NANG sumunod na araw ay maghapong naglagi si Alodia sa bahay kapiling ang ama, buong araw na bumabawi sa maraming taong hindi sila nagkasama.
Gusto niyang maniwala sa kasabihang “there’s no place like home.” Sa kabila ng madalas na pagdalaw sa kanya noon ng ama sa America, iba pa rin ang pakiramdam na dito sila sa Pilipinas magkasama. Gaya noong bata pa siya na tanging kawaksi lamang sa bahay ang kasambahay nila.
At nakikita niya iyon ngayon sa mga mata ng ama. Tila nadadagdagan ang lakas nito habang binibigyan siya ng briefing sa gagawin niyang pagte-take over sa kompanya.
“So far, the business is doing well, Toni. The set goals for the entire year have been met before the end of the third quarter. At ngayong bago matapos ang taon, puro profit na ang papasok sa atin. Of course, minus the operating and other usual expenses.” Nasa mga mata nito ang kislap ng katuwaan sa nakikitang interes niyang matutuhan ang pamamalakad ng kompanya.
Matagal na panahon nang pinangarap ng matandang alukin siya ng responsibilidad na iyon. At hindi nito maiwasang magpasamalat na kung hindi pa siya nabigo sa pag-ibig ay hindi nito mababago ang interes niya.
“Are you telling me the whole thing, Dad? Including the one wherein we have merged with other companies?” paglilinaw pa niya.
“That’s right.”
Manufacturer sila ng processed meat with a nationwide market. A few years ago, nakipagsosyo sila ng puhunan sa isang bumagsak na fruit drink company. At kahit na kinokontra niya noon ang desisyon ng ama sa dahilang malayo ito sa nature ng business nila ay hindi ito nakinig sa kanya. Now, the fruit drink was the best-selling brand at nasa kanila ngayon ang controlling stock.
“In that case, ngayon na natin dapat i-prepare ang goals and strategies natin for the coming year, Dad. Hindi tayo dapat mag-relax dahil lang sa na-reach na natin ang goals. Iyon mismo ang inaabangan ng competitors. It’s either they will imitate us or pirate our key personnel para makagawa sila ng produktong papatay mismo sa atin.”
Dinampot niya ang mga papeles na nasa mesa, pinag-aralan ang mga ito habang nangingiting nakamasid lang sa kanya ang ama.
“I’m going to start work tomorrow, Dad,” deklara niya at inayos ang mga papeles.
“Kadarating mo lang kahapon, Toni. At hindi mo kailangang magmadali. You’re a big boss now. Ipinaayos ko na sa abogado ang pagsasalin ng lahat kong power sa kompanya para sa iyo. Any moment ay pipirmahan na lang ang kasulatan. Why don’t you enjoy your stay here first bago ka umupo sa executive desk?” Itinago nito ang kabiglaanan sa sinabi niya. Hindi nito akalaing magiging ganito siya ka-eager na pamahalaan ang kompanya.
“I’ve had enough sa America, Dad. Itutuloy ko na lang ang pagbabasa ng mga ito sa kuwarto.” Tumayo na siyang bitbit ang mga inipong papeles.
Isinasara na niya ang pinto ng library nang humabol ng salita ang ama.
“Kakatukin ka namin sa oras ng hapunan, Toni. Para magkakasalo tayo uli nina Neil.”
Hindi na nito nakita ang marahan niyang pag-iling.
Neil again. Akala niya ay lilipas na ang buong maghapon na hindi ito babanggitin ng kanyang ama. Siya mismo ang umiwas na banggitin ito. Kung kaya bago pa man magdetalye ang ama ng kalagayan nito ay iniba na agad niya ang usapan nang pahapyaw niyang kumustahin ang sakit nito.
BLESSING in disguise or not, naligtasan ni Alodia na makaharap muli si Neil nang gabing iyon. Bagaman tila may panghihinayang siyang nadama.
Tiyempong nag-overseas call siya kay Jullie. At wala siyang pakialam kung tapos nang maghapunan ang dalawa ay nakababad pa rin siya sa telepono. Binibigyang-rason niyon ng hindi na niya pagsalo sa mga ito.
Mag-aalas-diyes y medya na ng gabi nang makadama siya ng kalam ng sikmura. Ipinasya niyang mag-prepare ng maligamgam na gatas, at papanhik na siyang muli sa kanyang kuwarto nang mapansin niyang bukas ang ilaw sa library na kalapit lang ng sala.
Nakakunot-noo siyang lumiko roon. Nagtaka siyang nandoon pa ang ama gayong sa ganitong mga oras ay dapat namamahinga na ito.
Marahan niyang itinulak ang nakaawang na pinto. Muntik nang lumigwak ang laman ng basong hawak niya nang mapagsino ang nasa loob.
Si Neil.
MAY MABINING init na humaplos sa dibdib ni Alodia nang makita ang ayos ni Neil.
Nakalatag ang katawan nito sa isang couch at waring hindi sinasadyang nakatulog. Sa tangkad nito ay nakalagpas ang dalawang paa nito sa dulo ng couch at ang nakatulugang binabasang libro ay pataob pang nakabukas sa ibabaw ng malapad nitong dibdib.
Nahugot niya ang paghinga.
Abot-kamay niya ngayon ang lalaki na sa loob ng maraming taon ay nanatili sa kanyang puso. Naroon pa rin ang pang-akit ng mukhang unang naka-attract sa kanya.
Gusto niyang pagalitan ang sarili na sa kabila ng paggigiit niya sa utak ng mga bagay na ginawa nito noon para siya mawala sa unibersidad ay hindi pa rin naaalis ang pagtatangi niya rito.
Pero iba na ngayon. She had already grown up para ipagsiksikan pa niya ang sarili rito, higit ang ipabatid dito ang kanyang nararamdaman.
Pinaglakbay niya ang mga mata sa kabuuan nito.
Muntik na siyang mapasinghap nang biglang bumagsak ang isang kamay nito. Tatalikod na sana siya nang mapagtuunan niya ng tingin ang kamay nito. Nagtataka pang inilipat niya ang tingin sa kabilang kamay nitong nakatangan pa rin sa libro.
Wala ang palatandaang singsing! Parang gustong magdiwang ng kanyang puso. Tama ba ang ibinalita noon sa kanya ni Jullie na nakipag-break na ito sa girlfriend?
She sighed with relief with that thinking.
Hindi na niya kailangan ang mahabang pag-aanalisa. Dahil sa unang minuto pa lamang ng kanyang muling pagtuntong sa mansiyon ay tiyak na niyang hindi nagbago ang pag-ibig niya para sa lalaki. And it was like a ton of burden had been lifted from her heart just by seeing his ring finger devoid of the familiar engagement ring he used to wear.
At minsan pang pinagsawa niya ang sarili sa kabuuan ng natutulog na lalaki at marahang kinabig pasara ang pinto.