Aiah's POV
Nandito na ako sa room namin. Pagkatapos agad naming kumain ni Damien ay dumiretso na kami dito. Buti nalang at wala pa ang aming next subject.
Napadami kami ng kuwento sa canteen kanina. Nalaman ko na rin tuloy pati buhay ni Azril. Apo pala ng may-ari ng school na'to, ang yaman-yaman ayaw pa mamigay ng pera pampagawa ng cp ko na binasag niya. Madamot lang?
Kinuha ko ang aking libro at binasa ito. Mag-advance reading nalang ako habang wala pa ang aming prof. 1pm na kaya 3 subjects nalang at makakauwi na ako. Mapapagawa ko narin ang aking cp.
Habang nagbabasa ay biglang may lumapit sa akin.
"Aiah, pinabibigay daw ni Master." sabi sa'ken ni Sean, kakarating lang niya galing labas. Umupo na siya sa upuan niya sa tabi ko.
Taka ko namang tiningnan ang inabot niya sa'ken. Sobre? ano naman 'yan?
Kunot-noo ko siyang tiningnan.
"Ano naman 'yan?" tanong ko sa kaniya.
Baka kung ano na naman 'yan at pagtripan na naman nila ako. Sinasabi ko talaga sa kanila. Nananahimik ako dito nagbabasa.
"Bigay daw ni Master, pampaayos ng cellphone mo." nakangiti niyang sabi sa'ken.
Ay wow ha? totoo ba'to?
Kanina pa'ko singil nang singil sa kaniya 'tas ayaw mamigay pa. Mag-aabot din pala ng pera pampagawa.
Ayos din ha, mabuti naman hehe.
"Kunin mo na, bait talaga ni Master 'no HAHAHA." pagmamayabang niya sa'ken.
Talaga ba? dapat lang niya ako bigyan neto.
"Sure 'to? baka pinaglololoko niyo na naman ako ah." naniniguro kong tanong.
"Oo naman. Buksan mo pa 'e." sabi naman niya.
Inbot ko ang puting sobre at tiningnan ang laman. Oo nga, pera nga, buti naman hehe. Salamat may pampagawa na'ko ng cp ko.
"Oo nga 'no, salamat kamo." sabi ko sa kaniya.
"Sige, sabihin ko mamaya." sagot naman niya sa'ken.
"Bakit biglang nagbago yata ang utak niya. Kanina ayaw niyang magbigay lagi akong tinatakasan. Tas ngayon magbibigay din pala." tanong ko rito.
"Baka naawa sa'yo, mabait din naman 'yan si Master. Masungit lang minsan hehe." sagot naman niya habang nakangiti.
"Parang kuya na namin 'yan 'e" dagdag pa niya.
Ay ganon? okay, may tinatagong bait din pala 'yung kumag na'yon. Da't pala pinakita na niya sa una palang, hindi 'yung bubullyhan at pagtitripan pa ako.
Mga nasa 10k 'yung laman ng sobre na binigay niya. Alam ko mura lang ang pagpapagawa neto. 2k yata, bakit ganto naman kalaking halaga ang ibibigay sa'ken? Baka gusto niya bumili nalang ako ng bagong cellphone? No. gusto kong cp ay ito lang. Bibigay ko nalang siguro sa kaniya 'yung ibang pera 'pag napa-ayos ko na'to.
Mahalaga kasi 'tong cp na'to kaya hindi ko papalitan ng iba. Yung bigay sa'ken ni lola. Hindi ko ito papalitan hangga't kaya pa namang ayusin 'no. Marami kaming memories dito kasama ang buo kong pamilya.
Wala naman 'tong memory card para ilipat nalang sana sa bagong cp ang mga memories na pictures namin. Sa phone storage 'to nakasave. Ayoko rin namang ipasa nalang 'tong mga pic sa bagong phone. Basta valuable sa'ken talaga itong cp na'to. Forever kong iingatan hehe.
Nag-start na ang klase at dumating narin si Azril. Mas nauuna pang dumating 'yung mga prof. namin bago siya. Ano siya ba 'yung prof. namin? Iba 'din 'e.
Pagkapasok niya tumingin siya sa'ken at nginitian ko lang siya. Nagmouth ako sa kaniya ng 'thank you'. yung walang boses, bibig lang gumalaw. Alam niyo naman siguro 'yon.
Tas kumunot lang noo niya sa'ken at napa 'tss' lang siya. Nagpapasalamat lang 'e. Nagagalit pa, ayaw siguro niya mamigay, baka mabawasan daw yata pera niya. Damot naman. Yaman-yaman kaya niya. May-ari ng school wow!
Gusto ko rin tuloy magkaroon ng sariling school kapag naging teacher at principal na ako hehe. Magtuturo sa mga estudyante ko.
Nagdiscuss na ang aming mga prof. at may mga pinasagot sa amin. Matagal pa naman daw deadline at defense namin sa research kaya hindi na muna namin gagawin. Nag-iisip muna kami ng magiging title ng research namin.
After ng klase namin ay didiretso na ako sa pagawaan ng cp. Kawawa na'to namimiss ko naring gamitin huhu.
Inayos ko na ang aking mga gamit at tumayo na ako, bago pa man ako makalabas ng pintuan ng room namin ay biglang may humawak sa likod ko, banda sa may bag ko. At inakbayan ako nito.
Sino naman 'yon?
Kaklase kong lalaki. Pangiti-ngiti ito at bigla nagsabi ng ingat. Bigla rin siyang umalis agad. Sumama sa mga alipores ni Azril. Ano 'yun? ang weird naman. Bata rin pala siya ni Az. At bakit humawak pa sa bag ko at umakbay sa'ken? close ba kami para sabihan ako ng ingat?
Okay lang din naman, thank you nalang, mag-iingat naman ako. Tsaka masaya ako dahil may pampagawa na ako ng cp ko hehe. Thank you sa Master nila.
Pumunta muna ako sa locker ko para ilagay ang mga libro ko dito at ibang gamit. Para hindi na ako masyadong mabigatan. Kinuha ko narin ang uniform kong nadumihan kanina. Lalabhan ko nalang sa bahay.
Habang naglalakad ako sa hallway ay parang pinagtitinginan ako ng mga estudyanteng nakakasalubong ko. Kapag nalalapagpasan ko sila bigla silang titingin sa'ken. Anong meron? bakit nila ako pinagtitinginan. May problema ba sila sa'ken? or baka yung nangyari kanina?
Hinayaan ko nalang sila. Dire-diretso na ako sa paglalakad at mas lalong dumarami ang tumitingin sa akin. Hanggang sa makalabas ako ng gate. Tawa sila nang tawa. May tinitingnan sila sa likod ko at tumatawa sila habang nagbubulungan. Tiningnan ko naman 'yung likod ko wala naman, ano naman meron?
Trip yata ako ng mga 'to 'e. Bahala nga kayo jan.
Nakalabas na ako ng school at marami paring nagtatawanan sa akin. Hanggang sa may lumapit sa'ken, sinabayan ako sa paglalakad.
Si Damien.
May parang kinuha siya sa likod ko. Ano 'yun?
"This paper stuck on your back." sabi niya habang naglalakad kami.
Huminto naman ako sa paglakad at tiningnan iyon. Papel? bakit may papel sa likod ko?
Sino naglagay, at hindi lang 'yon, may nakasulat pa doon.
"Ano 'yan?" tanong ko sa kaniya. Nakakunot ang aking noo at kukunin ko sa kaniya ang papel pero nilukot niya lamang ito.
Taka ko siyang tiningnan. Anong problema nito bakit ayaw ipakita sa'ken?
"Nothing." sabi lang niya sa'ken at itinabi niya sa kabilang side ng kamay niya.
"Patingin ako ng papel at kung anong nakasulat jan." sabi ko naman sa kaniya.
Pinipilit kong kuhain ang papel na nilukot niya. Ano kayang nakasulat 'don?
Nakadikit daw sa likod ko? at sino naman ang naglagay non?
Alam kona! yung alipores ni Az! kaya pala hinawakan niya ang likod ko kanina at umakbay sa akin. Nakakainis! trip na naman ako.
Pinilit kong kunin sa kamay ni Damien ang papel at wala siyang nagawa binigay niya rin sa akin.
Tiningnan ko ang papel at ang nakalagay dito ay "I'm ugly like your asses." Napatakip ako ng bibig at nanlalaki ang aking mga bata sa nakasulat sa papel.
Kaya pala ganon nalang ang pagtawa ng mga nakakasalubong kong estudyante habang naglalakad ako. May nakasulat pala sa likod ko.
Pangit ako katulad ng mga pwet niyo? Nakakainis, nakakahiyaaa waaaaa. Ayoko naaaa. Baka sabihin nila baliw ako. Ang kapal talaga nila para lagyan ako nito. Sino naman kaya ang may pakana nito? ayaw parin talaga nila tumigil ha.
Hinayaan ko nalang ito at tinapon sa basurahan.
"Nakakainis sila! wala talagang magawa sa buhay." sigaw ko.
Tumingin lang sa akin si Damien.
"Pasensya kana sa kanila." sagot naman niya.
"Hayaan ko na nga sila, buti nalang at nakita mo, salamat ha." sabi ko naman dito.
Siya talaga ang hero ko. Ngumiti lang siya sa akin.
Naghiwalay na kami ng lakad dahil may sasakyan pala siya. Yayamanin din. Sanaol, gusto ko rin magkakotse katulad sa mga nakikita kong nag-aaral dito. Ako lang yata wala, hindi yata ako nababagay sa school na'to.
Joke lang, porket wala lang kotse? oa 'ko naman.
Dumiretso na ako sa pagawaan ng cellphone. Nagtanong-tanong ako sa mga tindahan kung saan banda dahil hindi ko naman masyadong alam ang lugar dito. Baguhan lang ako dito.
Iniabot ko ang cellphone sa lalaking gumagawa ng cp at tiningnan niya ang sira nito. Depende raw ang sira sa bayad ng cp ko. 1,500 lang daw ang bayad sa pagpapagawa. Bukas ko nalang daw kunin kapag okay na, bukas ko nalang din daw babayaran.
Iniwan ko na sa kaniya ang cellphone ko at sumakay na ako ng jeep para umuwi.
Nakarating na ako sa bahay at nakauwi na pala si tita.
"Anjan kana pala ang pamangkin kong maganda." salubong na ngiti sa akin ni tita.
Napangiti rin ako.
"Kakauwi niyo lang po ba tita?" tanong ko.
"Oo, kakauwi ko lang din, ang daming customer kanina sa shop ko, daming bumibili. Ang gaganda daw ng mga damit hehe." mahabang kuwento niya.
"Syempre naman po, business niyo 'yan. Maganda talaga 'yan." sagot ko naman.
"Alam mo ba kanina may bumili sa shop ko. Pinakyaw ang mga damit at sapatos. Kaya mamimili ako ulit ng mga damit." masaya niyang sabi sa akin.
Umupo ako sa sofa, ibinaba ko ang aking mga gamit at tinabihan si tita.
"Talaga po? ang yaman naman non." mangha kong sabi dito.
"Oo nga 'e, mag-asawa sila, matatanda na. Ipamimigay daw sa apo nilang lalaki. Regalo daw nila ito sa kaniya." sabi naman ni tita.
"Ganun po ba. Sana magustuhan ng apo nila 'yon. Congrats tita nagustuhan nila ang mga product mo hehe." nakangiti kong sambit sa kaniya.
"Sisiguraduhin kong magiging maganda at maayos ang aking mga ibebenta sa kanila." sabi naman niya.
"O siya, kumain kana dyan, may binili akong pagkain na masarap para hindi na tayo mapagod sa pagluto." sambit ni tita at tumayo na ito para asikasuhin.
"Sige po tita." sagot ko naman.
Tumayo narin ako at sinundan siya sa kitchen.
"Siya nga pala Ais, nagmessage sa akin ang mama mo, bakit hindi ka daw nag-oonline at hindi ka daw nila ma-contact, kinakamusta ka nila sa akin. Akala ko naman ay nakakausap mo sila. Ang sabi ko ay okay ka naman." mahabang kuwento sa akin ni tita.
Hala! patay na, hindi ko pa nasasabi sa kaniya na nasira ang cp ko, nabasag ito at pinapagawa palang ngayon. Anong ieexplain ko?
Magpalusot ka nalang Aiah.
"Sinabi ko nalang sa kanila na baka busy ka at maraming hinahabol na lesson dahil kakatransfer mo palang kahapon." dagdag pa ni tita habang inilalabas na niya ang mga ulam namin.
"A-ahhm tita, ano kase, 'yung cp ko nabagsak ko hehe, nabasag at pinagawa ko na ngayon doon sa pagawaan ng cp. Bukas ko nalang daw kukunin." palusot ko. Yan na naman tayo 'e. Lagi nalang ako nagpapalusot kahapon pa.
Kung sabihin ko kaya 'yung totoo? 'e baka magpunta si tita don at magalit siya. Sigawan niya pa si Az at ipalipat na naman ako ng school. Ayoko namang maging dagdag problema 'no. Busy na nga siya sa shop niya 'e. Bahala na nga.
Kumunot naman ang noo ni tita. Napahinto siya sa kaniyang ginagawa.
"Bakit hindi mo sa akin sinabi, ngayon lang ba nasira 'yan?" tanong niya.
"Kahapon pa po." sagot ko naman.
Napapayuko na ako, nag-iisip ako ng mga idadahilan ko. Tulungan niyo 'ko.
"Sana sinabi mo kaagad sa akin Aiah, para naipagawa natin kaagad. O kaya binilihan nalang kita ng bago. Kailangan mo 'yan sa pag-aaral mo." nag-aalalang tanong sa akin ni tita.
"Ano po kasi aahm." 'di ko alam sasabihin ko.
"Ayoko naman po kasing maging dagdag problema pa po sainyo tita, maliit na bagay lang naman po. Wag po kayong mag-alala, ipina-ayos ko napo ito." explain ko sa kaniya.
"Hindi naman sa problema ka Aiah, 'wag mong sabihin 'yan, kaya nga kita kinuha para pag-aralin ka diba. Lahat ng mga kailangan mo sa pag-aaral mo sabihin mo sa akin at ibibigay ko 'yun sa'yo. Wag kang mahihiya sa akin." mahabang sabi sa akin ni tita.
Seryoso na 'yan si tita dahil Aiah na ang tawag sa akin. Dapat ay Ais.
Ang bait talaga ni tita, parehas sila ni mama.
"Sige po tita bel, pasensya na po." sabi ko habang nakayuko. Nahihiya na ako.
"Paano naman nasira ang cp mo. Bakit mo nahulog?" tanong niya.
Mag-isip ka Aiah ng idadahilan mo!
'Sinira po ng demonyong kaklase ko, inapakan niya po. Binubully pa nga po nila ako 'e. Ang sama sama po nila. Pero mabait naman din po pala dahil nagbigay ng pambayad pero kapalit ng kagandahang loob niya ay pantitrip tulad nalang ng paglagay sa likod ko kanina. Nakakahiya!'
Gustong sabihin 'yan ng utak ko! pero hindi ko magawa.
"Nahulog po sa bulsa ko tita, hindi ko po na shoot ng maayos hehe." pagpapalusot ko.
"Ganun ba, sige mag-ingat nalang ulit sa susunod ha, kahapon pa may nangyayari sa'yo." sagot naman niya.
Tumpak! kahapon pako minamalas sa mga kaklase ko na'yon. Kanina rin kay Azril. Trip talaga ako.
"Sige po, mag-iingat napo." nakangiti kong sabi.
Kahit anong pag-iingat ko naman kung guguluhin lang din ako ng mga 'yon, wala rin e. Bahala na.
"Mamaya ay kakausapin ka ng pamilya mo ha, kakamustahin ka." sabi ni tita.
Nagsasandok na siya ng kanin.
Miss ko na sila mama at papa lalo na ang makulit na kapatid ko na si Raihmar. 13 years old pala 'yon. Close na close kami ng kapatid ko na'yon.
"Okay po tita hehe, akina po tulungan na kita."
Tinulungan ko siya at sinimulan na naming kumain.
After ko kumain ay nag-asikaso na ako sa sarili ko. Pinahiram sa akin ni tita ang cp niya. Wow iPhone sanaol talaga. Yaman ni tita hehe, dapat pala nagpabili nalang din ako para may iPhone rin. kahit iPhone 12 lang. Chos HAHAHAHAHA.
Kapal ko naman.
Binuksan ko na ang phone at hinanap ang pangalan ni mama, ivivideo call ko nalang.
Huhu, dami nilang messages, 2 days ko nang hindi na-oopen ang phone ko. Ang dami naring nagmessage na mga kaklase ko.
Mama:
Anak, kamusta kana. Okay naman ang unang school mo jan?
Kami ay mabuti naman dito.
Miss ka namin agad anak. Ingat ka jan ha, pakabait ka kay tita mo.
Anak, musta
Busy kaba nak.
Isa-isa kong binabasa ang mga message ni mama. Huhu dami na niyang message. Sorry po hindi ko kayo narereplyan. Okay na okay po ako dito.
Tinawagan ko sila at nagriring ito.
Sinagot na. Lumabas na siya sa phone.
"Hello Ma!." kumakaway ako sa kaniya.
Nakatingin si mama sa camera. Medyo 'di pa masyado maalam si mama sa gadget, tinuruan ko lang 'yan haha.
"Oh anak, buti at napatawag ka." nakangit niyang sabi.
"Sorry ah, hindi ako nakapag-update sa inyo. Pasensya na Ma. Nasira kasi 'tong cp ko." pagpapaliwanag ko.
"Ganon ba anak, kaya pala. Ayos lang 'yan, at least at napatawag ka at maayos ang lagay mo." sagot ni mama.
"Mama si ate po ba'yan??" sigaw ni Raihmar sa kabilang linya.
"Oo, halika dito dali." sabi naman ni mama sa kaniya.
"Hello ateeee! maganda ba jan ate? maganda ba ang school jan! gusto ko rin jan ateee." sunod-sunod na tanong ng kapatid ko.
"Ano kaba anak, nag-aaral kana nga dito, mag-aaral kapa sa ibang school." sabi naman ni mama.
"Mas maganda po don mama 'e."
"Oo naman raih, maganda dito. Next time dalawa na tayo ang mag-aaral dito." sabi ko sa kapatid ko.
Tuwang-tuwa naman ito.
"Kamusta ka jan ate. Alam mo ba ate, andaming lumalapit sa akin kanina na mga babae, binibigyan ako ng mga sulat nila at pagkain." kuwento ng kapatid ko.
Nagtawanan naman kami ni mama, grabe talaga iba talaga 'tong kapatid ko. Nagmana kay papa 'e haha.
"Oh, tinanggap mo naman ba?" tanong ko.
"Oo naman ate, kawawa naman sila masasaktan kapag hindi." sagot naman niya.
Bait talaga netong kapatid ko.
"Nako Raihmar, kabata-bata mo pa ha. Baka magshota-shota kana dyan." sabi naman ni mama sa kapatid ko.
"Oo nga Raihmar, naku talaga. Mag-aral ka muna." sabi ko rin sa kapatid ko.
"Oo naman po 'no, hindi po muna 'yan. Magtatapos pa ako promise kopo sainyo diba na tutulungan kopo kayo para maka-ahon po tayo sa hirap." mahabang paliwanang ng kapatid ko.
Bait talaga, sarap kurutin sa pisngi.
"Nagsalita ang baby boy namin." sabi ni mama at pinisil ang ilong nito.
"Mama hindi napo ako babyyy."
Natatawa nalang kami ni mama.
"Ma, asan po si papa?" tanong ko. Asan kaya si papa?
"Hindi pa nakakauwi si papa mo, anak. Nasa trabaho pa." sagot naman ni mama.
Nag-ot yata si papa. Ang trabaho pala ni papa ay tagaluto at gawa ng tinapay. Malaking company ng pagawaan ng mga tinapay. Baker siya, masarap kasi magluto si papa hehe. Kahit na mga ulam masarap din. Parang chef 'to si papa.
"Ganon ba ma, ikamusta niyo nalang din ako kay papa." sabi ko kay mama.
"Sige anak, ikaw jan anak kamusta ang unang pasok?" tanong ni mama.
"Okay naman ma, marami agad pinapagawa sa amin. Binigyan ako ng lectures ng mga prof. ko." sagot ko naman.
"Mabuti kung ganon. Mag-iingat kalang palagi ha. Yung cp mo ipagawa mo nalang 'yan, bibigyan kana lang namin ulit ng pera ng papa mo." sabi ni mama.
"Naku ma, 'wag na. Sainyo na 'yan, pang-gastos niyo jan at pambayad ng upa sa bahay natin jan ma. At pampaaral kay Raihmar. Kulang pa nga 'yan 'e, bibigay mopa sa akin." sabi ko naman kay mama. Si mama talaga lagi nalang ako ang inaalala.
"Sigurado ka anak ha." nag-aalala nitong tanong.
"Oo naman mama. Ano kaba."
Nag-usap lang kami ng kung ano-ano.
Natapos na ang pag-uusap namin. Saglit lang naman, kinamusta lang ako.
May notification ako sa sss. Tiningnan ko ito at may friend request.
Si Sean Montefalco.
Bakit inadd ako ng mokong na'to. Nakita agad name ko sa sss ha. Aiah Jivenez ang name ko sa sss 'e. Inaccept ko nalang siya. Tiningan ko lang saglit ang sss ko. Sosoli ko na 'to kay tita.
Biglang may nagchat sa'ken.
Sean:
Hi miss beautiful.
Anong beautiful ka jan, mang-aasar na naman 'to. Sineen ko nalang, marami pa akong aasikasuhin 'no.
Binalik ko na kay tita ang cp niya. Maglalaba pa ako ng uniform ko. Maaga ulit bukas ang pasok, sana hindi na malate. Binigyan pala ako ni tita ng maliit na alarm clock para magising ako.
Sana normal days nalang bukas, hindi na nila ako bullyhin, gusto ko nang tahimik na buhay.
Pero infairnes ha, mabait rin pala 'tong Azril na'to. May tinatagong bait rin pala. Tingnan ko nga bukas ang history nila about sa school. Pag na-ayos ko na ang cp ko. Gusto kong malaman about sa buhay nila.
We? buhay ba nila or buhay niya?
To be continued...
____________________________
Author's Note:
Hello sa mga konting reader ko jan, salamat sainyo ha. Binabasa niyo 'tong unang story ko. Pasensya na kung hindi pa masyadong marunong, first time lang gumawa haha. Hello rin sa mga magbabasa palang. Suportahan niyo po akoooo.
Sa mga readers ko jan, kung napapansin niyo na bago na 'yung cover at title. Binago ko na'yan, kasi masyadong mahaba 'yung title haha. Kaya pinag-isipan ko kung anong ilalagay kong title. Pasensya na hehe. Pati sa cover, binago korin. Yun lang enjoy reading guys. labyaaa.