Amethyst
*
Ang seryoso mo na naman d'yan ate.Ano na naman ba yang iniisip mo?
Tanong ni Aya.Kasalukuyan kaming nagpapahangin ngayon dito sa aming balkonahe.Sabado kasi ngayon at wala naman klase si Aya.Si pearl naman ay abalang abala sa kaka-kalikot ng laruan n'ya habang nasa walker.
“Hay naku Aya.Mababaliw na ata ako.”
Sambit ko habang malalim ang buntong hininga.Hindi ko pa rin kasi nakakalimutan ang sinabi ni Malik.Gusto niyang bigyan ko siya ng anak kapalit ng hindi na niya pag gambala sa akin.Hello? ano yun parang nanghingi lang siya ng laruan? akala niya naman ganun lang 'yun kasimple.Kaya sa sobrang galit ko, sinabi ko sa kanya na hinding hindi ako papayag na magkaroon ng anak sa isang kampon ng kadiliman na tulad niya.Ewan ko ba pero nang mga oras na iyon ay nakaramdam ako ng guilt sa mga binitawan kong salita.First time ko nun makita ang engkanto na yun na ngumiti ng ganun.Usually kasi kung ngingiti yun kung hindi mala-demonyo ay painsulto naman.Pero nung mga oras na yun na sinabi niyang bigyan ko raw siya ng anak ibang iba yung mga ngiti niya.Alam mo yung genuine yung saya niya ng mga oras na yun pero nasira ang mga ngiti niya nung tawagin ko siyang kampon ng kadiliman.Naging seryoso yung mukha niya pero hindi in a way na nananakot.Pero parang nasaktan? ay ewan ko ba, di ko rin maintindihan pero na guguilty ako sa mga huling sinabi nito bago s'ya umalis at naglaho.Hindi ko makakalimutan ang katagang binitawan nito na sa akin.Hindi naman daw sila kampon ng kadiliman.Kaya bakit daw ako ganun magsalita sa isang katulad niya.Pag kaming tao daw ang nanggagambala hindi daw naiisip yung nagawa.Samantalang ang mga tulad daw nila ang hindi naman kadalasan nauuna.Hindi naman daw gagawa ang mga tulad nila ng isang bagay kung hindi sila ginulo o ginambala.At isa pa sa ikinaka-guilty ko ngayon ay nang sabihin nito na never niya nga raw ako naringgan na mag pasalamat simula nang iligtas niya raw ang buhay ko.Bagkus, puro masasakit na salita raw ang narinig niya sa akin.Nung mga oras na yun ay hindi ako naka imik pa at mabilis din siyang umalis at naglaho na para bang tumagos lang sa usok tapos wala na.At heto ako ngayon kinakain ng kunsensya ko.Simula nun hindi na siya ulit pumunta dito sa bahay.Nawala na rin yung mga weird na nangyayari sa'kin.Halos mag tatatlong linggo na nga itong hindi nagpapakita sa'kin.Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil hindi na niya ako gingulo o malulungkot ako dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakapag pasalamat sa kanya.Hay ewan ko ba.
Nakatunganga pa rin si Aya na nakatitig sa akin habang tila nag hihintay ito ng isasagot ko.
“Wala.”
Maikling tugon ko.
“Sus, wala daw.Alam mo masyado kang malihim ate hindi kita maintindihan.Mag sasalita ka ng mga ganyan bagay tapos pag tinanong ka sasabihin mo wala.Buti pa nga yung atticus na taga sunod ni Malik kahit engkanto okay kausap.Ikaw 'tong naturingang tao ang gulo gulo ko kausap.Hindi kaya ikaw yung engkanto?”
Saad nito.
Hmmm!
Ouch! ate naman eh! kaya ako nabobobo kasi binabatuka mo 'ko eh!
“Ang dami mong alam! walang katotohanan yung mga ganyan.Mag aral kang mabuti para tumalino ka.”
Sermon ko dito.
Pe-pero teka anong sabi mo? nagkausap kayo ni Atticus? yung taga sunod ni Malik?
Sunod sunod na tanong ko.
“Ah, oo kanina lang, pumunta siya dito.Nagkwentuhan pa nga kami eh.”
Wika nito na ikinagulat ko.
Ha? pe-pero may nasabi ba siya kung bakit hindi na yata nanggugulo yung amo niya?
“Wala nman siyang nasabi ate.Basta nakita ko na lang siya kanina d'yan sa tapat ng bahay natin nakatingin na para bang nag babantay pero nung tinanong ko naman siya sabi nya napadaan lang daw siya at gusto lang niya tayo kumustahin.Tinanong ko nga kung bakit himala yatang hindi na nangungulit si Malik sayo. Ang sabi naman ni Atticus wala raw panahon ang amo niya.”
Paliwanag ni Aya.Na siyang ikinabuntong hininga ko.
“Siguro galit pa rin 'yun sa mga sinabi kong masasakit sa kanya.Ikaw naman kasi Amethyst walang preno masyado ang bibig mo.”
Suway ko sa aking sarili.
“Oh nandito mga sexy kong anak.He he he.”
Saad ni Emman na ngayon ay amoy na amoy ko ang singaw ng alak sa kanyang katawan.Hapon na kaya siguradong kotang kota na ito sa kakalaklak at kakasugal.Eh ang daily routine ba naman nito eh simula alas otso ng umaga laklak hanggang sa mahapunan na laklak pa rin.Suki na nga ata ito ng mga lamay kung saan may libreng alak at pasugalan.Ewan ko ba pero hindi ko rin maintindihan si nanay kung paano nangyaring nagkagusto siya ganitong klaseng lalaki samantalang ang layo layo niya kay tatay na mabait na responsable pa.
“Pwede ba emman, wag na wag mo kaming matawag tawag na mga anak mo dahil kahit kailan hindi ka namin itinuring o ituturing na tatay namin.At isa pa, wala kaming tatay na lasinggerong tulad mo na wala na ngang pakinabang sa buhay, tambay na, palamunin ko pa.”
Galit na sambit ko dito nang mabilis ako nitong sakalin sa aking leeg na siyang ikinasigaw ni Aya.Maging si Pearl nga ay tila nakaramdam rin at bigla na lamang pumalahaw ng iyak.Ngunit hindi ako nag patinag dito at nginisihan ko lamang ito at tinitigan ng masama habang hawak pa rin nito ang aking leeg.
“Masyado kang matapang na bata ka.Yan ang nagustuhan ko sa nanay mo eh.Yung palaban.Rawrrrrr.”
Tila wala sa sarili nitong sambit at mabilis na dinilaan ang aking leeg na siyang ikina alarma ko.
Walang hiya ka bitiwan mo ako!!!!!
“Tito Emman maawa po kayo kay ate bitiwan nyo siya.”
Umiiyak na pakiusap ni Aya.Kung kaya't buong pwersa ko itong itinulak at saka malakas na sinipa sa kanyang bayag dahilan upang mabitawan ako nito.
“Ahhhhhh! puta kang babae ka!”
Sigaw ni Emman ngunit dali kong kinuha si Pearl at mabilis itong ibinigay kay Aya.
“Umalis na kayo ni Pearl at humingi kayo ng tulong bilis.”
Pe-pero ate..
Sige na Ayana!!!!!
Sigaw ko dito at maya maya pa'y mabilis akong nahablot ni Emman at malakas na sinampal.
Ate!!!!!
Sigaw ni Aya.Pinilit kong bumangon sa sahig at sinabihan si Aya na umalis na at humingi ng tulong.Umiiyak naman itong tumakbo palabas ng bahay habang karga karga si Pearl.Batid kong wala si Aling Weng ngayon sa kanilang bahay dahil may kinailangan nitong lumuwas pa maynila dahil nakatakdang ikasal ang kanyang panganay na anak.Naiiyak na lang akong pinagmasdan si Aya na umalis.Nasa tagong pwesto ang bahay namin nila Aling Weng.Aabutin pa ng limang minuto bago niya marating ang labasan.Labis akong napaigik nang bigla nitong hilain ang aking buhok at pinilit akong ipasok sa loob ng bahay.Halos pabalibag ako nitong itinapon sa sofa na siyang ininda ko.Nanghihina ko na lamang itong pinagmasdan na nila-lock ang pinto habang umiiyak.Ang mala demonyo nitong ngiti habang pinagmamasdan ang aking katawan ang siyang nagpakilabot sa akin.
“Tangina, ang tagal kong hinintay 'to Amethyst.”
Saad ni Emman na siyang kilabot ang hatid sa akin.
“Anong ibig mong sabihin?”
“Ikaw talaga ang gusto ko.Hindi yung gurang mong nanay.Tangina! ang tagal tagal kong nag tiyaga sa lasang bilasa para lang maisakatuparan yung plano ko na matikman ka.Sukang suka na nga ako sa pambobola dun eh.Pero tignan mo nga naman ang pagkakataon oh! namatay agad ang nanay mo at heto ka na ngayon nakahain ka na sa harap ko.”
Hayop ka! niloko mo si Nanay!
Nanghihinang sambit ko.
“Shhhh ako ang bahala sayo.Pasasarapin kita.Hehehe.”
Tulong wag!!!!
Sigaw ko ng malakas nitong punitin ang aking damit.Bumulaga sa harapan nito ang dalawang matayog kong dibdib na siyang mabilis din nitong hinawakan.
Ahhhhhh! parang awa mo na tama na!!!!
umiiyak na palahaw ko.