Kabanata 19

1309 Words
Matapos ang ilang kanta ay bumaba na sila sa platfrom. Sa gitna ng ingay ng lahat, naging abala kami ni Vanessa sa paglapit sa kanila. Ang bawat hakbang, ang bawat tapak,ang unti-unting nagbalik sa akin sa realidad. Matapos kantahin ni Iñigo ang unang kanta nila ay naging mailap na ang mga mata niya sa akin. I tried to catch his eyes but everything about him was untamed, so hard to earn. Nakaka-frustrate. But whenever I remembered his eyes on me as he was putting tune in every word that came out of his mouth, I couldn’t stop myself from smiling. Everything about him was a wonder. Nang nakarating kami sa backstage, agad kong napansin ang kakaibang atmospera. Mabigat iyon at hindi komportable. Hindi ko iyon inaasahan. Agad na hinanap ng mga mata ko si Iñigo. Nakasandal siya sa pader, nakakrus ang mga braso, nakaangat ang isang paa, at titig na titig sa sahig. Tila malalim ang iniisip. Napansin ko rin ang panaka-nakang pagsulyap ng kanyang mga kabanda sa kanya at kay Raffy. Binalingan ko ang huli. Hindi ko mabilang kung ilang gitla ang nasa noo niya. He looked mad as hell! Kulang na lang ay ihampas niya ang hawak na gitara sa galit. Magkagalit ba silang dalawa? But why? Kung tungkol sa pagiging late ni Iñigo sa usapan nila, masyado naman yatang pinapalaki ni Raffy ang isyu. O baka naman . . . “Guys, ang galing niyo do’n, ah,” punit ni Vanessa sa katahimikan habang nakangiti nang pilit. “Aba, siyempre! Ano pa ba ang inaasahan mo sa’min.” Arnold boastfully lifted his head. “Aba’t ‘di pa nga kayo recording artist, ang yabang-yabang mo na! Kaunting humility naman d’yan, p’re!” Nabawasan ang mabigat na hangin sa kuwarto. Mabuti naman. Nag-aasaran na sina Vanessa, Lance, Arnold, at Matt. Ngunit damang-dama ko naman ang hindi magandang enerhiya na nagmumula sa dalawa. Hindi ko magawang tanggalin ang mga mata kay Iñigo. Nag-aalala ako sa kanya. Hindi maganda ang kutob ko. Gusto ko siyang lapitan. Gusto kong tanungin kung anong bumabagabag sa kanya. Ngunit natatakot akong makumpirma ang hinala ko. “That hag was fraud! Mabuti na lang at ‘di kami!” gigil na hayag ni Arnold habang ikinukuwento ang isang talent scout ‘kuno’ na lumapit sa kanila. “If we didn’t discover it early, malamang ay nahuthutan na tayo no’n,” Matt added. Nagtatawanan ang mga katabi ko ngunit hindi ko nagawang sumabay. Nilingon ako ni Iñigo. Ngumuso ako, nagpapa-cute. Agad niya ring binawi ang tingin at namulsa. My shoulders sagged. Naalala ko iyong konklusyon ni Vanessa – na baka gusto ako ni Iñigo. Nakakatuwa kung ganoon nga pero ayoko munang umasa. He was hard to comprehend. Bawat galaw niya ay tila kalkulado at pinag-iisipan. It scared me to drown myself in the assumption he liked me, too. And later on I would find out he had his reason why he acted like this and not because he intended to watch me as if every move I made was worthy of his love. Pumasok si Gaston kaya naalerto ang lahat. Iñigo straightened up and let an exhale before he blended with the small crowd. Dumating ang isang babae na may dala-dalang snacks: sandwiches at bottled drinks. Agad na lumapit doon ang mga lalaki, maliban kina Iñigo at Raffy. “This is unusual to house such number of customers especially for a newly-opened bar.” Tumawa nang mahina si Gaston. “Seraf.” Nilingon ko si Matt na inuumang sa akin ang isang sandwich at inumin. Ngumiti ako saka inabot ang mga iyon. “Salamat.” Tipid niyang sinuklian iyon bago kinuha ni Arnold ang atensyon niya mula sa akin. “Is it okay, guys, kung hilingin ko sainyo na mag-perform kayo rito weekly?” Umaasa ang mga mata ni Gaston. “Alam kong tumutugtog din kayo sa bistro, but . . .” “Ihahatid na kita sainyo pagkaalis ni Gaston,” bulong sa akin ni Iñigo na biglang nasa ko tabi na ikinagulat ko pa. Tiningala ko siya. Nasa harapan ang mga mata niya. “B-but,” tumungo ako at ngumuso. “I want to stay.” “It’s not good for a kid to stay outside at this hour, brat.” I hissed. Hindi na nga kasi ako bata! Kailan ba niya matatanggap iyon? I could even bear a child right now! Pinagdiskitahan ko na lamang ang mga hawak. Iritado akong kumagat sa sandwich at nginuya iyon. Nakakainis! “Iñigo, what do you think?” Eyes went to him. Hindi ko siya nilingon ngunit naghintay ako sa sasabihin niya habang pilit na binubuksan ang boteng hawak. Bakit ang hirap naman nitong buksan? Buwisit! Nanlaki ang mga mata ko nang agawin niya sa akin ang bote at walang kahirap-hirap na binuksan iyon. “Ayos lang naman sa’kin, but I won’t decide solely.” Saka niya inabot sa akin iyon nang hindi ako nililingon. Kumukurap-kurap na kinuha ko iyon sa kanya. Nahagip ng mga mata ko si Vanessa na nakangising-aso sa akin ngunit binalewala ko iyon. Pasulyap-sulyap din sa akin sina Matt, Arnold, at Lance. In the end, majority didn’t agree to work with Gaston. Naintindihan naman iyon ni Gaston dahil bukod sa may bistro na silang pinagtatrabahuhan, busy rin sila sa pag-aaral lalo na’t karamihan sa kanila ay ga-graduate na sa susunod na taon. “Fix yourself. Aalis na tayo.” It was Iñigo who was busy with his cell phone. “Ayoko pa nga! I’ll stay ‘til the last performance. Nagpaalam na ‘ko sa parents ko,” giit ko na nakanguso. Nilingon niya ako. His eyes darted on my lips before he nailed his orbs to mine. He hissed and averted his gaze seconds later. Napangiwi ako sa reaksyon niya. “Don’t go brat on me now, Serafina,” diin niya at tumayo. Napakurap-kurap ako. Kinuha niya ang bag kong nasa upuan at isinuot sa akin. Nakamaang lamang ako sa kanya at sinusundan ang bawat galaw niya. Mabagal ang bawat kilos ko, hindi makapaniwala. He just called me by name, for the first time! Noon pa man ay naiirita na ako sa pangalan ko. It was derived from holiness yet the owner was way far from it. But when it came out of his mouth, it was as if I never sinned. “Raffy, sa’n ka pupunta?” It was Vanessa. My head snapped towards the figure about to leave the room with a grim face. Nilingon din ni Iñigo si Raffy. Umiling-iling si Arnold, tahimik na nakamasid kay Raffy si Lance, at nakaismid si Matt kay Iñigo. “Babalik lang ako. I need to breathe,” malamig na tugon ni Raffy saka tuluyang iniwan ang kuwarto. Nang balingan ko si Iñigo, nasa pinto pa rin ang mga mata niya na tila naroon pa ang kaibigan niya. Naglaho bigla ang pananabik ko sa unang beses niyang pagbanggit sa pangalan ko. “Stay here,” utos niya sa akin nang walang lingon-lingon at naglakad patungo sa pinto. My gaze followed him. Nang nawala na siya sa paningin ko ay pabagsak akong naupo sa katabing upuan. May kasalanan ba ako? Ako ba ang dahilan kung bakit may cold war sa pagitan nilang dalawa? Huminga ako nang malalim. My eyes caught Vanessa. Nakatitig siya sa akin. She smiled at me forcefully which I returned. I wondered if she thought the same way I did. Hindi na ako magtataka kung iyon din ang iniisip niya. I was busy with my phone when a girl came inside. Humahangos ito. Napatingin din ang mga kasama ko. All mirrored my expression: wonder and worry. “‘Y-’yong dalawang kabanda niyo . . .” She trailed off, trying hard to catch her breath. Napatayo si Vanessa. “Bakit? Anong meron?” “Nagsusuntukan!” the girl exclaimed horrifically. Nanlaki ang mga mata ko. Kasabay noon ang panlalamig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD