14

1156 Words
NAALIMPUNGATAN si Neil sa munting kaluskos at bumiling siya paharap sa pinto. Sa bahagyang pagmulat ng mata ay nahagip niya ng tingin ang laylayan ng manipis na pantulog ng papalayong si Alodia. MAAGA pa lang ay nakagayak na si Alodia. Soft brown na tailored suit ang pinili niyang isuot at pinaresan niya iyon ng chocolate-brown Nina Ricci na ternong bag at sapatos. Pearl stud ang hikaw niya, na may katernong choker na bahagya lang lumuwag sa kanyang leeg. Saglit niyang tinitigan ang repleksiyon sa salamin. Bihira niyang isuot ang alahas na iyon na minana pa niya mula sa namayapang ina. At lagi na ay may exceptional na magandang nangyayari sa kanya sa bawat pagkakataong isinusuot niya ang terno. Bahagya siyang napangiti. It was her first day at work sa kompanya ng pamilya. And she thought, subconsciously, she was wishing that everything would turn out right. Hindi bale nang walang espesyal na mangyari, basta matapos niya ang araw na makakaya niyang harapin ang bawat problemang nakatakdang bigyan ng solusyon. Kinuha niya sa drawer ang paboritong Cartier watch at saka isinuot. Nasisiyahang saglit pang minasdan niya sarili sa full-length mirror at dinampot na rin ang very feminine Louis Vuitton briefcase na kinalalagyan naman ng mga documents. Pagbaba niya ng hagdan ay nakita niyang nakaabang na sa kanya ang ama. “Good morning, lady boss,” nagbibirong bati nito. “Lady boss,” gagad niya. “Would I fit that title?” Hinagkan niya ito sa noo. Tumango ang matanda. “You know what? Parang gusto kong tumayo sa wheelchair na ito at mag-opisina uli,” wika nito nang dumulog siya sa mesa. Tinaasan niya ng kilay ang ama. “Dad, this time, ako naman.” “Well, magtataas na ako ng sariling bangko. Kinakabahan ako na makidnap ka. You’re so beautiful, hija. With your looks and charm, hindi ako magtataka kung bigla—” “Enough, Dad. Hindi ako sanay na tumatanggap ng flattery mula sa iyo,” nakatawa niyang saway. “Oo nga pala, Dad, ano ba ang pinagpuyatan mo sa library? I came down for a glass of milk last night at natanawan kong bukas ang ilaw sa library,” patay-malisya niyang wika. “I slept early, Toni. Si Doc Neil ang nandoon. Second home na niya ito simula nang i-recommend siya sa akin ng dati kong doctor bago nag-migrate sa Australia. Sabi ni Juana ay kaalis lang niya nang magising ako.” “I should be going, Dad. Kailangang hindi ako ma-late sa first day of work ko. Baka mainip sa akin si Attorney, ngayon niya dadalhin ang papers, remember? My key?” Inilahad niya ang kamay sa ama. Excited siyang gamitin ang kotseng dati-rati ay sa pagpasok sa eskuwela niya ginagamit. Sigurado siyang in good running condition pa rin ang sasakyan despite the number of years that had passed. “Ihahatid ka ni David, Toni. Naghihintay na siya sa `yo sa labas.” “Come on, Dad. Hindi na ako high school.” Nilabian niya ang ama. “Alam ko, hija. Nakalimutan mo na bang expired na ang lisensiya mo para magmaneho rito?” naa-amuse na paalala nito sa kanya. Natapik na lang niya ang noo at tinungo na ang sasakyang naghihintay sa kanya, pati na ang driver. WALANG inaksayang sandali si Alodia. Nang maihatid siya ni David sa DLR Foods ay isinubsob na niya ang sarili sa trabaho. Kung hindi pa ipinaalala ng sekretarya ng ama, si Lissa, na oras na para mananghalian ay makakalimutan na rin niya ang sariling gutom. Engrossed na engrossed siyang pag-aralan pati maliliit na detalye ng negosyo. “Lissa, inform all department heads about a meeting tomorrow. At pakisabi na rin kay Mr. Corpuz na magro-routine check ako sa processing ngayong hapon.” “Yes, Ma’am.” “GOOD, Mr. Corpuz. So far, wala akong puna sa depertment mo. Just maintain all sanitary and safety rules, at siyempre ang quality control. Bukas na lang sa meeting ang discussions, okay?” Nilangkapan ni Alodia ng authority ang tinig. Sa buong panahon na lumibot siya sa processing department ay halata niyang nagpapa-impress ito sa kanya at hindi nalingid sa kanya pati na ang malalagkit nitong tingin sa kanya. Nasa America siya nang i-hire ito ng kompanya at napag-alaman niyang binata pa. “Ayoko nang paghihintayin ako bukas, Mr. Corpuz. Please be punctual,” pagtatapos niya nang ihatid siya nito hanggang sa bago makapasok sa pribado niyang opisina sa huling palapag ng DLR. “Nag-out na si Lissa, Ma’am. Hindi na po kayo nahintay dahil may sakit daw po ang anak niya. Aagahan na lang daw po niya ang pasok bukas.” Ipinagbukas siya ng guwardiya ng pinto. Nagpasalamat siya rito at humakbang patungo sa kuwarto niya. Sakop ng opisina niya ang buong eighth floor. Pagpasok ay ang lounge area at ilang hakbang mula roon ay ang conference room na may connecting door naman sa kanyang opisina. Bago sa kanya ay ang lugar ni Lissa. Tahimik ang buong paligid. Maliban sa guwardiya sa labas ay wala nang tao. Naaalinsanganang tinimpla niya ang air conditioner at itinaas ang Venetian blinds. Buhat doon ay tanaw niya ang mga nakaparadang delivery vans na tsine-check ng nakatalagang guwardiya. So far ay hindi naging “traumatic” ang unang araw niya sa DLR Foods. At hindi nga nagsisinungaling ang kanyang ama sa pagsasabing in perfect condition ang takbo ng negosyo. But of course, hindi rin naman pupuwedeng maupo na lang sila sa isang tabi at hintayin ang papasok na sales ng nalalabing buwan para sa kasalukuyang taon. She had to think of new strategies, para mapanatili ang kompanya sa puwestong kinalalagyan. Ganoon din ang masusi niyang pag-aaral sa policies at regulations ng DLR. Baguhin ang kailangang baguhin at i-improve ang dapat. Nang minsan pang napatitig siya sa mga nakaparadang delivery van ay mariin niyang ikinurap ang mga mata. Papadilim na. She called it a day. Anumang nais niyang gawin para sa ikabubuti ng kompanya ay ipinagpaliban na niya. “Guard? Yes, pakitawagan ako sa itaas pagdating ni Mang David, okay...? Thanks.” Ibinaba na niya ang telepono at tinungo ang karugtong na silid. “Oh, my...!” Hindi niya napigilan ang sariling mapabulalas. Ang dating silid na pahingahan ng kanyang ama ay renovated na ngayon ayon sa taste niya. Feminine na feminine ang kulay at de-klase ang mga gamit, hindi pahuhuli sa silid niya sa mansiyon. Ang dating blue-and-white checkered na wallpaper ay napalitan na ngayon ng pale yellow with flowerettes design. Her father’s bed was still there but the beddings had been changed with sheets that matched the color of the wallpaper; so were the curtains. Ang naroroong settee ay bago; at hindi rin nalalayo ang shade ng upholstery sa dilaw na siyang dominanteng kulay sa silid. Waring ngayon ay naramdaman niya ang hapo. Hinubad niya ang blazer at isinampay sa kalapit na silya. Iniwan niya ang sapatos sa flooring na nalalatagan ng deep brown wall-to-wall carpet. Inilatag niya ang sarili sa malambot na kama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD