Pagkalabas ko sa cubicle ay agad akong sinipat ni Vanessa. Nginitian niya ako na mabilis ko namang sinuklian.
Vanessa was a nice girl. Kaedaran niya sina Iñigo. But she wanted me to call her by her name, without honorifics. Pabor naman sa akin iyon dahil sa totoo lang ay hindi ako magaling sa mga titulo.
“Naku, mabuti na lang talaga at dinala ko ‘yang mga naiwang damit sa locker ko!” she blurted out.
Suot ko ngayon ang isang may kalakihang white t-shirt at isang gray jogging pants. Totally not my style, but well . . .
“Yeah, thanks. Ibabalik ko rin ‘to sa’yo pagkalabang-pagkalaba ko.”
“P’wede ring ‘wag na.”
“No, I will return these.”
Tumawa siya at inilabas ang kanyang lipstick. Pinagmasdan ko siyang ilapat iyon sa lower lip niya. Makalipas ang ilang segundong pagmamasid ay binalingan ko na ang lavatory at binuksan ang faucet.
“Seraf, may itatanong ako sa’yo. But please don’t take this the bad way, ha,” aniya kaya napalingon ako sa kanya.
“Shoot,” sabi ko at sinimulang suklayin ang aking buhok gamit ang mga daliri habang nakatitig sa repleksyon.
“Pamilyar ang pangalan mo sa’kin. I think, nabanggit ka na sa’kin ni . . . Benj.”
Natigil ako sa ginagawa. Lumipat ang mga mata ko sa kanyang repleksyon. Nakatitig din siya sa akin.
Napalunok ako sa kaba.
“Ex ka ni Benj, ‘di ba?” patuloy niya. “He claimed you played him. Is it . . . true?”
Hindi ko natagpuan ang dila ko.
Hiyang-hiya ako. Bumuka sana ang lupa at lamunin ako!
I never knew that foolish act would take me to this!
“Close ko si Benj since cousin siya ni Raffy, my boyfriend. He likes playing, like a lot,” mabini siyang ngumiti. “I had never seen him cry over a girl. Like ever. But he cried . . . for you.”
Dumiin ang pagkakakagat ko sa ibabang labi. I felt so bad, so s**t!
“I told him a lot of times, na makikilala rin niya ang katapat niya. He did . . . meet you.”
“I-I’m sorry.”
Tumungo ako. Wala akong ibang masabi.
“Don’t be.” Ngumiti siya sa akin. She puckered her lips. “But I just want to tell you,” she looked at me. “if you just intend to play Iñigo, ‘wag mo nang ituloy. That guy maybe cold and all but he doesn’t deserve heartaches, especially from someone he just met.”
Her words didn’t leave my mind. Walang tigil iyon na bumulong sa utak ko. Not because I was guilty. I just realized how awful I was.
Sa edad na disi seis, marami na akong binasag na puso. Hindi pa kasali ang mga hindi ko naging nobyo.
Hindi kaaya-ayang balikan ang nakaraan ko. Napakabata ko pa nang atupagin ang mga bagay na dapat ay ginagawa kapag nasa tamang edad na.
Sa dumi ng nakaraan ko, hindi ko na kailangan pang hulaan kung anong iniisip sa akin ni Iñigo.
But hell! I could be a good girl for him!
Nang lumabas kami ay paakyat na sa platform ang banda. Puno na ang buong bar at halos mga babae ang kustomer. Maingay at halatang ang ArFa lamang ang ipinunta.
“Do’n tayo!” Sabay hila sa akin ni Vanessa patungo sa isang mesa na may iisang tao lamang.
After our little confrontation, naging magaan din agad ang atmosphere sa pagitan naming dalawa. Umakto siyang parang walang nangyari at ipinagpapasalamat ko iyon.
“Hi! This is Raffy of ArFa!” panimula ni Raffy na umani ng mga tilian sa hindi magkamayaw na audience.
“Excuse me! May nakaupo ba rito?” magiliw na tanong ni Vanessa sa babaeng solo ang isang mesa.
The girl c****d a brow. It stirred something in me. “Mga kaibigan ko ang mauupo d’yan. Papunta na sila rito.”
“Oh.” Ngumiti si Vanessa. “Okay, then.”
Binalik ko ang mga mata sa platform. Naghahanda na ang mga lalaki sa pagtugtog habang nagsasalita pa si Raffy. I focused my eyes on Iñigo who was pretty busy adjusting the mic.
“Naku, ang sarap sampalin! P’wede namang sabihin na para sa mga kaibigan niya ‘yon nang ‘di nagtataray! Akala mo ikinaganda niya ‘yong tattoo niyang mga kilay,” reklamo ni Vanessa matapos naming layuan iyong babae.
“Dito na lang tayo,” I told her, my eyes not leaving Iñigo.
“Do we have a choice?” She groaned afterwards.
Dahil okupado na ang mga mesa ay tumayo na lamang kami sa bandang likuran. Hindi naman kami nagdadalawang ganoon dahil may mangilan-ngilan ding nagtiyatiyaga sa pagtayo sa aming puwesto.
“So this song is for those who are in love,” ani Raffy.
And as if on cue, the lights dimmed. Only Iñigo’s position was a bit lit which highlighted him even more. He looked like a god about to serenade the mortals. Hindi lamang ako ang nakapansin noon dahil bahagyang nagbubulungan ang mga katabi namin at impit na nagtitilian.
Nangilabot ang bawat himamay sa aking katawan nang nagsimula na ang kanta. Mas lalo akong nangilabot nang natagpo ang mga mata namin. Hindi ko na naririnig ang paligid ko. It was as if the world was suddenly ours. Only us two, no one else.
I knew at that moment, my heart wasn’t mine anymore. It was already his.
Do you feel something for me now, Iñigo? Can you feel me now?
Sa bawat pikit niya, para akong paslit na humihiling na idilat niyang muli ang mga mata upang muling magpakalunod sa mga iyon.
If this wasn’t love, I didn’t know what to call this anymore.