Amethyst
*
“Ano? engkanto? prrrrt.Hahahaha!”
Walang humpay na halakhak ni Aya samantalang ako ay seryoso lamang itong pinagmasdan.
“Ate sabihin mo, okay ka lang ba? papaano naman mangyayari na yung mga nagagwapuhan na pagmumukha ng dalawang yun ay naging engkanto? alam mo 'te kaka-kape mo yan.Nasobrahan ka na sa cocaine.”
Wika nito ng naluluha pa ang kanyang mata.Dali ko itong binatukan na siya namang ikina-aray nito.
“Bonak ka rin eh no? hindi ito dahil sa kape dahil nagsasabi ako sayo ng totoo .At teka nga, nang gigigil ako sayo ha? at kailan pa nag karoon ng sangkap na cocaine ang kape? cafeine kasi yon! kung hindi ka ba naman engot.Kaya pabalik balik ka sa third year eh.Nang gigigil ako sayo.Ginawa mo 'kong drug addict ng wala sa oras.”
Inis na sermon ko dito na siya namang ikinakamot nito sa kanyang ulo.
“Eh ano naman maganda naman ako no.”
“Hay naku tigil tigilan mo yan.Basta pag dumating ang mga yun at sinabi kong pumasok kayo ni Pearl sa kwarto,sundin mo.”
“Pero ate.”
Natigil ito sa kadadaldal nang may dumating na tao sa aming bahay.
Nang silipin ko kung sino ito ay nagulat pa ako dahil may dala itong bulaklak.
Lester? a-anong ginagawa mo dito?
Tanong ko dito habang may matamis na ngiti.
Nalaman ko kasi kay Aling Weng na narito ka na raw ulit sa san Agustin kaya bumili kaagad ako flowers para mabisita ka.Kumusta ka na ba?
“Naku, okay lang ako.Nakakahiya naman nag abala ka pa.Halika't pasok ka.”
Si Lester ay ang isa sa masugid kong manliligaw noong college students pa lamang kami.Mabait ito at anak ng Kilalang politiko dito sa aming lugar.Noon pa man ay magaan na ang loob ko dito at masasabi kong naging crush ko din ito dahil sino ba naman ang hindi hahanga sa isang tulad niya na gwapo mabait at matalino.Nang magtapat ito ng damdamin sa akin ay mariin ko iyong tinanggihan dahil alam naman nito na priority ko muna ang makapagtapos at makatulong sa pamilya ko.Agad naman din niyang naintindahan ang mga bagay bagay na yun at nangakong hihintayin niya raw ako na hindi ko inakalang seseryosohin talaga nito.
“Ate, nadinig ko 'yun ha!”
Nangaasar na sabi ni Aya.
“Ang ano ba?”
“Sus, kunwari ka pa.Narinig ko usapan n'yo bago umalis si kuya Lester.Ipagpapatuloy n'ya na daw yung naudlot na panliligawa n'ya sayo at wala ka na daw maidadahilan pa.Nakita ko pa ngang hinalikan niya yang kamay mo.Yieeeeeee.”
Pang aasar nito na ikinabuntong hininga ko.Sa totoo lang wala pa sa isip ko ang pakikipagrelasyon kung kanino dahil hindi pa naman tuluyang naabot ang pangarap ko para sa pamilya ko.Plano ko kasing mag tayo na lamang ng studio dito sa San Agustin malapit sa bayan.Kaya nga isa sa mga pinagkakaabalahan ko ngayon ay ang paghahanap ng pwesto.Mayroon naman na sanang magandang pwesto at okay sa akin ang mismong location dahil sa loob iyon mismo ng Mall pero hindi ko yata kakayanin ang ganun kalaking renta.Kinakailangan ko ng one hundred thousand para makuha ang pwesto na iyon.Pero, sa isang daang libo na 'yun ay kinakailangan ko pang bumili ng mga camera at iba pang kagamitan which will surely cost an arm and a leg.Medyo unplanned din kasi ang pag punta ko rito kaya hindi ganun ka sapat ang pera na mayroon ako ngayon.Isa pa, hindi na lang si Aya ang iniintindi ko ngayon.Pati na rin ang nakababata ko pang kapatid na si Pearl.Isa rin iyon sa pinaghahandaan ko na kung sakaling hindi pumayag ang tatay niya na sa'amin dapat si Pearl ay ilalaban ko ito sa korte.Hindi ako papayag na mapunta si Pearl sa ganoon klaseng magulang na wala ng ibang ginawa kundi ang lumaklak.
“Hoy ate tulala ka na d'yan?”
Saad ni Aya na siyang ikinabalik ng aking ulirat mula sa malalim na pag iisip nang biglang mapalingon ako sa labas ng bahay.Agad itong natigilan ng senyasan ko ito ng aking kamay na tumigil.Naaamoy kong muli ang mabango at kakaibang amoy ni Malik senyales lamang na paparating na ito.Habang hindi pa humahangin ng malakas ay dali kong sinabihan si Aya na pumasok na ng kwarto kasama si Pearl ngunit itong kapatid ko nuknukan talaga ng tigas ng ulo.
Ay ano ba yan bakit biglang ang lakas ng hangin ate?
Tanong ni Aya ngunit nanatili lamang akong nakatitig sa pintuan at maya maya pa'y lumitaw na ang dalawa sa mismong harapan namin na siyang ikinagulat ni Aya.
Te-teka pa-paano nangyari yun? diba wala kayo dito kanina? pa-paanong nangyaring nandito na kayo sa harap namin ngayon.
“Sinabi ko na sayo.Hindi nga sila tao.Mga engkanto sila.”
Saad ko kay Aya na ngayon ay tila hindi pa din kumbinsido kung kaya dali nitong nilapitan si Malik.
Totoo ba na isa kayong ma-maligno?
“shit.”
Sambit ko ng maalala ko ang sinabi ni Atticus na ayaw na ayaw ng mga tulad nila na tinatawag namin silang maligno.
Akma kong hahatakin si Aya ngunit huli na nang mag umpisang maging mabangis ang itsura ni Malik.Naging itim ang buong mata nito at nag umpisang mag labasan ang kulay ube nitong mga ugat sa kanyang mukha.Biglang umangat si Aya sa ere habang mabangis niyang tinititigan si Aya.
“Tama ang sinasabi ng kapatid mo.Isa nga kaming mga engkanto kaya itigil mo yang matabil mong dila kung ayaw mong pagsisihan ito sa huli.”
Babala dito ni Malik at maya maya pa'y dahan dahan at maingat din nitong ibinaba si Aya gamit lamang ang kanyang mga tingin.Nang makababa na si Aya saglit lamang itong pumikit at maya maya pa'y idinilat na din nito ang kanyang mga mata na siyang bumalik na rin normal.Sa labis na takot ni Aya ay dali dali itong tumakbo at nagtago sa aking likuran at bumulong.
“Ate, totoo nga ang sinasabi mo.”
Bulong nito habang hila hila ang laylayan ng aking damit.
“Sumunod ka sa labas.”
Maotoridad na utos ni Malik.
“Ang kapal naman ng mukha ng tsogong engkanto na 'to para utos utusan ako.”
Wika ko sa aking isipan habang nakasunod sa likuran nito patungo sa ilog.Tanging pasikretong masamang titig na lamang ang iginawad ko dito.Mahirap na, baka konting pagkakamali lamang ay lapain na ako nitong engkanto ito.