Mula sa kanyang gilid ay kitang kita ang nakabusangot nitong pagmumukha.Infairness naman sa kanilang mga engkanto,nakakatakot man ang kanilang tunay na anyo hindi pa rin maitatanggi ang angkin nilang kakisigan at kagwapuhan.Ngunit bigla akong napaisip.Hindi kaya nagbabalat kayo lamang sila pero sa totoong buhay ay mga pangit at nakakatakot talaga ang itsura nila tulad ng sabi sabi ng iba? bigla tuloy akong nangilabot at nacurious.
“psst Malik.”
Tawag ko dito na agad naman niyang ikinalingon.Walang lumabas na salita rito pero sinimangutan lamang ako nito.
“Bakit mo ba ako dinala dito sa ilog? ano to tutunganga lang tayo dito?pero maiba ako, may gusto sana akong itanong pero ipangako mo munang hindi mangingitim yang mga mata mo.”
Saad ko.Ilang saglit pa ay nawala na ang pagsisimangot nito at marahang tumango.
Promise?
Pag sisigurado ko.Ngunit nagsalubong lamang ang mga kilay nito at nag iwas sa akin ng tingin at saka muli tumango.
“Mag promise ka muna.oh! ”
Abot ko sa hinliliit kong daliri senyales ng pinky swear.
“Para saan ba yang ginagawa mo?”
Masungit na tanong nito ngunit sa labis na pagkainip ay walang pasabi ko na lamang inabot ang kamay nito at pilit na ipinag-pinky swear ang aming daliri at saka lamang ako nakuntento at napangiti.Agad kong binitiwan ang kamay nito at nginitian ito habang taas baba ang dalawang kilay.Ngunit nag iwas lamang ito ng tingin.
Matanong ko lang ha, totoo ba yung chismis na ang totoo daw ninyong kaanyuan ay nakakatakot at pangit?at yang pagmumukhang ganyan ay hindi totoo? na nandadaya lang daw kayo sa paningin naming mga tao?
Tanong ko na mabilis nitong ikinalingon sa akin.
“Totoong nakakatakot ang aming tunay na anyo.Ngunit itong nakikita mong anyo ko sa iyong harapan ay hindi kailaman naging peke.”
Mula sa pagiging normal na nilalang ay biglang nagbago ang kulay ng kanyang buhok.Mula sa itim nitong kulay ay unti unti itong nag palit sa kulay puti.At ang kayumanggi nitong balat ay nag bago at tila naging kasing kulay ng nyebe na aakalain mong nag pahid ito ng harina sa puti.Maging ang kasuotan nito ay nag bago rin.Kulay sedang puti na may ginto sa bawat gilid ang kanyang kasuotan.At ang kanyang maikling buhok ay naging mahaba na umabot hanggang kanyang baywang.
“Ngayon, sabihin mo sa akin.Nag bago ba ang mukha ko?”
Tanong ni Malik sa akin ngunit marahan akong umiling dahil kung tutuusin, kulay ng balat, buhok, at kasuotan lamang ang nabago sa kanya ngunit ang kanyang mukha ay nanatili pa ring ganun.
Pe-pero teka, naguguluhan ako.Hindi ba't um-oo ka nung tinanong ko sayo kung nakakatakot ang totoo ninyong anyo? pero sinabi mo rin na ang totoo ninyong anyo ay hindi peke.A-ano ba talaga?
Naguguluhan kong tanong.
“Iyon ay dahil kaming mga engkantado at engkantada ay may dalawang klaseng anyo.Una itong nakikita mo ay ang normal kong anyo sa aming mundo.At ang tinutukoy ninyong mga tao na nakakatakot naming anyo ay parte ng isa pa naming katauhan.Lumalabas lamang ang nakasisindak naming anyo sa tuwing may nararamdaman kaming panganib sa paligid o di kaya'y may gumagambala o lumalapastangan sa aming tirahan.”
Paliwanag nito.
Pero matanong ko lang, bakit ba ayaw mo akong tigilan? kung iniisip mo na may mapapala ka sa'kin nagkakamali ka.Dahil mahal ko ang mga kapatid ko at walang sinoman sa kanila ang iaalay ko sayo.
Saad ko.Muling tumahimik ito at maya maya pa'y ngumisi.
“Hiningi mo ang tulong ko at sinagot ko 'yun.At iyon ang dahilan kung bakit kasama mo pa ngayon ang mga kapatid mo.Nagbitaw ka ng sagradong salita kapalit ng pagtulong ko sayo at heto ka ngayon kinukwestiyon ang paniningil ko?”
Mahaba at seryosong lintanya nito.Agad na lamang akong napalunok at nag iwas ng tingin.
“Pe-pero bakit naman buhay din ang hinihingi mo? hindi ko magagawang iaalay ang buhay ng sinoman para lang sa ikakabuti ko.Ba-baka naman pwede na lang akong mag alay ng iba wag lang buhay.”
Saad ko na ikinataas ng isang kilay nito.
“Tulad ng ano?”
Tanong nito.
Ah ano, ahm prutas? oo prutas gusto mo iba't iba pang..
“Hangal, anong tingin mo sa mundo namin walang prutas?”
Saad ni Malik.
“Eh anong buhay nga ang iaalay ko sayo para lubayan mo na ako? te-teka wa-wag mong sabihing gusto mo akong isama sa mundo ninyo? wag mo sabihing natipuhan mo ako?”
Kinakabahang tanong ko ngunit ngumisi lamang ito sa akin.
“Masyado naman atang mataas ang tingin mo sa iyong sarili.Hindi hamak na mas maraming nakahihigit sayo sa aming mundo kaya bakit ko naman gugustuhin ang tulad mo? isa pa, ano naman ang gagawin mo sa mundo namin? nahihibang ka na.”
Mayabang na saad nito na siya naman talagang nag pakulo sa dugo ko.Sarkastiko akong napatawa at di makapaniwala sa mga tinuran nito.
“Napakayabang ng engkantong 'to muka naman espasol.”
Akma na itong papaalis ng hilain ko ang kamay nito.
“Hoy wait lang! anong sinabi mo? mataas ang tingin ko sa sarili ko? hahaha bwiset ka.”
Inis na sambit ko.
“Masyadong makasalanan ang bibig mo.Dapat sayo parusahan.”
“Whatever! pero di ko matatanggap yung pang iinsulto mo sa'kin.Kalokohan 'yan na hindi ka nagagandahan sa'kin.Alam mo ba dito sa lugar namin o kahit saan ako mag punta mapaprobinsya man o syudad ay iisa lang ang sinasabi ng karamihan? na maganda ako?”
Pagdidiin ko sa aking huling salita.Ngunit tamad lamang ako nitong tinitigan at akma na itong papaalis ng muli ko itong pigilan.
“Hoy engkanto,since ikaw pa lang ang bukod tanging lalaki ang nagsabing hindi ako maganda.Kung ganun hinahamon kita.”
Saad ko dito na tila pumukaw sa interes nito.
“Tss, insanis.”
Wika nito na tila nang iinis.
“Anong salita 'yun ha?”
Tanong ko.
“Insanis, iyon ang katawagan sa mga tulad mong wala na sa sarili.”
“So sinasabi mong baliw ako?”
“Kung iyon ang katumbas na salita sa inyong lengwahe.”
Ngisi muli nito.
“Wag ka ng marami pang satsat.Eto ha, sinasabi ko sayo wala pa atang lalaki ang hindi bumibigay sa charm ko lalo na sa mga ngiti ko.In just 10 seconds kayang kaya kitang akitin gamit lang tong mga ngiti ko.Humanda kang engkanto ka kakainin mo din mga sinabi mo.”
Saad ko habang ito naman ay nanatili lamang nakatingin sa akin.Dali akong tumalikod at inihanda ang aking sarili.Sinadya kong umusong malapit dito at maya maya pa'y inumpisahan ko ng hawiin ang aking buhok sa kanyang harapan.Binigyan ko ito ng isang napakatamis na ngiti at ginawa ko rin ang iba't ibang klaseng pag papa cute sa harap nito.Mayroon ngumuso ako, nginitian ito habang papikit pikit ang mga mata ngunit tila blangko lamang ako nitong tinitigan hanggang sa makaramdam na lamang ako ng pagsuko.Siguro'y tatanggapin ko na lang ang katotohanan na pangit talaga ako sa paningin nilang mga engkanto.Tanging buntong hininga na lamang ang ginawa ko at laglag ang mga balikat na sumuko.Ngunit natigilan ako ng unti unti itong humakbang papalapit sa akin na siya namang pinagsisishan ko sa huli.Natigilan lamang ako sa kakaatras ng maramdaman kong ilog na ang susunod kong tatapakan.
“Hoy ano ang seryoso mo naman ata Malik.Joke lang nama 'yun.”
Saad ko ngunit halos maduling ako ng yumuko ito upang pantayan ang aking mukha.Napaka lapit ng mukha nito na halos naamoy ko pa ang mabango nitong amoy at hininga and this time hindi pag ngisi ang ginawa nito kundi ngiti.
“Buhay ang kapalit na napagkasunduan natin.Kung ganun, bigyan mo ako ng anak.”
Saad nito ng may matamis na ngiti.