Kabanata 10

1021 Words
“Anong ginagawa mo rito?” anas niya sa akin. “This isn’t a playground.” Napalis ang ngiti ko. “I don’t think this is a playground either.” I leaned forward. “This is a blessed place because you’re here.” Napangisi ako nang bahagya siyang natigilan. “Did you skip classes?” Kumurap-kurap siya nang makitang lumuwang ang pagkakangisi ko. Nangalumbaba ako. “No, of course not. May conference ‘yong teachers kaya wala kaming pasok.” “Then, you better study your lessons rather than pestering me.” Ngumuso ako. His eyes lingered on me before he turned his back. “I’m not pestering you. Gusto ko lang paulit-ulit na ipaalala sa’yo na ako ang magdadala ng apelyido’t magiging mga anak mo.” He dropped the folder he WAS holding. Gusto kong tumawa! I just knew how to work my magic on him. “Excuse me.” Napalingon ako sa aking gilid. Isang babaeng blonde, maputi, matangkad, at pangit ang bumati sa akin. Nakataas-kilay din siya. “I’ll deposit my things.” Hindi niya inalis ang tingin sa akin. “Can you move aside, little miss?” Namilog ang mga mata ko. Little miss? Gusto niya na bang mamatay? Umusod siya dahilan para mapausod din ako at mapalayo kay Iñigo. Nag-init ang ulo ko. What the hell did just happen? “Kapatid mo?” ngiting-ngiting tanong niya kay Iñigo, tinutukoy ako. “Hindi.” “Oh.” Sinulyapan niya ako. “I thought she’s your sister. But well, it does make sense. You look Hispanic and she looks,” binalingan niya ako, nangugutya ang mga mata. “native.” Anong masama kung Pilipinong-Pilipino ang anyo ko? Malamang, Pilipino ako! Pasalamat ka at narito si Iñigo! “Sino ‘yon?” kunot na kunot ang noong tanong ko kay Iñigo nang umalis na ang haliparot na babaeng iyon. “Umuwi ka na,” aniya, binalewala ang tanong ko. “Hindi mo naman ‘yon girlfriend, ‘di ba?” Huminga siya nang malalim saka ako tinitigan sa mga mata. “Whether she is or not, wala kang pakialam do’n. Now, go home.” Humalukipkip ako at nakangusong umiling-iling. “Ayoko.” “Why are you so stubborn?” pagod na aniya. “You’re stubborn, too!” He glared at me. Ngumiti lamang ako sa kanya saka nangalumbaba at pinakurap-kurap ang mga mata. “Iniistorbo mo ‘ko sa trabaho ko.” Umigting ang panga niya. “Leave this place so I can work in peace.” “You’re so independent. Mas nahuhulog tuloy ako.” Numisi ako at umayos sa pagkakatindig. “Mauupo na lang ako rito at magbabasa-basa ng mga libro. I’ll behave.” Magsasalita pa sana siya, malamang ay kokontra, nang talikuran ko na siya at umupo sa isang bakanteng mesa. Nilingon ko siya at nginisian. He was scowling, then he left my eyes to assist the new students who entered the section. I wasn’t able to borrow books since my attention was on him. Kinuntento ko na lamang ang sarili sa pagtitig sa kanya. Paminsan-minsan ay nadi-distract siya sa akin kaya natatawa ako. “Hi. Puwedeng makiupo?” Napalingon ako sa lalaki sa aking gilid. Ngiting-ngiti siya. May kasama siyang dalawang lalaki na nakadungaw din sa akin. “Oo, okay lang.” Saka ako ngumiti. Nagtinginan sila at nagsikuhan. They murmured their thanks and occupied the chairs. Muli kong ibinaling ang mga mata kay Iñigo na ahagyang nakangiti. Napakurap-kurap ako nang nakitang matalim na matalim ang titig niya sa akin. As if I did something wrong. Ano na naman bang problema niya? “Anong college ka, Miss?” Napalingon ako sa katabi ko. Nakakahawa ang ngiti niya kaya napangiti na rin ako. “Hindi ako rito nag-aaral. Incoming freshman ako, hopefully.” “Sabi na nga ba!” He snapped his fingers. “Anong pangalan mo? Ako nga pala si Nick.” Napakurap-kurap ako habang nakatitig sa kamay niyang nakalahad. After contemplating for seconds, tinanggap ko na rin iyon. “Serafina.” Saka ako ngumiti. Pinakilala niya rin sa akin iyong mga kasama niya. Pangiti-ngiti na lamang ako sa kanila habang sinusubukan nilang palawigin ang usapan. Gustong-gusto ko nang balikan ang pagtitig kay Iñigo ngunit hindi ko magawa dahil panaka-naka ang pagkuha nila sa atensyon ko. “Aalis ka na, Iñigo?” Napalingon ako sa direksyon ni Iñigo nang marinig ko iyon. Nakasukbit na sa isang braso niya ang bag niya at handa na nga yatang umalis. “Oo,” malamig na tugon niya saka tumalikod at hindi man lang ako tiningnan. “Aalis ka na, Serafina?” Napatingin naman ako sa tatlong lalaki. Nanghihinayang ang mga mata nilang nakatunghay sa akin. “Oo, eh. Sige. Mauna na ‘ko sainyo.” Ang bilis ni Iñigo. Kung hindi ko pa binilisan ang pagtakbo, baka tuluyang hindi ko na siya nakita. “Iñigo!” tawag ko. “Iñigo!” Ngunit hindi niya ako nilingon. Mas binilisan pa niya ang paglalakad. What the hell was wrong with him! Halos madapa na ako nang mas bilisan ko ang pagtakbo. And it paid off. Naabutan ko siya at hinawakan sa braso. And, f**k. I felt that electricity those corny movies talk about. This must be really love. “Let go of my arm,” mariing aniya habang masama ang tingin sa akin. My eyes went to my arm holding his. Matapos ay muli kong ibinalik ang mga iyon sa mukha niya. He was really the one. “Bakit ka na naman galit sa’kin?” Ngumuso ako. “May ginawa na naman ba ‘ko na ‘di mo nagustuhan?” His eyes went to my knees. Gumalaw ang panga niya at agad ding inalis ang tingin doon. Napansin ko ang bahagyang pamumula ng kanyang mga pisngi. Pagkatapos ay ibinalik niyang muli ang atensyon sa akin. I suddenly felt a little nervous when I saw how grim his expression was. Ilang beses ko na siyang nakitang seryoso. Ngunit ngayon itim na itim na ang dati nang maiitim niyang mata. “Stop playing now, brat. Hindi na ‘ko natutuwa.” He harshly recovered his arm from me leaving me agape.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD