ay may humila na sa akin palayo. Si Jianne na iritado ang mukha.
“Kumalma ka!” bulyaw niya sa akin nang narating namin ang isang kuwarto.
“Anong ‘kumalma’? That w***e called me ‘b***h’!” nanggagalaiting bulyaw ko pabalik sa kanya. “Wait ‘til she sees how of a b***h I am!”
Bago pa man ako makalabas ng kuwarto ay muli niya akong hinila pabalik at tinulak sa kama. Pumasok si Samantha at napatakip ng kanyang bibig.
“Ano? Sasaktan mo ‘yon? Pinsan ‘yon ni Ditas, baka nakakalimutan mo!” she said in gritted teeth. “Napakamainitin talaga ng ulo mo!”
“Umayos ka nga, Seraf,” kalmadong sabi ni Samantha habang papalapit. “May karapatan namang mairita sila sa’yo kasi sinaktan mo si Rochelle.”
Iniwas ko ang tingin sa kanila at naupo na sa kama. Fine, may kasalanan ako. At nag-sorry na ako. But still, they called me ‘b***h’?
“Pumunta ka pala ro’n sa bagong bukas na bar.”
Nanigas ako at dahan-dahang inangat ang ulo. Nakahalukipkip si Jianne at nakataas-kilay sa akin. Si Samantha naman ay nakamasid lamang at naghihintay sa sasabihin ko.
Tumikhim ako. “O-oo.” Wala na rin naman akong kawala kaya aamin na lang ako.
Pinagbati nila kami ni Rochelle. We did but just out of their insistence. Parehas pa rin kaming iritado sa isa’t isa.
“Chad saw you.”
Napatingin ako kay Jianne. We were in a taxi. Pauwi na.
Napakurap-kurap ako. “Saan?”
“Sa university nila, where some of the members of ArFa study.” Nilingon niya ako. “No’ng Miyerkules na nakipag-inuman kami kina Rochelle. Na sinabi mong busy ka.”
Naumid ang dila ko. Ngumisi siya sa akin at ibinaling ang mga mata sa bintana. Napalunok ako at pinaglaruan ang mga daliri.
“So, you like someone from ArFa,” she concluded. “Sino?”
Hindi ako umimik. I felt like a rat caught in a trap!
“Is it Iñigo?”
Napatingin ako sa kanya. Nakangiti siyang nakamasid sa akin.
“Para ka raw batang nagpapapansin kay Iñigo sa library.” Ngumuso siya, pinipigilang mas mapangiti.
“G-gusto siya ni Samantha.”
“Yeah. And you like him, too.”
I didn’t know where she stood: on my side or Samantha’s.
She didn’t tell our friends about it, thank God. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon nila kapag nalaman nilang may gusto ako kay Iñigo, lalo na kay Samantha. She would feel betrayed, I was sure. I never wanted to betray her. But I needed to.