Amethyst
Hindi ko man naaaninag ang kanyang mukha ay alam kong may isang nilalang na nakaupo sa itaas ng sanga.Matangkad ito at matikas ang pangangatawan.Kumakain ito ng saniata habang nakataas ang isang paa habang ang isa naman ay nakababa lamang.May kakaiba rin itong awra na batid kong ngayon ko lamang naramdaman sa tana ng aking buhay.Kahit labis labis ang aking takot na nadarama ay nakuha ko pa rin itong pagmasdan hanggang sa natigilan ito sa pagkagat ng prutas at nilingon akong bigla.Sa sobrang pagkagulat ay napaatras ang aking mga paa.Kitang kita ko sa dilim nakatitig sa akin ang lalaki at sa labis na sindak ko ay hindi ko na namalayan ang aking natapakan at bigla na lamang akong nahulog sa parte ng isang maputik na butas.Pilit kong iniaahon ang aking sarili ngunit mas lalo lamang akong lumulubog at sinisipsip paibaba.Huli na nang mapagtanto kong nalubog ako sa isang kumunoy dahil kung kanina ay hanggang balakang ko lamang ang putik, ngayon ay hanggang leeg ko na ito.Pilit akong umaahon ngunit sa tuwing susubukan kong gumalaw ay lalo lamang akong lumulubog.
“Tulong please! tulungan n'yo ako.”
Sigaw ko ng umiiyak ngunit tila wala namang nakakarinig sa akin.Walang tigil akong sumigaw at humihingi ng tulong.Umaasang may mga kapit bahay na makakarinig sa akin at dadaluhan ako ng tulong.Napag desisyunan ko ring hindi gumawa ng ano mang pag galaw dahil sa ganitong paraan ay napapabagal ko ang aking pag lubog sa kumunoy.Napakagat na lamang ako sa aking labi at mahinang humikbi dahil sa unti unting pagka-ubos ng pag asa.
“How miserable this life is.Am i just going to die because of this stupid kumunoy? then fine! if this how my life ends , be it.”
Sigaw ko habang galit na umiiyak ngunit natigilan ako nang maalala ko si pearl.Ang aming nakababatang kapatid ni Aya na iniwan kong natutulog sa bahay.Muli akong humingi ng tulog at sinubukang ulit sumigaw.
“Tulong aling Weng! tulong po!”
Malakas na sigaw ko hanggang sa lumipas na lamang ang halos sampung minuto at unti unti na rin akong hiningal at namaos.Muli akong humikbi at tuluyang nawalan ng pag asa.
“Ang mga kapatid ko.Paano na sila kung mawawala pa ko? sinong mag aalaga sa kanila gayong wala na si Nanay.Paano na si Pearl? isang taon pa lang ang kapatid ko na yun at si Ayana paano siya?”
Humihikbi kong sambit ngunit saglit akong natigilan nang maalala ko ang nilalang na nakaupo sa sanga.Dali ko itong nilingon na hanggang ngayon ay kumakain pa rin ng saniata na tila baliwala lamang sa kanya ang sitwasyon ko.Nilakasan ko ang loob ko at pilit inalis ang takot sa aking dibdib.
“Bahala na maligno man siya o tao, ang importante matulungan niya akong makaalis dito dahil kailangan ako ng mga kapatid ko.”
Wika ko sa aking isipan at saka humugot ng malalim na pag hinga.
“Kung sino man ang nariyan pakiusap tulungan mo ko.Pa- pangako gagawin ko ang lahat ng gusto mo.Pakiusap tulungan mo ako.Kailangan ako ng mga kapatid ko please.”
Sigaw kong muli hanggang sa maaninag kong nabitin ang kamay nito sa pagkagat ng saniata.Nanatili lamang itong nakaupo na tila walang naririnig.Unti unti na akong lumulubog sa putikan at nag simula na akong mag panic.Nang muli kong lingunin ang lalaki sa puno ay wala na ito roon.Bumuhos ang aking mga luha sa kawalang pag asa na nadarama.
“Umalis na siya.Wala na, wala ng pag asa.”
Tanging bulong ko at mariing ipinikit na lamang ang aking mga mata kasabay ng tuluyan kong pagkalubog sa putik ng kumunoy.
uhhhhhhhhhhh!
***
Hugot ko sa aking hininga.Kasalukuyan akong nakaupo sa mabatong bahagi at patuloy sa pag ubo.Maging ako ay hindi alam kung paano ako nakaahon sa kumunoy ng kamatayan na iyon.Pero isa lang ang alam ko,ito ay ang ligtas na ako sa tiyak na kamatayan.Napahawak ako sa aking dibdib at napangiti kahit pa balot na balot ng putik ang buo kong katawan.Natigilan lamang ako nang bigla ay may paa ng lalaki ang lumapit sa aking pwesto.Kahit na madilim ang paligid ay naaninag ko ang mukha nito dahil sa liwanag ng bilog na bwan.Nakasuot ito ng makintab na itim na sa sapatos at naka all black formal suit.Unti unti kong tiningala ito at doon ko nakita ang gwapo nitong mukha.Kung eestimahin base sa kanyang itsura ay naglalaro ang edad nito 20 pataas.Tulala ko itong pinagmasdan at nagulat na lamang ako ng taasan ako nito ng kilay at biglang binuhat.
“Te-teka sandali.”
Natatarantang protesta ko nang walang pasabi ako nitong buhatin.
“Alam kong maligno ang lalaking 'to at hindi isang normal na tao.Nararamdaman ko yun.Pe-pero saan niya ko dadalhin? hi-hindi kaya kukunin niya ako at dadalhin sa mundo ng mga engkanto?” hindi! hindi maaari 'to.”
Sigaw ko sa aking isip.
Sandali bitiwan mo ko ayoko sayo! saan mo ba ko dadalhin?bitiw sabi eh..ayyyyyyyyyyy!
Sigaw ko ng bigla ako nitong itapon sa ilog.Mabuti na lamang at hindi ganun kababa ang tubig doon smat hindi ako nasaktan sa pag hagis niyang iyon.Seryoso ko itong tinitigan at ganun din ito sa akin.
“Maligo ka bago umuwi sainyo.”
Baritonong wika nito at daling tumayo habang nakapamulsa.
“Te-teka sandali saan ka pupunta?”
Tanong ko dito na siya namang ikinatigil nito sa pag hakbang.Seryoso ako nitong tinitigan at maya maya pa'y ngumisi ito na libo libong kilabot ang hatid sa aking sistema.
“Wag kang mag alala, babalik ako para maniningil sa utang mo.”
Nakangising saad nito at tuluyan nang naglakad patungo sa kung saan ko siya nakita ngunit laking gulat ko nang mag tungo ito sa malaking puno ng balete at biglang naglaho na parang isang bula.