16

1320 Words
KINABUKASAN ay maagang gumayak si Alodia. At naroon na rin sa mesa ang kanyang ama at naghihintay na saluhan niya sa almusal. “How’s yesterday, Toni?” Ikinuwento niya ang nangyari sa unang araw niya—but minus the intimate moment with Neil. “At kaya maaga ako uli ngayon ay dahil nagpatawag ako ng meeting. Mapapasabak ako ngayon sa brainstorming, Dad,” excited niyang sabi. “Bale-wala sa iyo iyon, anak. Oo nga pala, dahil wala pa si Mang David ay si Neil muna ang maghahatid-sundo sa iyo.” Napailing na lang siya. Hindi yata lilipas ang araw na hindi mababanggit ang pangalan ng lalaki sa usapan nilang mag-ama. At kung papayag siyang ihatid-sundo nga siya ng binata, imposible ring lumipas ang araw na hindi sila magkikita. Itinuon niya ang atensiyon sa pagkain. Ni magtangkang magprotesta sa sinabi ng ama ay hindi niya balak gawin. She knew pretty well it would be useless. “Huwag ka nang tumanggi, hija. Mas panatag ang loob kong si Neil ang kasama mo kaysa sumakay ka sa taxi.” At narinig nga niya ang hinala niyang kasunod na sasabihin nito. Pero hindi rin naman siya puwedeng basta na lang papayag. “Dad, why don’t you use your influence para mai-renew na ang driver’s license ko? Nakakaabala na tayo nang husto ro’n sa tao.” “It doesn’t matter much.” Ikinalingon nilang mag-ama ang biglang pagsabad ni Neil sa usapan nila. Naroon ito sa bungad ng dining area. Preskong-presko ang anyo nito sa casual wear na suot. “Ang sundo mo, Toni,” pagrekognisa ng kanyang ama sa binatang doctor. “IYONG nangyari kahapon—” “Ayoko nang pag-usapan ang tungkol doon,” pakli kaagad ni Alodia sa gustong sabihin ni Neil. Naalala pa lang niya ang pangyayari ay nararamdaman na niya ang pag-iinit ng kanyang magkabilang tainga. Hindi na rin nagbukas ang binata ng anupang usapan. Ang katahimikan sa pagitan nila ay natakpan ng soft music na nagmumula sa car stereo. Nang maihatid siya nito ay maiksing salita lamang ang binitawan ng binata. “I’ll fetch you at exactly five, Alodia.” Wala sa loob na tumango na lang siya. Sa tono ng binata ay hindi siya dapat na tumanggi. And she somehow knew that he was doing her a favor, kung hindi man ay ang kanyang ama. Sa huling naisip ay may pinong kurot siyang nadama sa puso. She would be more glad if Neil was doing it for her. Alone. “LISSA, kanino galing ang mga rosas na iyan?” Natanaw kaagad niya ang isang flower arrangement na nakapatong sa mesa. Tulips at carnation ang mga bulaklak na nasa katamtamang laking basket. At bagaman hindi pa niya tiyak kung kanino nanggaling iyon ay natutuwa siya. Her subconscious mind told her it was from Neil. Thanks! “Hindi ko alam, T-Toni. Nadatnan ko na lang din iyan, eh.” First-name basis lang kung i-address siya ng sekretaryang dati ay ang ama niya ang pinaglilingkuran. Nakagisnan na niyang ito ang executive secretary ng DLR Foods. “Anyway, pakitawagan na lang ang daddy mayamaya at paki-remind sa kanya ang tungkol sa lisensiya ko. May meeting ako ngayon, hindi ba? Except for emergency, ayokong maistorbo.” Nangingiting sinundan siya ng tingin ni Lissa. “Dugong de la Rosa,” bulong nito sa sarili, saka ipinagpatuloy na ang nasimulang gawain. Nabawasan ang tuwang nararamdaman ni Alodia nang malamang sa head ng processing department nanggaling ang mga bulaklak. Sa sarili ay naroon ang panlulumo dahil sa maling akala. She wished kay Neil nanggaling ang mga iyon. Pero bago pa man maagaw ng disappointment at maokupa ng alaala ng binata ang isip niya ay ipinokus na niya ang sarili sa trabaho. “Natanggap mo ba?” bulong sa kanya ni Mr. Corpuz nang matapos ang meeting na inabot na ng tanghalian. Magalang niyang tinanggihan ang imbitasyon ng ibang heads para sa isang tanghalian, ngunit sadyang nagpahuli ng paglabas sa conference room ang binatang head para makausap siya. “Salamat sa mga bulaklak, Mr. Corpuz.” Pinairal pa rin niya ang pormal na tono. “Tayong dalawa lang ang naririto, Toni. Bakit hindi mo na lang ako tawaging ‘Leo?’” maluwang ang ngiting wika nito. Gusto niyang panginigan ng laman sa narinig. Waring nakalimutan nito kung sino at ano siya sa kompanya. She guarded herself at once. Ikalawang araw niya iyon bilang official CEO ng DLR. At hindi niya balak na ipamukha sa isang department head ang posisyong iyon. Hindi niya naisip kailanman na ipagmayabang ang kanyang posisyon. Pero sa ikinikilos ng binatang department head ay unti-unting umiikli ang kanyang pasensiya. Para sa kanya, lunchtime was still a part of office hours. At kung nagsisimula na itong lumigaw sa oras na iyon ay hindi niya nagugustuhan. Lalo pa at nasa loob sila ng DLR. O dahil dismayado siyang kay Leo nanggaling ang mga bulaklak na unang inakala niya ay mula kay Neil? “I’ll treat you to lunch,” dugtong pa nitong tila hindi nahalata ang pagkairita niya. “I’m sorry, Mr. Corpuz.” Tinungo na niya ang connecting door ng conference room at sariling opisina. “Toni, I hope you liked the flowers,” habol na wika nito. Tumigil siya saglit at pormal na nilingon ito. “Honestly speaking, I liked the flowers, Mr. Corpuz. But I don’t like being given anything by my employees.” Hindi na niya napigil ang mga salitang namutawi sa bibig. Huling-huli niya ang pagbabagong-anyo ng lalaki. Ngayon ay parang ibinabad sa suka sa hitsura ng pamumutla nito. “And just a reminder, Mr. Corpuz, I want you to read again the code of discipline and ethics of this company.” “TIME to go home, Alodia,” nakangiting bungad ni Neil sa opisina niya. Pasado alas-singko na. At kapapaalam lang din sa kanya ni Lissa na mauuna na ito. “Come in. This won’t take long.” She wanted to be nice dahil sa pagtitiyaga nitong ihatid-sundo siya. But she taught herself to remain distant. “Care for some pizza, Alodia?” Hindi pa ito nasiyahang kausapin siya sa isang distansiya at lumapit pa ito sa gilid ng desk. “‘Toni,’ call me ‘Toni’ kung hindi mo ako kayang tawaging ‘Miss de la Rosa.’” Gusto niyang matawa. Eight years ago ay ito ang nagtatama sa kung ano ang dapat niyang itawag dito—at ngayon ay nababaligtad na ang sitwasyon. “I’d still prefer ‘Alodia.’ I like it. Weren’t you the one who told me the meaning of the name then?” Humakbang pa ng isa ang binata at ang isang kamay ay itinukod nito sa swivel chair. Tila pumalya ng isang t***k ng kanyang puso; animo nasasakdal siya sa isang kaso sa ginawa nito, lalo pa at niyuko siya nito. Gusto niyang manliit sa pagkakaupo sa swivel chair. “Hindi tayo makakauwi kaagad, Dr. Concepcion. You are bothering me. I’m being suffocated with your nearness,” isinatinig niya ang nararamdaman. “This near?” Inilapit pa nito ang sarili. “Alodia... Natatandaan kong ‘love’ ang ibig sabihin n’on.” Tila tuksong itinapat pa nito ang bibig sa kanyang tainga. Dama niya ang hininga at gusto niyang panindigan ng balahibo sa ginawa nito. “N-Neil...” Natigil siya sa ginagawa at napapikit na lang nang gumapang ang mga labi ng lalaki sa kanyang punong-tainga. Nang haplusin nito ang mukha niya ay hindi pa rin siya dumilat. She did not have the courage to meet his eyes. Kung mauulit pa ang pag-angkin nito sa kanyang mga labi, she knew she would not be able to resist it. But meeting his eyes would let him know that her love for him had not changed a bit. “It’s been a long time since you last mentioned my name, Alodia. And it feels like old times,” sabi nito, at bago pa siya nakasagot ay angkin na nga ng mga labi nito ang mga labi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD