Aiah's POV
Naghahanda na ako ngayon para pumasok. Nakakain narin ako, nauna nang umalis si tita dahil marami pa raw siyang aasikasuhin. Binigyan niya ako ng baon. Sabi ko sa kaniya, magluluto nalang ako ng kakainin kong baon 'e. Kahit may dala raw akong baon na kanin dapat daw may pocket money ako.
Meron pa naman akong pera dito. Tsaka itong pera na binigay ni Az, sa'ken nalang kaya 'to lahat? tutal mayaman naman siya diba? sabihin ko lang need ko talaga 'e.
Joke lang, bibigay ko rin sa kaniya 'tong sobra. Di naman ako mukhang pera 'no.
Pupuntahan ko muna ang cellphone ko sa pagawaan. Sana maayos na 'yon. Nakarating na ako sa pagawaan.
"Goodmorning po." bati ko sa taga-ayos ng mga cp.
"Magandang umaga ija, 'yung cellphone mo pala ay gawa na. Hindi naman masyadong nasira nang sobra. Inayos ko kaagad." nakangiti niyang sabi sa akin.
Yes! buo na ang cp ko ulit! thank you, thank youuu. 2 days kong 'di nagamit.
"Heto na ija." inabot niya sa akin ang cp ko.
"Salamat po hehe." kinuha ko na ito. Maayos na nga at wala nang basag. Sana hindi na mabagsak ulit, iingatan ko na'to.
"Ito po bayad." binigay ko na sa kaniya ang bayad. Nagpasalamat siya sa akin.
Itinabi ko na kaagad ang cp ko at umalis na. Hindi pa naman ako late, mahabang minuto pa.
Ang saya-saya ko ngayon hehe. Good mood ang ate niyo. Sana ganito nalang araw-araw.
Nakarating na ako sa school namin at marami akong nakakasabay na maglakad na estudyante. May mga magkakasama, may mga mag-isa rin na katulad ko. Introvert ganon. Pero hindi ko naman masasabing ganon din ako. Hindi naman ako mahiyain at friendly ako. Marami akong kaibigan sa dati kong school.
Dumiretso ako sa locker ko para kuhain ang mga books ko. Kinuha ko ang aking susi sa bag at bubuksan ko na sana ang locker ko ng biglang...
May biglang lumabas na bagay sa loob ng locker ko at tumama sa mukha ko dahilan ng pag-atras ko. Aray putek! Ang sakit para akong sinapak!
May black eye na yata ako. Tiningnan ko ang bagay na parang sumapak sa akin. Legit parang sinapak talaga ako. Sobrang sakit.
Nakita ko ay laruan siya na parang kamao, alam niyo ba'yon? Fist toy siya na malaki, kapag pinindot mo or hahawakan bigla kang sasapakin. At ang laki neto parang kamao talaga ng tao. Ang bigat pa. Sino naglagay neto sa locker ko?!
Nagtinginan ang mga katabi kong estudyante sa akin. Ang iba ay natatawa at ang iba naman ay nag-aalala.
Ang sakit huhu.
Paano naman napunta dito ang laruan nato dito sa locker ko, so may ibang nagbubukas nito bukod sa'ken? At sino?
Sila Az ba'to? sino paba wala namang ibang gagawa nito kundi sila lang.
Goodmood ako ngayon 'e, sabi ko pa naman sana maging tahimik na buhay ko, hindi pa pala.
Kinuha ko nalang ang fist toy at kinuha ang mga books ko. Papasok na ako baka malate pako.
Pumasok ako sa room namin at umupo na ako sa upuan ko. Chineck ko muna pala bago ako umupo baka sira na naman 'e.
Mangilan-ngilan palang ang mga kaklase ko na nandito. Napansin ko ang isa kong kaklase na may parang hinahanap, balisang-balisa ito. Anong hinahanap niya. Para siyang kinakabahan. Kaklase ko siya na babae. Tahimik lang siya, hindi ko siya nakikitang may kasama at nakikichismis tulad ng ibang mga kaklase kong babae.
Sino kaya siya? tanungin koba kung need niya ang tulong ko?
Nagring na ang bell hudyat na magsisimula na ang klase. Nagsipasukan na ang mga kaklase ko. Saka sila magsisipasukan kapag nagring na? nakatambay lang pala sa labas 'tong mga 'to.
Nag-start na ang klase namin. Nag-discuss ulit ang aming guro. General Mathematics ito. Sana madali lang ang magiging lesson namin dito. Nag-explain ang aming guro dito at nag solve ng mga solution. Madali lang siya.
Pinasagot ako sa harap at sinolve ko ang given number. Ganun din ang iba kong kaklase. Nag-very good naman sa amin ang guro.
Binigyan niya kami ng gagawing activity na sasagutan.
Habang nagsasagot ay biglang nagtanong si Sean sa akin.
"Tama ba 'tong solution ko?" tanong niya habang pinapakita sa akin ang papel niya.
Tiningnan ko naman ang papel niya.
"Oo, tama." sagot ko naman.
"Yun, akala ko hindi 'e." sabi naman niya.
"Eto kaya sa number 2." tanong niya ulit.
"Mali 'yan, negative 3 'yan, hindi 'yan 'yung domain niya." sagot ko naman dito.
"Ayy, akala ko positive."
Binura niya 'yung sagot niya at nagsagot ulit.
Habang nagsasagot ako ay biglang may umuuga ng upuan ko. Banda sa likod ko, hinahawakan niya ang upuan kaya umaalog ito.
"Oy, pakopya kami." sabi nung kaklase kong lalaki.
Dalawa silang nakaupo sa likod namin ni Sean. Ang ayos kasi ng mga chair sa classroom namin ay ganito.
Tatlong pair ng upuan sa magkabilang side at apat na pair ng upuan naman sa gitnang side ng classroom. Gets niyo ba?
Ganito.
Exit door
(Pair 10)
(Pair 7) (Pair 8) (Pair 9)
(Pair 4) (Pair 5) (Pair 6)
(Pair 1) (Pair 2) (Pair 3)
Teacher's Desk
Entrance door
Ganyan ang ayos ng mga upuan namin. May isang lamesa sa bawat pair. Nakaupo ako sa Pair 5 ganun narin si Sean dahil katabi ko nga ito.
Inexplain ko lang ang ayos ng upuan namin, hindi kopa sinama ang mga gamit sa room namin.
Nakaupo si Damien sa Pair 7 at si Azril ay nasa Pair 10. Bale 20 kaming lahat dito sa room, konti lang kami 'e. 10 na lalaki at 10 rin na babae, kasama na ako. Naexplain ko na 'yung ayos ng upuan namin.
Yung nasa Pair 8 ang umuuga ng upuan ko. Pakopya raw? Bakit hindi sila magsagot ng sarili nila. Ako pa kokopyahan nila, dami-dami niyang kaibigan. Alipores yata 'to ni Az 'e. Kumopya kayo sa Master niyo.
Sinamaan ko lang ng tingin ang mga nasa likuran ko.
"Pakopya sabi 'e, ayaw mo?" nagagalit na sabi nung isa.
"Sagutan mo 'yan, hindi ba kayo nakikinig?" sagot ko naman.
"Aba, ano naman ngayon kung hindi kami nakikinig?" sabat naman nung katabi niya.
"Edi 'wag kayong gumawa kung 'di naman pala kayo nakikinig. Kokopya pa kayo." sabi ko naman sa mga 'to.
Nakakainis kaya. Kopya-kopya pa, 'wag silang umasa sa iba. Senior student na nangongopya parin, tapos talaga sila sa college dahil puro individual work na ang mga gagawin 'don.
"Dami mo talagang sinasabi 'e. Akina nga 'yan." sabi naman ng isa.
Kinuha niya ang notebook ko at inilagay sa desk niya.
"Ano ba, ibigay mo nga sa'ken 'yan." mahinang bulong ko.
Ayokong marinig ang pag-iingay namin dito sa room, tahimik ang buong klase dahil nagsasagot kami. Ang teacher namin ay nasa desk lang niya. May ginagawa kaya hindi niya kami napapansin.
Kinopya naman ng dalawang lalaki ang mga sagot sa notebook ko. Patapos na ako 'e. Nakakainis talaga.
Tuwang-tuwa naman ang dalawang lalaki sa likuran ko at pagkatapos nilang kopyahin ito ay biglang iniabot naman nila sa likod.
"Master oh." sabi nung isa at inabot niya ito kay Az.
What? kokopya rin siya? hindi ba nila alam 'yon, ang dali-dali lang kaya 'non sagutan. Yan ang nangyayari sa mga hindi nakikinig. Lutang ang mga isip habang nakikinig. Nako talaga! Hindi ako matatapos talaga sa pagsasagot sa pangongopya ng mga 'to 'e.
Kinuha naman ito ni Az at kinopya narin. Sinamaan ko lang sila ng tingin, tumingin ang isang lalaki sa akin na nasa likod ko. Tinarayan ko lang ito.
Huminga ako ng malalim. Chill.
Pinalagpas ko na ang ginawa niyo sa akin kahapon ah, nilagyan niyo ako ng papel sa likod ko at nakakahiya pa ang nakasulat 'don. Nakakainis talaga sila. Hindi nalang patahimikin ang mapayapang pag-aaral ko.
Tumingin ako sa katabi ko, dapat itong si Sean nalang ang nagpakopya 'e. Mga kaibigan niya 'to.
"Hoy, bakit hindi nalang ikaw ang nagpakopya sa mga kaibigan mo." bulong ko sa kaniya.
Busy'ng busy siya sa pagsasagot.
"Ayoko nga, lagi 'yang nangongopya sa'ken, kapag hindi pa ako tapos 'di muna 'yan kumokopya. Nagsasagot pa'ko dito 'e." sabi nito habang nagsasagot. Focus siya sa ginagawa niya.
"Patingin nga ng gawa mo." sabi ko naman dito.
Chineck ko ang gawa niya at tama naman lahat. Meron pa siyang hindi nasasagutan.
Pagkatapos kumopya ng mga kaklase kong kopyatyero ay biglang inihagis sa desk ko ang notebook ko. Ang kakapal talaga.
Tiningnan ko sila ng masama at kinunutan ng noo. Ano bang mga trip netong mga 'to. Nangongopya na nga 'e.
"Tindi niyo ah, kumopya na nga kayo, hindi ba kayo marunong magpasalamat? galit kong sabi sa mga ito.
"Edi thanks." sabi nung nanghagis ng notebook ko. Ang plastik ng pagkakasabi niya. Sarcastic.
Abnormal talaga 'tong mga 'to. Nasstress ako.
Pagkatapos naming magsagot ay ipinasa na namin ito sa aming teacher. Next subject na ulit. Pumasok ang isa naming guro ulit at nagdiscuss ulit ito, pinagawa naman kami ng 500 words essay. Ang daming nagreklamo at nagagalit. Ang dami-dami raw.
Ako naman ay sinimulan ko agad, para matapos agad 'no, kesa magreklamo. Ganun talaga sa strand na kinuha nila, more on essay talaga 'to. about communication talaga.
Curious ako, ano kayang kukunin nitong mga 'to 'pag naging college na sila. Kung hindi educ, ano kaya?
"Uy, Sean. Anong magiging course mo 'pag nakagraduate kana rito sa senior?" tanong ko dito sa katabi ko. Curious lang.
"Ahh, ako? criminology! hehe." confidence sa sabi nito.
Proud siya na iyon ang kukunin niya.
"Ganun ba, okay din. Kaya galingan mo para matupad mo 'yon." sagot ko naman.
Ngumiti siya.
"Oo naman 'no! malakas kaya 'to!" sigaw niya habang nakataas ang kanyang braso. Pinapakita 'yung muscle.
"Ikaw ba, anong kukunin mong course?" tanong niya sa akin.
"Education hehe." sagot ko naman.
"Wow, may future teacher pala tayo dito 'e." natatawa niyang sabi.
"Goodmorning Ma'am Aiah." biro pa nito.
Natatawa nalang ako sa kaniya.
Natapos na ang second period namin at ang sunod na subject ay ang adviser namin. Si Ma'am Julia.
"Goodmorning class." bati nito sa amin pagkapasok niya.
"Goodmorning Ma'am." bati naming lahat pabalik.
Inilapag niya ang mga gamit niya sa desk at tumingin sa aming lahat.
"We have a problem, class. Our funds intended for purchasing necessary supplies for this room are missing." seryosong sabi ni Ma'am sa amin.
What? nawawala 'yung fund ng room namin, bakit naman?
"Stand up, Ms. Kianna Lee." sabi ni Ma'am.
Tumayo ang sinasabi niyang Kianna at nagtinginan kami sa kaniya.
"Nawawala ng president ninyo ang pang-gastos ng mga kailangan natin sa room niyo. Malaking halaga 'yun at hindi pwedeng mawala nalang 'yon kailangan natin 'yon para dito." mahabang sabi sabi sa amin ni Ma'am.
Nakayuko lang ang president daw namin at hiyang-hiya ito. Kinakabahan siya. Kaya naman pala parang may hinahanap siya sa bag niya. Yun pala 'yon, nawawala pala ang fund ng room namin. Bakit naman kasi nawala, may kumuha ba? nahulog niya ba ito?
Ang daming nagbulungan na mga kaklase ko. May nagagalit at nagulat.
"Kaya tinatanong ko bawat isa sa inyo kung may nakita ba kayong pera na may malaking halaga. May nakapulot ba isa sa inyo rito. Kung meron man ay ibalik inyo ito." seryosong sabi ni Ma'am sa amin.
"Ano ba'yan, hindi naman niya iniingatan ang pera."
"Burara talaga."
"Naging president pa."
"Oo nga, careless."
Bulungan ng mga kaklase kong babae. Bulong paba 'yon? rinig na rinig ko na 'e.
Nakayuko lang si Kianna. Kawawa naman siya, nawala na nga 'e. Magkano kaya ang halaga ng pera na'yon? sayang naman kung hindi na mabawi pa 'yun.
"Para malaman niyo ay ang pera na iyon ay nagkakahalagang 10k, nakalagay ito sa puting sobre. Nalaglag o naiwan yata ni Kianna sa room natin. Or else may kumuha nito. Anyone sinong nakakita sa inyo?" sabi ng Ma'am
At nanlaki ang aking mga mata sa aking narinig. Totoo ba ang narinig ko? 10k? puting sobre!
NO! HINDI!
Wag niyong sabihing, 'yung binigay ni Az na pampagawa ng cp ko ay 'yung fund ng room namin? bakit niya binigay sa'ken 'to kung ganon? napulot niya at binigay sa'ken?
Sinasabi ko na nga ba at pinaglololoko ako ng mga 'to. Anong gagawin ko? kinakabahan ako.
Ibibigay ko nalang ba at sasabihing binigay sa akin ni Az? nakakahiya, hawak ko ang pera, so ako ang pagbibintangan nilang nagnakaw nito or nakapulot?
Paano na!
Tiningnan ko si Sean, nanlalaki ang aking mga mata sa kaniya. Siya ang nag-abot nito sa akin. Tumingin din siya sa akin at umiiling lang siya na parang hindi niya raw alam. Siguradong hindi nga niya alam 'to dahil pinabibigay lang naman ito ni Az sa kaniya.
Nakakagigil na demonyong Azril 'to! Bwiset!
Walang sumasagot isa sa amin. Nagtitinginan lang sila at mga walang alam ang mga mukha. Hindi talaga sila ang kumuha dahil nasa akin ang pera!
Masama na'ko sa lagay kong 'to. Isa-isa kaming tiningnan ni Ma'am.
"Did no one see it among of you? If you don't want to answer, I will personally check each of your belongings." sabi naman ni Ma'am.
Patay na! iisa-isahin ni Ma'am ang mga gamit namin para makita ang perang hinahanap nila.
Kinakabahan na ako, hindi na ako mapakali sa kinauupuan ko. Tatayo ba ako at sasabihing nasa akin po ang sobre na may lamang malaking halaga. Ibinigay po sa kin ito ni Sean dahil pinamimigay daw ni Azril? ganun ba?
Help meee, gusto ko nang lamunin ng lupa or semento ng room namin.
Sobrang kinakabahan at namamawis na ako. Sasabihin ko nalang ang totoo. Bahala na talaga.
Inuna ni Ma'am tingnan ang nasa unang pair ng upuan namin at tumulong narin si Kianna sa pagtingin ng mga bag namin. Wala pa akong lakas ng loob na magsabi, kinakabahan talaga ako, naiiyak na'ko.
Tiningnan ko ang mga lalaking nasa likuran ko. Nakangisi lamang ang mga ito. Parang tuwang-tuwa sila. Alam nila na nasa akin ang pera. Tiningnan ko rin si Azril. Walang pakeng nakatingin sa harapan at biglang lumipat ang mga mata niya sa akin.
Ikaw may kagagawan nito! Kasalanan mo 'to Azril!
Sinamaan ko siya ng sobrang samang tingin. Lagot ka talaga sa'ken. Nag-smirk lamang siya sa akin. Nakaupo siyang parang sigang upo. Nakapatong pa ang isang binti niya sa hita niya.
Nasa pair 4 na si Ma'am sa pagcheck ng mga bag nila at bigla akong tumayo.
Lalakasan ko na ang loob ko! Bahala na talaga si batman! basta wala akong kasalanan at malinis ang mga ginagawa ko. Wala akong ginagawang masama at hindi ko ito ninakaw, kaya 'wag akong kabahan, kaya mo 'yan Maraiah!
"Ma'am, nasa akin po ang pera." nakataas ang aking kanang kamay.
Nagulat ang aking mga kaklase sa aking sinabi.
"OMG."
"Whut??"
"I told yaa, transfer lang siya kaya hindi pa natin siya nakikilala."
"Magnanakaw pala."
Naririnig kong sabi 'yan ng mga kaklase kong babae.
"Hindi ko po ito kinuha, ibinigay po sa akin ni Sean dahil pinabibigay daw po sa kaniya ni Azril Easton po. Kaya wala po akong alam dito." mahabang paliwanang ko.
Kinakabahan ako, nanginginig ako!
Nanlalaki ang mga mata namang tiningnan kami ni Ma'am Julia. Dalawa kami ni Az. Nagulat ito sa sinabi ko.
"Mr. Easton and Ms. Jivenez, go to the office now!" galit nitong sabi sa aming dalawa.
Nagbulungan naman ng malakas ang aking mga kaklase. Tiningnan ako ni Sean na nag-aalalang tingin at nagsalita ito ng sorry.
"It's not my f'ckin' fault! That woman is to blame." sigaw naman ni Azril.
Wow ha? ako pa ang may kasalanan. Gag' ba siya.
To be continued...
____________________________________
Author's Note:
Grabe ang intense 'non haha. Again, pasensya na ulit sa mga grammar and mga maling words or typo kopo. Tao lang me nagkakamali hehe. Enjoy reading guys.
Vote, comment and share.