Aiah's POV
Pabalik na sana kami ni Azril sa room, andami kong sinabi sa kaniya para tigilan na niya akong bullyhin. Pero walang kwenta lang mga pinagsasagot niya sa'ken. Nagtatanong lang din nang maayos tas bastos pa sumagot. Grabe na'tong lalaki na'to.
Gagawin niya raw kung gusto niya at wala raw akong magagawa don? basta 'pag gusto niya, siya masusunod hindi yata pwede 'yon. Tao ako may karapatan akong 'wag pakialaman.
"Kapal talaga ng apog neto. Bakit ba gustong gusto niyong may nasasaktan na tao sa mga pinaggagagawa niyo. Ano bang meron sa'ken bakit ayaw mokong tigilan ha? trip mo bako? sumagot ka nga trip mo bako?" galit kong sabi sa kaniya.
Sa mga sinabi ko ay bigla siyang tumigil sa paglalakad. Nakatingin lang siya sa'ken. Anong iniisip neto?
Napatigil din tuloy ako sa paglalakad. Anong problema niya?
Bigla siyang humakbang papalit sa'ken. Dahan-dahan ang kaniyang paglapit. Nakatitig lamang siya sa mga mata ko. Grabe ang mga mata niya, parang ang fierce niya tumingin.
Napapa-atras ako sa ginagawa niya. Anong gagawin niya? baka may balak na naman 'tong masama sa'ken? trip na naman ako netong lalaki na'to.
Nagulat ako nang palapit parin siya nang palapit sa'ken hanggang sa wala na'kong ma-atrasan dahil pader nalang ito. Inilagay niya ang kaniyang mga kamay sa pader dahilan para macorner ako nito.
Kinakabahan ako sa ginagawa niya. Anong gagawin niya sa'ken? hanggang sa sobrang lapit na ng mukha namin sa isa't isa. Bumaba ang kaniyang tingin sa mga labi ko. Napatingin rin ako sa mga labi niya. Sobrang pula ng mga 'to at mamasa masa pa. Parang may lip gloss pero alam kong normal lips niya 'yon.
Napalunok ako. Kinakabahan ako. Ang lapit ng mukha niya sa'ken. Kitang-kita ko ang bawat parte ng mukha niya. Ang makakapal na kilay niya. Matangos na ilong, matalim na mga matang nakakatunaw. Bakit niya ginagawa 'to. Isa paba 'to sa pantitrip niya sa'ken.
Tug dog tug dog tug dog tug dog...
Ang bilis ng t***k ng puso ko. Anong meron bakit ganito? Anong nangyayari sa'ken? kinabahan lang ako. Kalma.
Lalong lumapit ang kaniyang labi sa akin. Halos isang inch nalang!
Napapikit nalang ako sa sobrang kaba. Nanginginig nako, ngayon lang ako nakaranas ng ganitong pangyayari na napakalapit ng mukha sa mukha ko.
Naaamoy ko ang mabango niyang hininga, amoy parang baby na mint. Hindi ko maexplain, ang bango nito.
Hindi ko alam kung ilalapit niya ba ang labi niya sa labi ko, nabablangko na ang utak ko. Help me, hindi ako makagalaw.
"Yes, I want to tease and play around with you every day." bulong niya sa'ken at bigla siyang lumayo.
Napadilat ako, nakahinga ako ng maluwag. Grabe! para akong aatakihin sa puso. Hindi ako makahinga sa ginawa niyang paglapit sa'ken.
Hindi pa mag-sink in sa utak ko ang sinabi niya. Ano daw?
Nagsimula na siyang maglakad. Paakyat ng hagdan. Ako ay nakatulala parin sa nangyari. First time ko at hindi ko ineexpect na gagawin niya 'yon.
'Wag kang oa hindi ka niya nahalikan. Oo hindi niya ako nahalikan, mabuti nalang! ayokong makuha ng isang 'yon ang first kiss ko! at lalong lalong hindi siya ang makakahalik ng labi ko! hindi ako papayag.
WAAAAAA. Para akong nababaliw.
"Bilisan mo. Nakatulala kalang jan, may klase pa." sabi niya sa akin.
Napabalik ako sa ulirat. Gulat ko siyang tiningnan.
"A-ah O-oo." nauutal kong sabi.
Nakita ko siyang nag-smirk. Nakakahiya bakit nanginginig ang boses ko, waaaaa.
Bumalik na kami ng room.
Pagkapasok naming dalawa ni Az ay nagtinginan sa amin ang mga kaklase namin. Yung sobrang ingay nila pero pagkakita sa'min biglang nagsitahimik, akala mo may dumaang multo.
Nakayuko akong naglakad papunta sa upuan ko. Nahihiya parin ako sa nangyari.
"Master, anong nangyari?" tanong ng isa sa mga kaibigan ni Az.
"Hoy, 'wag kang maingay jan, baka magalit si Master dahil tayo ang dahilan kung bakit siya napa-office." sabi naman sa kaniya nung isa.
"Tanga, si Argus nakapulot 'non, inabot niya lang kay Master." sabat naman nung isa.
"Bakit ako? 'di ko naman alam na funds pala ng room natin 'yon. Kung alam ko lang sinoli ko na'yon, kala ko naman iba ang may-ari 'non." sagot naman nung Argus daw.
"Lagot kayo pre." sabi ng isang kaibigan ni Az.
"Si Reggie sisihin niyo, pangchibog daw sana niya." sabi nung isa.
"Siraulo wala akong sinasab--" hindi natuloy ang pagsasalita ng isa.
"Manahimik kayo!" sigaw ni Azril sa sa kanila
"Sorry, Master." nakayukong sabi nila.
Ayan ang iingay kase, bad trip na nga 'yung tao 'e. Akala ko naman si Az nakakuha at binigay sa'ken. Kaibigan pala niya.
"Sorry Aiah ah, pasensya na hindi ko rin kasi alam." biglang sabi sa'ken ni Sean.
"Okay lang, wala kang kasalanan Sean." sagot ko naman.
"Anong sabi sainyo? Makikick-out ba kayo?" tanong niya.
Oa? agad-agad.
"Hindi 'no, masasauli ko naman ang pera. Hindi naman ganon kalaki ang nagastos. Mababalik ko rin walang kulang." sagot ko naman.
"Mabuti naman, gusto mo dagdagan ko kung magkano man kulang?" sabi niya.
"Wag na Sean. Thank you nalang." pagtanggi ko.
"Sigurado ka ah, ayokong umalis ka. Gusto ko seatmate lang tayo hanggang makatapos hehe." nakangiting sabi niya.
"Kung dito ako mag-aaral pa." sagot ko naman.
"Kung saan ka mag-aral 'don ako hehe." sabi naman niya.
"Wag ka nga Sean, daming mong alam." sabi ko naman.
Tumawa lang siya. Hinampas ko naman ang braso niya.
Nag-uusap usap na naman ang mga kaklase ko back to daldalan na naman. Wala pa kasi si Ma'am, baka may inasikaso ba about sa ginawa namin.
Tumingin ako sa likod ko at nakatingin sa'ken si Azril, napaiwas ako agad ng tingin. Bakit nakatingin siya? Bakit ka rin tumingin Aiah? chinecheck ko lang naman ng room 'e.
Nakita ko naman si Damien na nagbabasa sa book niya at bigla rin siyang tumingin sa'ken. Napangiti siya sa'ken. Nag-aalala rin kaya siya sa'ken? Siguro
Napangiti rin ako sa kaniya. Bait kaya nitong si Damien. Hindi lang matalino mabait pa. Plus points nalang yata 'yung pogi.
"Tss."
At biglang nag-ingay ang upuan. Parang may nalaglag? ano 'yun?
"Master, bakit mo sinipa upuan ko?" sabi nung kaklase kong lalaki na nasa likod ko.
"Nagulat ka ba Drake HAHAHA?" sabi naman ng katabi niya.
"Hindi ah." sagot naman nito.
Bakit naman naninipa ng upuan 'yon, akala ko naman may nalaglag. Nanipa lang pala ng upuan, problema 'non?
Dumating na ang adviser namin, kinausap niya lang saglit si Argus, 'yung nakapulot ng pera. Pinagsabihan yata. Pagkatapos niya ay ako naman ang kinausap ni Ma'am dahil kukunin na niya ang pera. Buti nalang at binigyan ako ni tita ng pocket money. Pinandagdag ko sa nagastos sa cp ko. Kaya ayon nasoli korin sa wakas!
Hindi na nakapagklase si Ma'am dahil konti nalang ang oras niya. Nag-payo nalang siya sa amin about sa case na mga ganong pangyayari. Dapat kapag may nakitang pera o gamit na hindi sa'yo ay isauli mo dahil may nagmamay-ari 'non. Hindi 'yung kinukuha mo at inaangkin.
Ay, pano naman 'yung mga ballpen na napulot ko, hindi ko na nababalik. Sa'ken nalang at tinatabi ko. Magkaiba naman yata 'yon 'no.
After ng pag-uusap sa'min ni Ma'am Julia ay break time na, dahil pangatlong period si Ma'am. Nagsihiyawan naman ang mga kaklase ko at nagsi-alis na para bumili sa canteen.
Hindi na muna ako pupunta sa canteen, may dala naman akong pagkain ko. Kanin na may ulam, nagdala narin ng panghimagas na chocolate at chichirya hehe. Sarap.
Habang inilalabas ko ang mga pagkain ko ay biglang may lumapit sa'ken. Si Kianna, 'yung President namin.
"Hi, thank you nga pala sa pagsauli ng pera." nahihiyang sabi niya sa akin.
Nginitian ko siya.
"Walang anuman, para sa panggastos ng room natin 'yon, need talaga 'yon maisauli kahit kung sino pa ang kumuha 'non." sabi ko naman sa kaniya.
"Kung napunta lang 'yun sa mga kaklase natin na lalaki, baka hindi na nakabalik pa'yon." sabi naman niya.
"Kaya nga 'e, alam mo naman 'yung mga 'yon." sagot ko naman.
"Ahm siya nga pala, pinabibigay daw sa'yo 'to ni Ma'am. Mga nakaraang lesson daw namin para mahabol mo raw, pag-aralan mo nalang." nakangiting sabi naman niya sa'ken.
"Ayun, salamat naman hehe. Pag-aaralan ko nalang." sabi ko naman.
Inabot niya sa akin ang hand-out na mga diniscuss nila mga nakaraang week. Diba nga 3 weeks na sila nag-sstart bago pa ako magtransfer dito. Punta nalang ako sa library if may time pa'ko.
"Sabihin mo lang kung need mo pa ng tulong ko, lapitan mo lang ako." sabi naman niya.
Bait niya, mahiyain talaga siya. Medyo nahihiya siya magsalita 'e.
"Sige, sige. Salamat ulit." nakangiting sabi ko rito.
"You're welcome." sagot naman niya.
"I'm Maraiah nga pala." formal kong sabi at inabot ang kamay ko.
Gusto kong makilala siya ng harapan, hindi 'yung nalaman niya lang ang pangalan ko sa pagtawag ng mga prof. namin. At gusto ko narin makipagkaibigan sa kaniya, mukha naman siyang mabait.
"Kianna Lee." sagot niya at kinuha niya ang kamay ko.
Nginitian ko lang siya ganun narin siya sa akin.
Mukha siyang may lahi, alangan kaya nga Lee ang surname 'e.
"Kain?" sabi ko naman, dahil nakalabas na pala ang mga pagkain ko sa desk ko.
"No, it's okay. Kakain nalang ako sa canteen. Thanks." nakangiting sabi nito sa akin.
Umalis na ito sa harap ko at bumalik na sa upuan niya. Nasa Pair 1 siya nakaupo malapit sa may pinto.
Dalawa lamang kami ritong naiwan, at lumabas na siya para bumili ng kaniyang pagkain. Nag-bye pa ito sa akin. Kaya ako nalang ang naiwan dito. E sa ayaw kong lumabas, andaming tao ron at baka gumawa na naman sila ng scene don at ako pa mapagtripan 'no, hindi na. Mas magandang umiiwas ako sa gulo.
Sarap naman nitong niluto ko kanina, Lasagna, sarap ng cheese hmmm. Ang laki ng bawat subo ko. Kaya nabibilaukan ako 'e, umiinom ako agad ng tubig. So delicious.
Habang kumakain ako ay tinitingnan ko itong hand-out na binigay sa'ken ni Kianna. Medyo marami-rami rin 'to. 3 weeks nila itong topic. So bale mag-iisang buwan na nag-start ang klase rito. De bale mag-aaral nalang ako about sa nilesson nila.
Patapos ko na kainin itong Lasagna huling bite nalang ng biglang dumating si Damien. Nakanga-nga na ang aking bibig para isubo itong huling kagat ng Lasagna at napatingin sa akin si Damien. Ngumiti lamang siya sa akin at pumasok na ng room.
Bigla akong nahiya, para naman akong patay-gutom nito. Kahapon ay may kanin lang ako sa labi at tinanggal niya ito. Baka meron na naman ako ngayon, mahirap na.
Ngumiti rin ako sa kaniya. At sinubo na ang lasagna, hindi 'yung malaking bibig sa pagsubo ha, parang nahihiyang subo. wait? subo? anong klaseng subo? ano bang utak mo Aiah! alangan isusubo mo'tong pagkain mo!
"Kain." sabi ko nalang sa kaniya kahit wala na'kong pagkain.
Abnormal talaga ako.
"I'm full, thanks." sagot niya. Busog na pala 'e, okay.
"Ano palang kinain mo?" tanong ko.
"Tuna sandwich." sagot naman niya.
"Wow, masarap hehe." sabi ko naman.
"Regarding what happened earlier, why did the money end up with you?" tanong niya sa akin.
Bakit napunta sa'ken ang pera?
Ayon inexplain ko sa kaniya lahat, simula una hanggang dulo, walang labis walang kulang. jk hehe, ayon nga binigay sa'ken ni Sean pinapaabot ni Az na nakakuha naman ay ang kaibigan nitong si Argus. Ayon.
"So, Were you given disciplinary action or was it Azril because of what he did?" tanong naman niya sa'ken.
"Hindi, wala naman silang binigay na kahit ano, wala naman kasi akong kasalanan at si Az ewan ko ba 'don, siga naman 'yun 'e kaya ewan ko lang sa kaniya. Pero wala siguro dahil hindi naman siya ang nakapulot. Nasauli ko naman na ang pera lahat." sagot ko naman.
"That's good then." sabi naman niya.
"Mabuti nalang nga at naayos naman lahat, kapag hindi nako talaga. Baka masuspend ang section natin." sabi ko naman.
"Mabuti at nasa mabuting kamay napunta ang pera." sabi naman niya sa akin.
"Kaya nga 'e, kapag sa iba talaga 'yon nako ligwak talaga. Mga mukha pa naman nung kaklase natin mga gastusero." sabi ko.
Uminom ako ng tubig. Grabe uhaw ko, sunod-sunod ang aking pag-inom, ang sarap ng lasagna talaga. Bukas nga ulit. Bigyan ko naman si Damien at Sean hehe. Pagkatapos kong uminom ay nakita kong nakatingin sa'ken si Damien.
Nakatitig siya sa'ken habang umiinom ako?
Nginitian ko nalang siya at nag-iwas siya ng tingin.
"I'm going to my seat now." sabi naman nito. Bumalik na siya sa upuan niya.
Anyare don nag-uusap pa kami 'e.
"Ahm Damien, meron kabang mga copy ng topic natin sa mga diniscuss na lesson ni Ma'am Julia, pwedeng pahiram para hindi na'ko maghanap sa library hehe. Or kung wala okay lang naman." sabi ko sa kaniya.
"Sure, i have copy, wait." sagot niya.
"Ayon, buti naman hehe." natutuwang sabi ko.
Tumayo ako para lapitan siya at hiramin ang mga copy ng lesson namin mga nakaraang week.
Hinanap niya ito sa bag niya at iniabot sa akin.
"Here." abot niya sa akin.
"Thank you, soli ko nalang sa'yo ha 'pag napag-aralan ko na." sabi ko.
"Okay." sabi naman niya.
Bumalik na ako sa upuan ko at inisa-isa ang nilesson nila. Infairnes wow ang ganda ng hand writing niya. Parang babae magsulat, tinalo pa yata ang sulat ko huhu. Daig pa babae nitong si Damien. Ang linis.
Malinis naman sa'ken pero hindi ganito kaganda.
Pagkaupo ko ay isa isa nang nagsisipasukan ang mga kaklase ko. Umupo na rin sila sa kanilang mga upuan.
Tinabi ko ang aking mga pinagkainan at mga handout and copy sa bag ko. Ang babait talaga ng mga kaklase ko. May mabait may masasamang ugali naman. Angel and Demon kumbaga.
Medyo maaga pa naman kaya kakainin ko nalang muna 'tong panghimagas ko. Chichirya. Malaking chichirya 'to 'e. Piattos.
Binuksan ko ito at kinain, inalok ko rin si Damien at tumanggi naman ito. Halatang hindi kumakain ng mga junk foods. Sanaol.
Biglang nagsipasukan na ang mga maiingay kong kaklase at nagsi-upo na sa kani-kaniyang upuan. May mga nagkakantahan pa at sumisipol, parang mga bata sa kalye amp.
"Woy, penge, sarap niyan ah." sabi ng kaklase naming lalaki. Basta alipores ni Az. Pag mga ganyan asahan niyong mga bata niya 'yan.
"Ako rin penge."
"Pampawala umay."
"Akin nalang 'yan."
Biglang hinablot sa akin ang malaking piattos ko. Wow ha, biglang kinukuha, sa'yo yan? At pinagpyestahan nilang lahat ang chichirya ko. Hindi ba kumain 'yung mga 'yon?
Hinayaan ko nalang, meron pa naman akong chocolate dito 'e. Bar chocolate. Sarap galing ibang bansa yata 'to bigay sa'ken ni tita.
Nakita kong pumasok sila Sean at Azril, ngayon lang pumasok? nauna pa mga alipores niya.
Bubuksan ko na sana ang balat ng chocolate nang biglang hinablot ito sa akin ni Az!
"Hoy, ano ba! sa'ken 'yan." sigaw ko sa kaniya.
Bakit bigla bigla silang nang-aagaw. Hindi ba uso hingi sa kanila? mga baliw talaga 'e.
"Hindi ba uso hingi sa inyo? bigla bigla nalang kayong nangunguha, 'di man lang nag-papaalam?" galit na sigaw ko dito.
Dinaanan niya lang ako at bumalik sa upuan niya. Anong nakain ko? wala?
Kinuha ng mga alipores niya pati narin siya. Malas naman oh!
"Mahilig talaga sa chocolate 'yon si Master, pasensya na, kanya nalang 'yon HAHAHAHA." sabi naman ni Sean, nasa tabi ko na.
"Hindi pa ako nakakakagat 'don, ni hindi ko pa nga natitikman 'e." sabi ko naman.
"Hayaan mo na, ito oh, sayo nalang." abot niya sa'ken sa Starbucks. Wow? chocolate na Starbucks? or kape.
Kinuha ko nalang, sarap nito, mahal kaya nito.
"Thanks." sabi ko at ininom ko ang Starbucks, saraaaap. Kape.
Mga kaklase ko naman, nakatingin lang sa mga nagkakagulo don sa chichirya ko. Si Azril naman sarap na sarap mag-isang kumakain ng bar chocolate ko.
Tumingin siya sa'ken at kinagat niya 'to nang dahan-dahan na parang nang-iinggit. Sinamaan ko lang siya ng tingin. Favorite ko rin 'yun 'e.
Nakakainis, magnanakaw ng mga pagkain ko! hindi na nga ako magdadala sa susunod.
To be continued...
_________________________________
Vote, comment and share.