Amethyst
Hindi doon natapos ang pang gagambala ng maligno na yun dahil makalipas lamang ang isang araw na ay nag pakita muli ito.At tulad ng nakagawiin nito ay walang pasabi na naman itong pumasok sa aming bahay at dire-diretsong naupo sa sofa.As usual naniningil na naman ito ng utang ko raw na buhay.Dito na ako nag desisyong humanap ng taong makakatulong sa akin para matanggal na sa landas ko ang maligno na yun.
Kasalukuyan akong naag iiscroll ng aking cellphone sa aking social media account nang mapadaan ako sa account ng nag ngangalang Mang Canor.May nakalagay pa nga doon na note kung saan sinasabi nitong nag tatawas,nag papa-alis ng may sapi, at nag papalayas ng maligno.Agad akong nag send ng message sa account nito at mabilis naman itong tumugon sa aking mensahe.Nag set ito ng appointment ngayon mismong araw kaya hindi ko na pinalampas pa ang pagkakataon na ito at dali dali na akong gumayak para umalis.
Pasado alas kwatro na ng hapon nang makabalik ako.Halos hindi nga maipinta ang mukha ko ng makarating na ako sa bahay.Paano ba naman kasi nasayang lamang ang oras at pagod ko nang puntahan ko ang matandang albularyo na 'yun.Akalain mo ba naman, pagkarating na pagkarating ko pa lang sa bahay nila ay nag pausok ang matamdang albularyo ng sandamakmak na kamangyan sa bao.Halos puro usok na nga ata ang baga ko sa dami ng usok na nalanghap ko.Kailangan daw kasi yun dahil may maligno raw na nakasunod sa akin nang dumating ako roon na siya namang pinaniwalaan ko rin.Ang hindi ko lang talaga na gets ay nang matapos ito sa halos isang oras na pagpapausok ay bigla ako nitong pinaghahampas ng mga dahon habang tumititirik ang dalawang mata.Kinakailangan n'ya raw kasi akong dasalan para umepekto daw iyong ibibigay niya sa akin na pangontra.At muli, sa pangalawang pagkakataon ay naniwala ako sa albularyong matanda.Nang matapos na ang pagwawasiwas nito ng dahon sa akin ay kumuha naman ito ng kandila at dali iyon sinindihan.Seryoso itong nagdadasal habang ipinaiikot ikot ang tunaw na kandila sa tubig na nakalagay sa planggana.Nang halos mangalahati na ang kandila ay agad nito iyong hinipan.Salubong ang mga kilay nitong iniahon ang nabuong wax ng kandila sa tubig.Seryoso nito iyong pinagmasdan at maya maya pa'y sinabi nitong tikbalang daw ang gumagambala sa akin.Ngunit mabilis ko naman itong sinagot na hindi tikbalang si Malik kundi isang engkanto.Nag alok pa muli ito na ulitin na lamang namin ang pagtatawas niya ngunit hindi na ako nag abala pa.Matapos kong iabot sa kanya ang tatlong libo nitong siningil para sa kanyang serbisyo ay nag alok pa ito na dasalan daw ako bago ako umalis upang proteksyon daw sa mga engkanto dahil takaw tingin daw talaga ako sa mga tulad nilang nilalang dahil sa taglay kong ganda.At heto naman si ate mo girl, sinabihan lang ng maganda nag pauto na agad na siyang labis ko ring pinagsisihan.Nang umalis ang matandang albularyo at mag tungo sa kanilang kusina ay pag balik nito ay may dala na naman itong panibagong bao. And this time, may laman na iyong abo.Bulong dito, bulong doon.At nang matapos na ito sa kanyang pinag-gagawa sa bao ay dali itong lumapit at nag pwesto ng upuan sa aking harapan at mabilis na umupo doon.Sinabihan ako nitong pumikit na siya namang sinunod ko at maya maya pa'y hinipan nito ang abo na nag resulta sa labis naming pag ubong dalawa.Halos hikain na nga ang matandang albularyo dahil mas marami yata itong nasingot na abo kesa sa akin.Naiinis na ako nung mga oras na iyon pero hindi ko din maintindihan kung mag wo-walk out na ba ako o tatanungin ko ito kung okay lang ba siya.Sa huli ay nakarecover din ito mula sa pag-ubo at bago pa nga ako umalis ay nakuha pa nitong lagyan ng sign na krus ang aking noo gamit ang pinaghalong oil at abo.Sinabi pa nitong effective daw iyon na paraan para mataboy ko daw ang engkanto pero bago pa man ako makarating dito sa bahay ay agad bumungad sa akin si Malik na malakas na tumatawa sa tabi ng puno ng saniata na para bang alam na alam nito ang nangyari.Sa bagay, wala naman imposible sa mga tulad nilang kampon ng kadiliman dahil may mga kapangyarihan ang mga ito.Tanging masamang titig na lamang ang iginawad ko sa engkantong malik na yun dahil labis labis na pikon ang nadarama ko sa mga oras na yun.Dumagdag pa ang mala demonyo nitong tawa sa lakas na kahit doon ito sa baba ng ilog nakapwesto ay dinig na dinig ko pa rin ito.Nang lingunin ko naman ang taga sunod nitong si Atticus ay tanging malalim na buntong hininga lamang ang ginawa nito at saka nag iwas ng tingin.
SAMANTALA,tapos ko ng mapakain si baby pearl at maaga rin itong nakatulog.Hinihintay ko na lamang ang pag dating ni Aya upang sabay kaming kumain ng hapunan tutal ay mag a-ala-sais pa lang naman ng gabi.Sa tuwing naaalala ko ang nangyari kanina ay parang gusto ko na lang mag laho ng parang bula.Lalo pa't napagmamasdan ko ang aking balat na ngayon ay nag umpisa ng magpantal at mangati dahil sa dahon na pinaghahampas sa akin ni Manong albularyo.Kahit nga kaliligo ko pa lang ay hindi pa rin mawala wala ang kati sa aking balat na siyang isa sa dahilan kung bakit hindi maipinta ang mukha ko ngayon.
“Hay, nakakainis talaga.”
Saad ko at akma na akong papatayo mula sa upuan nang biglang sumulpot mula sa labas ng aming bahay si Atticus na taga sunod ni Malik.
“Heto, pinasasabi ni Malik na gamitin mo.”
Abot nito sa kulay violet na dahon na sa tingin ko ay ngayon ko pa lamang nakita.
“A-ano yan?”
“Gamitin mo 'tong pampahid sa iyong balat binibini upang mabilis na maibsan ang pamamantal.Wag kang mag alala ako na ang nagsasabi sayong mabisa 'yan.Galing pa ang halamang gamot na yan sa aming mundo.Subukan mong idampi ito sa apektadong balat.”
Suhestiyon nito na dahan dahan kong ikinatango.Agad kong inilapat ang dahon sa aking nangangating balat at gulat na gulat kong pinagmasdan ito nang umilaw bigla ang dahon at ilang sandali pa'y nawala na nga ang mga pantal sa aking balat.
Ang galing! papaano...
Nabitin ang aking sasabihin nang mapagtanto kong wala na pala si Atticus.
“Hays, ganyan ba talaga kayong mga engakanto? di uso sainyo ang ba-bye? tss, parang ewan.Anyway effective siya infairness.”
Bulong ko sa aking sarili.