Chapter 7

2593 Words
Aiah's POV Nandito na kami ngayon sa Dean's office. Nakaupo kaming dalawa sa tapat ng mesa ng Dean. Wala pa ito, hinihintay naming dumating. Nandito rin ang aming adviser. Magkatapat kami sa upuan ni Azril, ansama ng tingin ko sa kaniya. At siya ay matalim lang ang mga mata niyang nakatingin sa'ken. Sasabihin ko naman ang totoo 'e, wala akong kasalanan dito. Paniniwalaan naman nila ako. Ayoko namang mapagbintangan na magnanakaw. Baka ikick-out pa'ko sa school na'to. Lagot na'ko neto kay tita. Please naman sana maniwala sila sa'ken. Baka kasi ako ang piliting may kasalanan nitong lalaking nasa harap ko. Naiinis na'ko talaga. Masasapak ko na'to. Matagal ko na siyang gustong sapakin, hindi ko lang magawa dahil ayokong may bad record ako rito sa school na'to, unang pasok ko palang. Sampal nalang kaya? 'di bale na nga. "Mr Easton and Ms. Jivenez, iexplain niyo ang nangyari kapag nakausap na kayo ni Dean." sabi ni Ma'am sa aming dalawa. Naghintay lang kami ng sampung minuto at dumating na ang Dean, busy daw ito kaya natagalan. Maraming ginagawa ang Dean, nagpunta pa rito para lang sa'min, kasalanan mo 'to talaga Azril! "What's your concern?" sabi ng Dean. "Goodmorning Dean Arturo Grinell. May problema po kami, nawawala ang funds ng room namin at malaking halaga po ang nawawala rito. Ang dalawang ito po ang kumuha ng pera na iyon." mahabang paliwanang ni Ma'am. Hindi ko po kinuha, inabot lang po sa'ken. Di ko alam kay Azril kung kinuha ba niya. Kaya nga mag-eexplain diba? kaya sasabihin ko ang totoo. "Magpaliwanag kayong dalawa." sabi naman sa amin ni Ma'am. "Explain this." seryosong sabi sa amin ni Dean Arturo. Nakakatakot siya. Siya yata 'yung principal sa school na ito. Namamahala sa school, alangan. "Pinalalagpas namin ang mga ginagawa mo Mr. Easton dahil apo ka ng may-ari ng school na'to. Ngayon ay hindi na namin palalampasin pa ang ginawa mo dahil pera na ng school or room niyo ang pinag-uusapan dito." mahabang sabi ng Dean kay Az. Tiningnan naman siya ni Azril. "I don't care. I said it's not my fault." diing sabi nito sa Dean. Nag-tiim ang kaniyang mga bagang at masamang tumingin sa Dean. Bakit hindi niya kasalanan? 'e siya naman ang nagbigay nito sa'ken. Kinuha niya yata 'yung pera sa president namin 'e. Kahit anong pagpapaliwanag mo 'di ako maniniwala sa'yo dahil sa ugali mo. Saan ba'to nagmana? ansama 'e. "You, Ms. Jivenez right?" sabi sa akin ni Dean. Tumango naman ako sa kaniya. "Paano naman napunta sa'yo ang pera, magpaliwanag ka." sabi nito sa akin. "Ganito po kasi 'yan, pinabigay niya lang po sa kaklase po namin na si Sean ang pera para ibigay sa'ken pampagawa po ng cellphone ko na sinira niya." paliwanag ko at tinuro ko si Azril. Tiningnan naman ako ni Azril. "Naniwala naman po ako na sa kaniya galing ang pera na'yon, kaya ipinagawa ko po ng cp ko. Hindi ko naman po alam na fund pala ng room namin 'yon." dagdag ko pa. "At bakit mo naman sinira ang cellphone ni Ms. Jivenez?" tanong ni Dean kay Azril. "Because i want to." walang emosyong sabi nito. Aba? dahil gusto lang niya, lakas talaga ng amats 'e. Nakadrugs ba'to? nananahimik ako. Tapos pagtitripan ako, ayan tuloy umabot sa ganito. Umiling -iling nalang si Dean sa kaniya at nakakunot lang ang noo ko kay Azril. "Don't worry po, hindi ko naman po ginastos lahat ang pera, may 8,500 pa pong natira. Ibabalik ko nalang po ang pinampagawa ko ng phone ko." sabi ko sa kanila. Tiningnan nila akong tatlo kasama na si Ma'am. Nasa bag ko ang pera dahil isasauli ko sana ang natira kay Az dahil masyadong malaki ang pera, hindi naman pala galing sa kaniya nagastos kopa. Ibibigay ko nalang sa kanila ang naipon ko. Yun naman talaga sana ang pang-gastos ko sa pampagawa sa una palang. Sana hindi ko nalang hiningian 'tong Az na'to. "Okay good Ms. Jivenez, isauli mo nalang dahil kailangan niyo 'yang pera para sa mga necessary things ng room niyo." sagot naman sa akin ni Dean. Tumango ako sa kaniya. "Ikaw Mr. Easton, bakit napunta sa'yo ang pera, kinuha mo ba ito o napulot mo?" tanong sa kaniya ng Dean. Tiningnan ko naman si Azril. "Hindi ko napulot 'yan at mas lalong hindi ko kinuha ang pera niyo." inis nitong sagot sa Dean. "So, bakit sinasabi ni Ms. Jivenez na ipinaabot mo lang sa kaklase niyo ang pera sa kaniya." turo sa akin ni Dean Arturo. "Don't asking me, hindi lang ako ang estudyante na nasa room. Tanungin niyo 'yung ibang mga lalaki 'ron." sabi naman ni Azril Ha? anlabo naman nito, bakit tatanungin ang ibang mga kaklase namin, 'e siya naman ang nang-utos na ibigay ang pera sa'ken. Tsaka 'yung ibang mga lalaki sa room namin ay mga bata niya. So, sisisihin niya ang mga alipores niya para hindi siya mapagbintangan na kumuha ng pera? iba 'rin talaga ang takbo ng utak nitong lalaki na'to. "Then ikaw na ang magpaliwanag kung sino o saan nakuha ang malaking pera?" sabi naman sa kaniya ng Dean. "Wala nga akong alam! may ibang nakapulot ng pera at inutos ko lang sa kanila na ibigay sa babaeng 'yan pampagawa ng cellphone niya!" galit nitong sigaw sa Dean. Napakabastos talaga, wala sigurong nagmamahal dito. Hindi porket nawalan lang siya ng nanay bata palang siya, magiging ganyan na siya. Hindi dapat ganon. "Sino ang taong sinasabi mong nakapulot non?" tanong ni Dean. Alam ko kung sino ang tinutukoy niya. Ang mga alipores niyang lalaki na tinatawag siyang Master. "Siguro po ay 'yung isa sa mga kaklase po naming lalaki." biglang sagot ko kay Dean. "Sige, kakausapin nalang namin kung sino man ang nakapulot non, ang mahalaga ay maibabalik ang pera." sabi ni Dean sa amin. Natapos na kaming kausapin ni Dean, hindi naman nagtagal dahil inexplain naman namin nang maayos ang nangyari at wala ngang kasalanan 'tong si Azril. Hindi niya kinuha. At maibabalik ko rin naman ang pera. Bumalik na kami sa aming room. ___________________________ Azril's POV The f'ck. Damn it. We were called to the Dean's office for a pointless matter. I didn't even take their money! Nag-tiim ang aking mga bagang at huminga ng malalim. Kasabay ko 'tong babae na'to pabalik ng classroom. Siya ang dahilan kaya ako napatawag sa lintek na office na'yon. Palagi akong napapatawag sa office pero hindi ko pinupuntahan dahil sila na ang bahala sa mga pinaggagagawa ko. I've done a lot of crazy things in this school. Bullying and humiliating, I just get annoyed when I see them. They keep looking at me, I don't want anyone staring at me. My head starts to heat up. That's why sometimes I end up in guidance, but I don't go because I don't care even if they cry. If they can't prove that I'm not guilty of teasing the students, I'll have them fired. Aalisan ko sila ng trabaho. Because I am the heir of this school. Soon to be the owner of this school. It will be mine too. Pabalik na kami ng room. Nagsasayang lang sila ng oras, hindi ko naman kinuha ang pera. Naalala ko ang nangyari kahapon. Flashback... Yesterday Kakatapos lang ng break time namin at pabalik na kami sa room. As always kanina pa nagsisimula ang klase bago kami pumasok. Ayokong pumasok agad-agad dahil kumakain pa'ko. Makakain ko ba ang pag-tuturo nila? So f'ckin' boring. "Master, master. May napulot ako, nakita ko malapit sa room natin kanina. Pera ang laman ang laking halaga nito." biglang sulpot ni Argus sa harapan ko. "Wow, patingin nga ako magkano laman niyan?" tanong naman sa kaniya ni Harrison. Nagsilapitan ang mga kaklase ko para makita ang laman ng sobre. "Nice one, may pangchibog na tayo Master." sabi naman ni Eli. "Pangchicks nalang natin 'yan pre." sabi naman ni Reggie. "Anong gagawin natin dito Master?" tanong naman ni Argus na nakapulot ng pera. Wala akong pake sa pera na'yan, marami akong pera. Sainyo na kung gusto niyo. Tiningnan ko sila at pinagpasa-pasahan nila ang pera para makita kung pera nga iyon. Dami-dami nilang pera, sa bagay nauubos agad nila ang pera nila sa kung ano anong walang kwentang bagay na pinagbibili. At bigla kong naalala na may nanghihingi pala sa'ken ng pera pampaayos ng cellphone niya daw. Pake ko naman sa nasirang cp niya? hindi siya manghingi sa mga magulang niya. Mahirap lang ba siya para manghingi sa iba ng pampagawa ng cp niya. Ano naman ngayon kung ako nagsira, naiinis ako sa kaniya. Ang tapang ng babae na'yon, walang ibang sumasagot sa'ken ng ganon. Ang lahat ng student dito ay takot sa'ken at ang iba ay patay na patay sa'ken o saming magkakaibigan. Yang mga kaklase kong lalaki na'yan ay kaklase ko na nung high school palang. Grade 7 ay konti palang kami. Habang tumatagal at umaangat ang level namin ay dumadami kami, sumasama samin ang iba. Pinipili ko lang ang sinasali ko sa grupo namin. Dapat ay mayaman at sanay mambully. Dahil sila nalang ang uutusan ko kapag may kinaiinisan ako sa room namin. Sunod-sunuran naman sila sa'ken. Tinawag pa nila akong Master. Si Sean at Haven palang ang una kong naging kaibigan nung grade 7 palang. Palaging sunod nang sunod sa'ken. Wala naman talaga akong pake sa mga 'yan noon. Ayokong may mga kaibigan dahil alam kong hindi naman mga pagkakatiwalaan, pero itong mga kaibigan ko loyal sa'ken. 9 kaming lahat. "Stop." sabi ko sa kanila at nagsipagtigil sila sa pagtitingin ng laman ng sobre. "Give that to the girl who was following us earlier, tell her it's for fixing her cellphone." sabi ko sa kanila. "E Master, magkano ibibigay namin?" tanong ni Eyzach. "Oo nga Master, andami nito oh. Ibibigay ba namin 'to lahat?" sabi naman ni Drake. "Give all of that to her. Where's Sean?" tanong ko sa mga 'to. Ipaaabot ko nalang 'don, magkatabi naman sila sa upuan. Di ko alam kung gusto niya ba 'yung babae na'yon. Nakita ko sila kanina ni Damien na magkasamang kumain. Feeling hero naman 'tong isa. Damn you! Kung hindi dahil sa kaniya, hindi magiging ganito ang buhay ko! Damn you Damien. Hindi ko mapapatawad ang ginawa mo kahit na matagal nang panahon 'yon, hindi ko 'yon makakalimutan. He's my best friend before when we're 9 years old. At kung anong dahilan ng pagsira ng pagkakaibigan namin ay ayoko nang balikan pa, bumabalik lang ang aking trauma. Sobrang nakakapanghina. "Master, nag-cr daw muna siya. Bigay ko nalang mamaya sa kaniya, sabihin ko pinapaabot mo." sabi ni Argus. Good. Kung kanino man 'yang pera na'yan ay wala na'kong pakialam. Bahala silang maghanap sa babaeng matapang na'yon. Akala naman niya kilala niya ako. Damn her. Ngayon lang ako naka-encounter na ganung babae. She's so interesting. Gusto ko siyang palaging pinagtitripan. I just encountered a girl like that for the first time. She's so interesting. I want to always tease her. And she's kinda pretty. She has simple face, with beautiful eyes and long eyelashes, dimples, a small sharp nose. She has fair skin and looks like she's not wearing makeup. Her long hair is tied up. Even in her simplicity, she looks attractive. I'm not saying she's beautiful and I like her? No! I'm just describing her. I don't like that kind of girl! Bago pa man kami makarating sa room ay biglang sumulpot si Sean. "Sean! bigay mo raw sa katabi mong babae, pinabibigay daw ni Master sa kaniya, diba naniningil 'yon kanina." sabi sa kaniya ni Haven. "Sayang, laking pera pa naman 'yon kala ko may pangchibog na 'e." sabi ni Reggie. "Oo nga 'e." pagsang-ayon sa kaniya ni Eli. "Master 'di ba pwedeng humingi kahit 1k lang?" sabat naman ni Drake. Lumawak ang pagkakangiti ni Sean at kinuha agad ang pera. "No! kay Aiah na'to lahat. Thank you Master ha, bait mo talaga. Matutuwa si Aiah nito. My baby loves hehe." sabi ni Sean. "Tss" 'di kayo bagay. Mukhang inagaw na yata ni Damien. Tiningnan niya ito at katulad din siya ng mga kasama ko na nagulat sa laki ng pera. First time niyo lang makakita? Cheap. End of Flashback... "Hoy, kanina pa kita tinatanong sabi ko, sinong lalaki ang nakapulot ng pera?" sabi netong katabi ko. Hindi ko napansin na kanina pa pala niya ako tinatanong. "Don't f'ckin' ask me!" sagot ko naman sa kaniya. "Aba, lintek nagtatanong lang ako hoy! kung makasagot ka naman jan. Bakit kasi hindi niyo nalang inabot kay Ma'am or kay President kung napulot niyo man ang pera. Sa'ken pa talaga?" galit niyang sabi sa'ken. Ang daldal niya sobra. Sobrang dami niyang satsat kapag nagsasalita siya. Nakakarindi pa mga sinasabi niya. Tiningnan ko lang siya na bored na tingin. "Bakit lagi niyo ba'kong trip? ano bang mga problema niyo. Pwede bang manahimik nalang kayo at hayaan niyo nalang ako." sabi nito habang nakakunot ang mga noo. "Unang araw ng pasok ko malas na'ko agad sa pinaggagawa niyo. Second day pati third day ng class, palaging ganito. Andami niyong pantitrip sa'ken. Pwede bang intindihin niyo nalang ang pag-aaral niyo kaysa sa buhay ng iba?" mahabang paliwanag niya. Nakataas pa ang mga kamay niya na parang ineexplain at ini-isa isa ang nangyari sa kaniya. Nakatitig lang ako sa kaniya. Hindi ko maiwasang titigan siya, hindi ko alam kung bakit. She's cute. What? No! Pinagkunutan ko lamang siya ng noo. I don't care what she's saying. "Ano paba ang sunod niyong gagawin sa'ken? Hindi paba kayo nakukon--" sabi niya at napahinto siya dahil bigla akong nagsalita. "Shut up! Can you just be quiet? You talk too much." sagot ko naman sa mga pinagsasabi niya. Sa lahat ng ayaw ko ay madaldal. "Nagpapaliwanag ako na 'wag niyo na akong pagtripan. Dahil wala naman kayong mapapala sa pantitrip sa'ken." sabi naman niya. "I don't care, If I want to do it, I will do it and there's nothing you can do about it." sagot ko naman. Dahilan ng pagkunot ng kaniyang noo at nanlaking mga matang nakatingin sa'ken. I smirk, She's fun to tease. "Kapal talaga ng apog neto. Bakit ba gustong gusto niyong may nasasaktan na tao sa mga pinaggagagawa niyo. Ano bang meron sa'ken bakit ayaw mokong tigilan ha? trip mo bako? sumagot ka nga trip mo bako?" sabi naman niya. Trip? trip kita? yes. Napahinto ako sa paglalakad at ganun narin siya. Andito kami pa-akyat sa hagdan walang mga estudyanteng dumadaan dahil alam kong nagsisimula na ang klase. Kaming dalawa nalang ang narito dahil nag-paiwan si Ma'am sa office. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kaniya dahilan ng pag-atras niya. Nakatingin lang ako sa mga mata niya. Tinitingnan ko siya na parang nakakatunaw na tingin. Napapa-atras siya at nagulat sa ginagawa kong paglapit sa kaniya. Hanggang sa wala na siyang ma-atrasan at nakasandal na lamang siya sa pader. Sobrang lapit na namin sa isa't isa. Bumaba ang aking tingin sa kaniyang labi, she has kissable lips. It's like my lips want to get close to her lips. Inaakit ako ng mga 'to. 1 inches nalang ang labi namin sa isa't isa. Naaamoy ko na ang hininga niya. Amoy candy ito na parang strawberry. F'ck! Nakalapat ang aking mga palad sa pader para hindi siya maka-alis. Binalik ko ang tingin sa kaniyang mga mata at nakapikit ito. Alam kong kinakabahan na siya. I smirk. "Yes, I want to tease and play around with you every day." bigla kong sabi sa kaniya. Oo, trip kitang asarin at pagtripan araw-araw. To be continued... _________________________ Author's Note: Hello guys, basahin niyo na ulit ang bago kong update hehe. Enjoy reading. Vote, comment and share para sa next UD ko ulit. Love y'all.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD