Kabanata 9

2108 Words
“I-I like you, Iñigo,” buong tapang na deklara ko. “No,” I bit my lower lip and played with my fingers. “I-I think I’m in love with you.” Muli akong napatungo, kinakabahan sa kung anong magiging reaksyon niya. This was the first time I confessed to someone. Hindi ko alam na ganito pala ang pakiramdam. Kailanman ay hindi ko na-appreciate ang mga lalaking nagtapat sa akin. I ignored their quivering lips, their fear, and their shyness. Ngayong nasa posisyon nila ako, bigla ko silang naintindihan. Hindi pa rin siya nagsasalita. Mas lalo akong kinabahan. Hindi na mapakali ang mga daliri ko, lalong-lalo na ang puso ko. Dahan-dahan kong inangat ang aking ulo. My eyes were met by his. His pitch black eyes were smoldering with confusion, amusement, and anger. I felt weaker. “Don’t play with me, kid.” Napakurap-kurap ako at napanganga sa tinuran niya. Did he just . . . holy s**t! “I’m not a kid!” Kontra ko, medyo galit. “Apat na taon lang naman ang . . .” Nabitin ang mga salita ko. Napapikit ako nang mariin. Right, he was twenty and I was sixteen. But I believed that age doesn’t matter. At ano ba naman ang apat na taong diperensya? He looked away, giving me a side view of his face. Depinang-depina ang panga at cleft chin niya dahil sa mariing pagkakalapat ng kanyang mga labi. “I don’t have time for your games, kid. If you want to play, find someone else,” aniya sa galit na tono saka ako tinalikuran. Pangit nga ang imahe ko sa kanya. “Hindi ako nagbibiro, Iñigo, at lalong ‘di ako nakikipaglaro.” Napatigil siya sa paglalakad. “Seryoso ako. I-I think I’m in love with you.” Marahas siyang humarap sa direksyon ko. Napalunok ako nang nakitang tila punong-puno na siya sa akin. “What do you know about love?” His voice was mocking. “You know nothing!” “I know love because I know you.” Bahagya siyang natigilan sa sinabi ko. Napaawang ang mga labi niya. Ngunit mayamaya ay itinikom niya iyon at muling tumigas ang kanyang anyo. “And I will prove to you that I really do, Iñigo,” dagdag ko. “So you better prepare. Once I want it, I get it. By hook or by crook.” “Such a brat,” he murmured. “And this brat loves you.” Ngumisi ako. “At sa ayaw mo’t sa gusto, mamahalin mo rin ang brat na ‘to.” The more he would resist, the more I would persist. I always got what I wanted. Hindi ako makakapayag na hindi siya makuha. Mahihirapan ako, alam ko. Ngunit handa ako. At wala siyang mapagpipilian kundi ang mahulog sa akin. I never wanted someone’s world this much until he came. Hindi ko na mabilang kung ilang beses kong hiniling na sana ay hindi ako pagalitan ni Daddy. Papunta ako ngayon sa maliit niyang opisina rito sa bahay. Pero alam kong umiling man ako nang paulit-ulit ay walang mangyayari at walang magbabago. Lumabas na ang resulta ng entrance exam namin sa university nina Iñigo. Hindi ako nakapasa. Huminga ako nang malalim bago ko pinihit pabukas ang kuwarto. I saw him on his table working on papers. Inangat niya ang tingin, dahilan para magtama ang mga mata namin. Napalunok ako at dahan-dahang sinara ang pinto. “Go with my choice.” He broke the silence between us. “Naroon ang tita mo nagtatrabaho. Doon din nag-aaral ang mga pinsan mo.” Napakurap-kurap ako. “Daddy, p’wede naman siguro silang pakiusapan na-” His forehead creased that shut me up. Damn it! Bakit kasi ang bobo ko? “Ano bang meron sa university na ‘yan at gustong-gusto mo?” Napakagat-labi ako at tinitigan ang sariling mga paa. “You’ll go with my choice. Naiintindihan mo?” aniya nang hindi ako nagsalita. “Sa susunod na linggo na ang entrance exam do’n for freshmen kaya paghandaan mo.” “D-Daddy, ayoko.” Inangat ko ang aking ulo. “G-gusto ko po sa university na ‘to.” Tumigas ang anyo niya. Abot-abot na ang kaba ko. Pero hindi! Hindi ko tuluyang isusuko ang sarili ko sa takot. Para kay Iñigo. “Hindi mo nga naipasa ang entrance exam!” Napapitlag ako sa bulyaw niya. “If you were just responsible enough, naipasa mo sana’t ‘di tayo aabot sa usaping ‘to!” “Daddy, ayokong mag-Business Ad!” Kitang-kita ko ang gulat sa mukha niya. Ayoko sa lahat iyong pinipilit ako sa bagay na ayoko. At ilang beses ko ba sasabihing nakukuha ko anuman ang gustuhin ko? “How dare you!” Marahas siyang tumayo. “At anong gusto mong kunin? Fine Arts?” Pumalatak siya. “Pinagbigyan kita buong buhay mo, Serafina, at ngayon lang ako may hiniling sa’yo!” Umiling-iling ako, bahagyang galit. “Huwag niyo ‘kong pilitin sa ayoko, Daddy. Ipilit niyo pa sa’kin ‘yan,” tumiim-bagang ako. “hinding-hindi niyo na ‘ko makikita pa.” Then I left the room, him calling my name. I meant it. Ipilit pa niya sa akin ang Business Administration na iyan, talagang hindi na nila ako makikita! Maglalayas ako! I told the taxi driver my destination. My phone rang. Nang nakitang si Daddy iyon ay ni-reject ko ang tawag saka pinatay ang cell phone. Ito ang unang pagkakataon na sinagot-sagot ko siya. Natakot ako sa kanya kanina ngunit mas matindi ang determinasyon kong masunod ang nais ko. Ayokong may pagsisihan. If I pursued what he wanted for me, there was big possibility I would fail. Wala roon ang puso ko. It was Wednesday afternoon. Wala kaming pasok dahil may conference ang mga guro sa eskwelahan namin. A perfect time for me to pay Iñigo a visit. Student assistant siya tuwing Miyerkules at Biyernes sa library nila. “Hindi ka naman mag-aaral dito,” the security guard reasoned out. “But my boyfriend studies here!” pagmamatigas ko. “Can’t you just let me in? I badly want to see him and talk to him.” Ngunit hindi nagpatinag ang sekyu. Inis na nilayuan ko ito. Now, what? Gustong-gusto kong makita si Iñigo. Liban sa miss ko na siya, gustong-gusto ko siyang makita dahil alam kong kakalma ako kapag nasilayan ko siya. Should I go to his condo? But his shift was until four p.m. I glanced at my wristwatch. Mag-aalas dos pa lamang. Kung pupunta ako roon at hihintayin siya, dalawang oras o mahigit akong maghihintay. I’d be bored to death! “Pa-library ka?” “Yeah.” Napatigil ako sa paglalakad. That voice . . . Nilingon ko ang aking likuran. Napakurap-kurap ako nang nakumpirma kung sino ang lalaking iyon. He was riding a bicycle. Naka-all black siyang muli na dumiin sa kanyang kaputian. And he still wore that unsmiling lips and exuded that intimadating aura. Napangiti ako. Biglang nawala ang iritasyon ko kay Daddy. Hindi nga ako nagkamali. He could calm my storms. “Iñigo!” masayang sigaw ko sa pangalan niya habang tumatakbo patungo sa kanya. Mula sa pagkakadena sa kanyang bisikleta ay inangat niya ang tingin sa akin. Mas lumawak ang pagkakangiti ko. Damn! I loved this guy! “Hi!” pa-cute na bati ko sa kanya nang tuluyan siyang nalapitan. Iniwas niya ang mga mata sa akin. Napanguso ako nang nakitang umigting ang panga niya. Iritado na naman. “Wala kaming pasok ngayon dahil may conference ‘yong teachers sa school,” kuwento ko sa kanya. “Puwede ba kitang samahan sa shift mo? Promise!” Tinaas ko ang kanang kamay ko. “I’ll behave!” Tumayo na siya. He didn’t even spare me a glance. He acted as if I wasn’t around. I didn’t know but I found it cute. Baliw na yata ako. Sa kanya. Tinalikuran niya ako. Natigilan ako at nang nakabawi ay agad ko siyang hinabol. “Iñigo!” patuloy na tawag ko. “Iñigo, wait!” But he didn’t even look back. Sa sobrang pagmamadali kong mahabol siya ay napatid ako. Napangiwi ako nang tumama ang katawan ko sa magaspang na semento. “Seraf!” Someone helped me stood up. It was Matt. “Are you okay?” Sinipat niya ako. “Your knees!” Tiningnan ko ang aking mga tuhod. Napangiwi ako nang nakitang dumurugo ang mga iyon. “Ayos ka lang ba?” nag-aalalang tanong niya. “Tara sa loob at gagamutin kita.” My head snapped towards the entrance of the university. Nakita ko ang bulto ni Iñigo palayo nang palayo sa amin. Napalunok ako at pinigilan ang pamumuo ng mga luha. Nakita niya bang nadapa ako? Baka hindi. But if he did . . . “Makakalakad ka ba?” Ibinaba ko ang mga paa sa sahig at ngumiti kay Matt. “Gasgas lang naman. Salamat, ah?” Narito kami ngayon sa isang bakanteng klasrum. He brought me here and treated my scratches. Ngayon ay naka-band aid na ang mga iyon. “No problem.” Ngumiti siya sa akin. “Oo nga pala. Anong ginagawa mo rito?” I was caught off guard with his question. Nagtikom-buka ang bibig ko sa pag-iisip. Hindi ko naman puwedeng sabihin na si Iñigo ang sadya ko rito! “Nandito ka ba para makiusap na makapasok sa Business Ad despite the . . . you know,” napakamot siya sa batok. “nabagsak mo ‘yong exam?” Napakurap-kurap ako. When his words sank in to me, I was relieved. “Y-yeah.” Iniwas ko ang mga mata sa kanya. “I-if they will allow me.” “Puwede naman ‘yan i-consider, eh. Pero first priority talaga nila ‘yong mga nakapasa.” “But I passed my other choices. Baka i-pursue ko ‘yong Fine Arts kung halimbawa ‘di ko makuha ‘yong first choice ko.” Lumiwanag ang kanyang mukha. “Artist ka?” Kimi akong ngumiti. “Medyo.” “Mag-Fine Arts ka na lang kung gano’n. ‘Yan dati ang kurso ni Iñigo, eh.” Wala sa sariling napangiti ako. Ngunit napalis din nang naalala ang nangyari kanina. Matt’s cell phone rang. Namilog ang mga mata ko nang nasilip na si Iñigo ang tumatawag. “Excuse, ah,” paalam ni Matt na agad ko namang tinanguan. “Ano ‘yon?” aniya sa kabilang linya. “Kasama ko si Seraf. Ginamot ko mga sugat niya. Nadapa siya kanina.” He smiled at me. Tumikhim ako at iniwas ang mga mata sa kanya. “Ngayon na? Sigurado ka?” he paused. “Oh, sige. Ihahatid ko lang si Seraf tapos didiretso na ‘ko ro’n.” Then, he dropped the call. “Kailangan ko nang umalis, Seraf,” aniya na tila nanghihinayang. “Ihahatid na lang kita sa pupuntahan mo.” Umiling-iling ako. “Huwag na. Kaya ko na.” “Are you sure? P’wede namang-” Hinawakan ko ang kanyang kamay dahilan para maagaw nito ang atensyon niya. I smiled at him. “Kaya ko na. Huwag mo ‘kong alalahanin. Marami naman akong mapagtatanungan. Ikaw, mauna ka na.” He cleared his throat. “S-sige. Ingat ka pag-uwi mo, ah?” Tumango ako sa kanya saka nilawakan ang pagkakangiti. Pagkaalis ni Matt, ilang minuto ang lumipas ay lumabas na rin ako roon. Nagtanong-tanong ako sa mga estudyante kung nasaan ang silid-aklatan. Karamihan sa mga napagtanungan ko ay sinuyod ako ng mga mata mula ulo hanggang paa. Ngunit may ilang matatapang din na tinarayan ako. Kung hindi lang talaga ako nakapagpigil, nasaktan ko na sila. What was wrong with them? Mga kulang yata sa aruga. I grinned when I saw the entrance of the library. Finally! Pagkapasok na pagkapasok ko ay napatingin sa akin ang mga naroon. Hindi ko alam kung dahil ba bago ang mukha ko sa kanila o dahil sa mga band-aid ko sa magkabilang tuhod. But nevertheless, I didn’t care. Nang nakita ko si Iñigo na abala sa isang section ay napakagat-labi ako. Siya iyong iniiwanan ng mga gamit ng mga pumapasok doon at nagpapa-log in. Maraming tao sa seksyong iyon at karamihan ay babae at binabae. Hindi nakaligtas sa akin ang tatlong magkakaibigan na inaasikaso ni Iñigo. Ngiting-ngiti sila at nagkukurutan habang nakatitig sa lalaking mahal ko. Napataas-kilay ako dahil doon. Tumindig ako nang maayos at nag-uumapaw sa confidence na lumapit sa kinaroroonan ni Iñigo matapos umalis noong tatlo. Nang magtama ang mga mata namin, agad akong ngumiti sa kanya nang pagkatamis-tamis. He reciprocated it with a creased forehead. I was starting to love those creases on his forehead whenever he saw me. Damn it, boy . . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD