Amethyst
*
Kakatapos ko lang mag linis at magluto.Kasalukuyan kong pinapakain ang bunso naming kapatid na si Pearl.Ito rin kasi ang unang araw ng pagbabalik ni Aya sa pag aaral.Pinayuhan ko kasi itong mag tino na dahil hindi na naayon pa sa edad niya kung mananatili ulit siyang third year high school sa susunod na pasukan.Sa awa ng diyos ay nakinig naman ito at nangakong magtitino na.Mabuti na nga lang at nadaan ko sa pakiusap ang kanyang guro na bigyan pa siya ng pagkakataon ngayong parating na third grading.Kahit papaano ay nabawasan na rin ang isa sa mga iniisip ko.
“Mamam mamam.”
Sambit ni Pearl na ikinangiti ko.Mula sa kanyang walker ay saglit ko itong iniwan para kumuha ng tubig.Tuwang tuwa kong pinagmasdan ang cute na cute na si Pearl habang marahang pinaiinom ito ng tubig.Kahit papaano ay napapawi ang lungkot namin ni Aya dahil nawala man si Inay ay nag iwan naman ito sa amin ng kapatid na siyang pinaghuhugutan namin ng panibagong lakas at inspirasyon.
Habang abala sa pagpapakain kay pearl ay nabitin ang aking kamay sa paghawak ng kutsara nang bigla ay humangin ng malakas na maging ang alikabok mula sa labas ay pumasok sa loob ng aming bahay.Labis na dumagundong ang aking dibdib sa pamilyar na pakiramdam at amoy.Dali akong napalingon sa pintuan nang kusa itong mag bukas.Halos mahigit ko ang aking hininga nang mula doon ay pumasok ang isang pamilyar na nilalang.
“Shit.”
Tanging sambit ko nang mag dire-diretso itong pumasok sa sala at huminto sa aking harapan ng may seryosong mukha.Lumipas ang halos isang minuto na nagtitigan lamang kaming dalawa hanggang sa may isang lalaki rin na pumasok sa aming bahay at tulad niya ay nakasuot rin ito ng formal suit.Batid kong magkasama silang dalawa dahil huminto ito sa tabi niya at saglit pa silang nag palitan ng tingin.Sa labis na kaba na baka mayroon silang masamang gawin sa amin ay maagap kong ipinwesto si pearl sa aking likuran.
A-anong kailangan n'yo?
Nauutal na tanong ko ngunit malamig lamang ako nitong tinitigan at walang pakundangang nag dire-diretsong umupo sa aming sofa.
“Alam mo kung anong kailangan ko.”
Baritonong wika nito.Kinakabahan man ay tinatagan ko ang loob ko.
“Alam kong nangako ako sa tulad mong maligno pe-pero...
Nabitin ang aking sasabihin nang tila naging mabangis itong bigla na siyang ikinagulat ko.Ang mga mata nitong kanina ay normal lang ay biglang nagbago at naging kulay itim na maski kulay puti ay wala ka ng mababakas pa.Dali akong yumuko at pumikit habang pinoprotektahan pa rin sa aking likuran si pearl.nang lumipas ang ilang sandali at wala akong naramdamang dumamba at kumagat sa aking leeg ay dahan dahan akong nag mulat ng isang mata.Halos umusok ang aking ilong nang mula sa pag dilat ng aking kaliwang mata ay nasaksihan kong nakangisi lamang ako nitong pinagmamasdan at ang itim nitong mga mata ay muling bumalik sa normal tulad ng sa isang tao.
“Ano bang problema mong engkanto ka? hindi ba't sabi mo maniningil ka ng utang ko? oh bakit hindi mo pa ko kinagat sa leeg para sipsipin ang dugo ko?”
Galit na tanong ko dito ngunit seryoso lamang ako nitong tinitigan.
“Ang tulad naming mga engkantado ay may sarili ring pangalan binibini.Hindi tamang tawagin mo ang mga tulad namin na maligno dahil iyon ang pinaka ayaw namin.At iyon ang tawagin kaming maligno.Hayaan mong ipakilala ko siya sayo.Siya si Malik at ako naman ang taga sunod niyang si atticus.”
Mahabang wika ng kasama nito.
“Sa susunod na tawagin mo akong maligno, sisiguraduhin kong pagsisisihan mo.”
Walang emosyong saad ni malik the maligno.
Sa labis na takot ay nakagat ko ang aking mga labi na siyang ikinakunot ng noo nito.
“Wa-wag kang mag alala.Babayaran ko ang utang ko.Magkano ba kase?”
Nauutal ngunit taas noo kong sambit.
“Tss, sinabi ko sayo noong gabing nakipag kasundo ka sa'kin.Hindi mo ba natatandaan?”
Nakangisi nitong tanong.Nang hindi ako nakasagot ay unti unti itong tumayo sa kinauupuan at dahan dahang lumapit.
“Buhay ang kapalit.”
Bulong nito ng nakangisi na siyang libo libong kaba ang hatid sa akin.
“Pe-pero kung ganun lang din naman na babawiin mo ang buhay ko, para saan pa na iniligtas mo ako noong gabi na yun?”
Naguguluhan kong tanong ngunit ngumisi na naman ito and this time,sobra na akong nainis.
“Ayaw niyang tawagin ko siyang maligno pero yung itsura niya sa tuwing ngingisi ay daig pa yung ngisi ng demonyo.”
Sigaw ko sa aking isipan sa labis na pagkabwiset.
“Im homeeeeeee!”
Sigaw ni Aya.
Oh my gosh! oppa!!!!!
Sigaw muli ni Aya na mukhang nawala na sa katinuan at kulang na lang ay mag heart shaped ang mga mata tulad ng napapanood ko sa tv.Kilig na kilig na pinagmasdan ni Aya ang mukha ng dalawang asungot na engkanto na ito.Base sa reaksyon ng mukha ni Malik ay mukhang iritadong iritado ito sa prisensya ni Aya.
“Asahan mo ang muli kong pagdating para maningil.Pag isipan mong maigi ang kabayaran sa utang mo.”
Saad ni Malik na akma nang aalis habang nakasuksok ang dalawang kamay sa magkabilaang bulsa ng kanyang pantalon nang matigilan ito sa pagharang sa kanya ni Aya.
“Hala akala ko pa naman jowa ka na ng ate ko.Di mo naman sinabing nag papa-five six pala kayo.In fairness sa mga outfit n'yo ha, ang shala.”
Saad ni Aya dahilan upang mapapikit ang aking mga mata at mapakamot sa aking ulo sa labis na inis.
“Ano bang lenggwahe yang mga sinasabi mo? maaari bang mangyaring tumabi ka sa daraanan ko dahil wala akong kailangan sayo.At isa pa, masyadong matabil ang iyong bibig na aakalain mo ay trumpeta sa lakas.Mag ingat ka,dahil maraming lamang lupa sa paligid ang hindi gusto ang kaingayan mo.”
Masungit na saad ni Malik at saka lamang umalis kasama ang tagasunod nitong si Atticus.Tila nabunutan ako ng tinik nang makaalis na ang mga ito habang nanghihina naman akong napaupo sa bangko .
“A-ate ang sungit naman ng mga nag papa-five six na yon.Sayang ang popogi pa naman nila kaso ang wierd mag salita nung isa.Siya pa naman sana ang bet ko.Magkano ba kasi ang inutang mo dun at ganun na lang kainit ang ulo nun?”
Tanong ni Aya.
“Pwede bang manahimik ka d'yan Aya.Wala akong utang na pera sa mga yun at lalong hindi sila nag papa-five six.Hay d'yos ko ano ba 'tong napasok ko nakakainis.”
Frustrated na sabi ko habang nanghihinang yumuko sa dining table at saka nag papadyak ang mga paa.