12

1113 Words
“TONI, ipinagigising ka ni Don Antonio.” Madali niyang nabosesan ang mayordoma at tumugon sa pagkatok nito. Ilang minuto pa bago mag-ikapito ng gabi. Iyon ang nasulyapan niya sa relong si Ingle pa ang nagregalo sa kanya noong kanyang eighteenth birthday. Walang pagmamadali ang kanyang kilos. Gaano man siya kabagal ay alam niyang matiyagang maghihintay ang kanyang ama. At si Neil. Ilang sandali mula ngayon ay magkakaharap silang muli ng lalaki. Kailan nga ba sila huling nagkita? At hindi niya ngayon alam kung paano kikilos sa harap nito. Mabilis ang kilos na nag-shower siya. Pinili niya ang isang straight-cut dress with side slits, with little peach floral prints against deep-green background. She became more beautiful in it. Isang step-in na cream ang isinuot niya sa paa. She wanted to put on some makeup pero naisip niyang masyado nang aagaw iyon ng oras. Sa halip ay baby powder na lang ang ipinahid niya sa mukha at nag-apply ng coral lipstick. Minsan pa niyang pinasadahan ng brush ang maikli na ngayong buhok. At sa huli ay winisikan niya ang magkabilang likod ng tainga ng 5th Avenue. Minsan pa niyang pinagmasdan ang kabuuan sa harap ng salamin at pinuno ng hangin ang dibdib bago nagpasyang bumaba. She was wondering kung para ba kay Neil kung bakit ekstrang pag-aayos sa sarili ang ginawa niya para sa hapunang iyon. And deep inside her, she knew the answer. Kung paano at bakit si Neil ang naging doctor ng kanyang ama ay saka na niya aalamin. Ang pumupuno sa kanyang isip ngayon ay ang napipintong pagkikita nila. “AKALA namin ay in-ignore mo na ang tawag ni Juana, Toni. Sabi ko nga rito kay Doctor ay malamang ay sa susunod na araw pa kayo magkikita,” salubong sa kanya ng ama nang sa wakas ay dumulog siya sa mesa. “I’m sorry. Medyo nahimbing ang tulog ko.” Tipid niyang sagot. Iniiwasan niyang ibaling ang tingin sa kaharap lamang niya sa mesa. Nasa kabila sila ng ama na siya namang nakadulog sa kabisera. Papasok pa lamang siya sa komedor kanina ay nagtama na ang mga mata nila ni Neil. Naroon ang pamilyar na t***k ng kanyang puso sa tuwing masisilayan niya ito noon. All the time she was in America, she kept on telling herself he was just a part of the past. Kahit na nga ba mabuway ang idinidikta niyang iyon sa kanyang isip. And now that she was before him at waring nag-uuunahan ang pagsikdo ng kanyang dibdib, she believed how foolish she was. Convincing herself to a lie she knew would never become true. Paano makapagkakaila ang kanyang sariling ito pa rin ang nilalaman ng kanyang puso? He rejected me then, dikta ng isip niya. At hindi na niya papayagan ang sariling mabatid nito ang kanyang nararamdaman. “Give us this hour, anak. And we will spare you the next few days para makapag-adjust nang husto ang body clock mo,” anang ama niyang nagsimula na sa pagkain. “Thanks, Dad. I need that.” Minsan pang sa mga mata lang ng kanyang ama niya itinutok ang tingin. She could feel the thick air between her and Neil. And how she wished her father would not notice it. “How’s Ingle?” Sa kauna-unahang pagkakataon ay kumibo si Neil. Nasa kalagitnaan na sila ng pagsasalo ng hapunan. Natigil siya sa pagkain. How can she answer him without looking at him? Gusto niyang masamid sa tanong nito. Kung paano ito nagkaroon ng komunikasyon sa pamangkin niya ay wala siyang ideya. At hindi rin naman nababanggit sa kanya ng pamangkin ang bagay na iyon. At naalala niyang unang nagkita ang dalawa noong gabi ng kanyang debut. At bago pa muling bumalik ang kanyang isip sa maraming alaala nang gabing iyon ay muling nagsalita ang lalaki. “She constantly writes me,” anito nang matagalan ang kanyang pagsagot. “Nice to hear that. Mabuti at may time ka pa sa ganoong bagay,” wala sa loob niyang wika. She did not have any choice kundi ang makipag-usap sa doctor ng ama. At sadyang malikot ang kanyang mga mata sa pagtingin dito. Kabisado niya ang features ng mukha nito, at kung may nabago man ay ang waring authority na dumagdag sa kabuuang anyo nito. Alam niyang hindi na siya hihiwalayan ng mga titig nito. At iyon ang iniiwasan niyang salubungin. “Ingle is very demanding. `Pag sumulat siya at hindi agad nasagot ay sa phone naman mangungulit, never minding burning the lines.” Tumawa ang lalaki sa huling sinabi at dama niya ang espesyal na trato nito sa sarili niyang pamangkin. She did not want to look jealous at ayaw rin niyang bigyang-malisya ang pagsusulatan ng mga ito. Ngunit hindi niya iyon naiwasan. She and Ingle were the best of friends sa kabila ng anim na taon niyang katandaan dito. Pinaglapit sila ng pamamalagi niya sa America at kung mayroon mang inilihim sa kaya ang pamangkin ay ang tungkol kay Neil. She was now twenty-six at si Ingle naman ay twenty. Ngunit kung titingnan ay tila mas maalam pa ang kanyang pamangkin kaysa sa kanya. Hindi naalis sa kanyang aura ang pagiging inosente. At taglay ni Ingle ang gandang minana sa ina nitong half-American. Ano ba ang malay niya sa tipo ni Neil sa babae? “Ngayon lang inabot ng isang buwan na wala akong natatanggap na sulat mula sa kanya,” patuloy nitong sumulyap pa sa ama niyang na nakikinig, o mas tamang sabihing “nagmamasid” lamang sa kanila. Pinigil niya ang sariling mapailing. “Ingle is very serious with her studies now. Preparing for a scholarship exam sa postgraduate course na offered sa kanya ng isang school sa London. Siyempre, more than anything else, gusto niya talagang doon mag-aral.” She tried to sound proud sa ibinalita niya kahit gusto niyang ngumiti nang mapakla. Eight years na iniwasan niya ang muli nilang pagtatagpo ng lalaki. Kinatakutan niya ang muli nilang paghaharap. And never in her wildest dreams na sa pagkikita nilang ito ay si Ingle ang kanilang pag-uusapan. Kinagalitan niya ang sarili. And what do you expect? Ang kagaya ng napapanood sa mga lumang pelikula na nagyayakapan ang babae’t lalaki sa gitna ng parang? Wake up, Toni, Ang nakumpirma mo lang ay ang sarili mong damdamin kay Neil. Ngunit ang kay Neil ay hindi mo alam. Mas interesado pa siyang pag-usapan si Ingle kaysa kumustahin ang mga nangyari sa `yo sa loob ng walong taon. Nanamlay siya sa pagkain sa naisip na nahalata naman ng kanyang ama. “Something wrong?” usisa nito. “I guess I need some more rest. Excuse me.” Mabilis na siyang nakatayo at lumisang hindi na tinapunan ng tingin si Neil.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD