Aiah's POV
Napahawak ako sa leeg ko sa higpit ba naman ng paghawak niya sa blouse ko. Ginawa akong lalaki huhu.
Ginising ko lang naman siya para singilin sa pagpapagawa ng cp ko, nasakal pa nga. Wrong timing ka kasi 'e.
Lumapit sa'ken si Sean. Hinawakan niya ako sa braso.
"Okay kalang Aiah?" nag-aalala niyang tanong.
Tanong mo sa Master mo. Papatayin pa yata ako.
Tumango nalang ako na okay lang ako.
"What do you want?!" sigaw sa akin ng lalaking baliw. Azril yata pangalan niya.
Nakakunot ang kaniyang noo habang nakatingin sa akin.
Nagbubulong-bulungan na ang mga kaklase namin habang pinagtitinginan kami.
Break time na hindi pa magsipag-alis. Ano chismis lang?
Pinakita ko sa kaniya ang hawak kong cp. Ayan tingnan mo basag dahil sa kagagawan mo.
"Bigyan mo'ko ng pera pampaayos ng cellphone ko." sambit ko sa kaniya.
Tiningnan niya lamang ito at tinabig ang aking kamay. Sobrang lakas ng pagtabig niya dito kaya nahulog ulit.
Halaaa, madadagdagan na naman ang basag nito. Nakakabanas kana talaga!
"Why should I give you money?, I don't care." sagot niya sa akin.
Aba lintek ba siya?
Pinulot ko ang cp ko at chineck, andami nang damage nito. Need na talagang ipaayos. Pera ko nalang sana kaso sayang din, kaya sa kaniya nalang ako hihingi. Tutal siya naman nagsira nito.
Siya nagsira alangan at ipapagawa niya 'to. Wala na'kong ibang cellphone at mahalaga ito sa akin.
Naglakad na siya at binangga pa ako.
Punong-puno na ako sayong lalaki ka. Konti nalang.
"Mahalaga sa akin itong bagay na'to kaya bigyan mo ako ng pera pambayad nito, ikaw nagsira nito kaya ikaw ang dapat na magbayad ng pampaayos nito! hindi kaba nakakaintindi! Kung hindi ka ba naman abnormal, hindi 'to mababasag sa pag-apak mo!" galit kong sigaw sa kaniya.
Ang lakas ng bulungan ng mga kaklase namin. Hindi kona inintindi pa 'yon.
Napahinto siya sa paglakad at dahan-dahang binalik sa akin ang tingin.
"Anong sabi mo? abnormal?" tanong niya sa akin.
"Oo, abnormal. Kung normal ka naman hindi ka maninira ng gamit at pagtitripan ako." sagot ko sa kaniya.
"Wala akong pake sa mga gamit mo." sabi naman niya.
"Ano Master, ginaganon kalang, resbakan naba namin?" sabi nung lalaki habang pinapatunig niya ang kaniyang mga daliri.
"Tapang mo miss ah, palag kana?" sabi naman nung isa.
"Babae kalang miss, baka balibagin kalang ni Master." sabat naman nung isa.
"HAHAHAHAHAHA resbakan mo na Walter" natatawang sabi ng isa pa.
"Wait natin si Master." sabi ng lalaki pa.
"Wala akong pakialam sainyong mga alipores kayo ng lalaki na'yan" sabi ko naman sa kanila habang masama ang tingin ko.
"Woah, woah." sagot naman ng isa.
Mga siraulo na yata 'tong mga 'to. Subukan lang nila akong galawin.
Naniningil lang ako dito ng pampaayos ng cp ko, wag kayong magulo jan.
"You have no right to talk to me like that, you're just a new here. Hindi mo pa ako kilala." sabi naman nung Azril.
"So? ano naman ngayon kung hindi pa kita kilala? kailangan ba makilala kita para matakot ako sa'yo? No! pare-parehas lang tayong nag-aaral dito." sagot ko naman sa kaniya. Ginigigil niya ako.
Ang yabang.
"Nananahimik ako kaya 'wag niyo ako guluhin. Kung gusto niyong mantrip, dun kayo sa labas ng school, hindi dito dahil nag-aaral nang mabuti ang mga estudyante dito." dagdag ko pa.
"Ang dami mong sinasabe." sabi niya. Sa dami kong sinabi yun lang?
At naglakad na ito palabas.
Sinundan ko siya.
"Ano ba, sabing bayaran mo 'to, san ka pupunta! hoy!" sigaw ko sa kaniya.
Nagsisunuran ang mga alipores niya.
Dire-diretso lamang siya ng lakad palabas, ang laki ng bawat hakbang niya.
Hanggang sa mapalayo na sila, ang daming mga estudyanteng naglalabasan din at nagsisitabi nang makita si Azril. Ano hari ng school?
Naglalakad lamang siya nang nakapamulsa ang mga kamay.
"Hi Az." sabi ng babae na nakasalubong niya.
Mukhang malandi, ang kapal ng make-up.
Hindi niya ito pinansin at naglakad lamang siya.
Sumimangot lang ang babae.
"Ayan na silaaa, ang popogi nilaa."
"Ang pogi niya waaaa."
"Az, ang gwapo mo"
"Waaaaaa."
"Ang gwapo talaga ni Drake ko."
"Haven, tayo nalang huhu."
"Sorry miss, my only one na ako." sagot naman nung Haven.
"Okay lang, dalawa nalang kami."
"Kapal mo 'te" sagot ng kasama niyang babae.
Nginitian na lang sila ni Haven daw.
Oo nga naman, may iitsura naman ang mga lalaki na'to, pangit nga lang ang mga ugali.
Andaming mga babaeng nasasalubong niya. Sikat pala siya dito? pati yung mga alipores niya?
Wow ha?
Bakit ako sumusunod sa kanila? para akong tuta na sumusunod sa amo. Kasama ko 'yung mga alipores niya na sumusunod sa kaniya.
Hindi niya pa ako nabibigyan ng pera pambayad dito. Pambihira.
"Sino 'yang babae na sumusunod sa kanila." sabi nung babae.
"Oo nga, baka fan din nila." sagot naman ng kasama niya.
"Hindi ako papayag na agawin niya bebe ko jan."
"Ako rin, baka magustuhan niya pa si Sean ko."
"Si Eli ko rin, sa'ken lang siya."
"My Reggie kooo, ang hot niya!"
Parang nagsisikinang ang mga mata nila. Nakita lang nila 'tong mga 'to
Di ko aagawin mga crush niyo. Sainyo na'tong mga 'to. Mga demonyo ugali.
"At sino naman 'to." sabi naman ng kabilang group na mga babae.
"Wag natin siyang payagan na dumikit sa kanila."
"Oo nga."
"Ang lakas ng loob naman nyang sundan ang mga boys."
"True."
Lumapit silang dalawa sa'ken.
Magaganda sila, mukha silang mayaman.
"Hey, who are you?" panimulang sabi sa'ken ng isang babae na mas matangkad kaysa sa isa.
"Bakit ka sumusunod sa mga boys, sino kaba? bakit dumidikit ka sa kanila?" sabi naman nung isa.
"Layuan mo sila at 'wag mo silang didikitan, 'di ka nababagay sa kanila."
"You're a trash."
Aba? ako basura, lakas naman ng mga tama neto.
"May kailangan lang ako sa kanila kaya ko sila sinusundan." sagot ko naman dito.
"At anong kailangan mo? wala silang pake sa isang katulad mo na cheap 'no." sabi nung isang babaeng medyo maliit. Nakataas pa ang isang kilay.
Ako cheap? ano naman siya? pandak. Liit-liit mo, tapang tapang mo.
"Wala akong oras sa inyo, tigilan niyo ko. At kung iniisip niyo na kukunin ko ang mga bebe niyo, inyo na 'di ko sila type. Sasama ng ugali. Nagustuhan niyo pa." naiinis kong sabi sa mga 'to.
"How dare you! bakit pinagsasalitaan mo sila ng ganon?" nanlalaking mata na sabi nito sa harap ko.
Nakaharang sila sa daanan ko ha, lumalayo na 'yung sinusundan ko.
"Ang kapal mo naman babae ka. Para sabihan sila ng masama, sino kaba ha?" sabi naman nung isa.
"So? wala kayong pake kung sino ako." sagot ko naman.
Bigla siyang nainis at tinulak ako. Tinulak din ako ng isa at tinuro.
"Huwag mo silang susundan at didikitan!" sigaw nito.
"Kung lalandiin mo lang din naman sila!" dagdag ng isa pa.
Oa! oa ka te?
Medyo lumayo yung isa at may kinuha sa gilid at bumalik sa'ken.
Bigla niyang ibinuhos sa'ken ang laman ng baunan at ito ay juice.
Tumapon ang juice sa blouse at mukha ko.
Andaming napatingin sa amin at natawa sila.
Napapikit na lamang ako at hinayaang umagos ang juice sa mukha ko.
Pinunasan ko ito gamit ang palad ko. Nakakapang-init ng ulo.
"Umalis ka dito, alis!" sabi ng babae at tinutulak-tulak ang balikat ko nito.
Napapa-atras ako sa ginagawa niya.
"Let her go." biglang may nagsalita na lalaki. Parang pamilyar 'yung boses niya.
Napatigil ang babae sa pagtulak sa balikat ko at takot na takot na tumingin sa nagsalita. Nanlalaki rin ang mga mata ng kasama niyang babae.
Sino kaya 'yon? Nakatalikod kasi ako dahil sa pagtulak sa'ken ng mga babae na'to.
Tiningnan ko ang nagsalita at...
Si Azril!
Walang emosyong nakatingin sa amin.
Nagulat din ako, bakit siya bumalik dito para pigilan lang 'tong mga babae na oa?
"Sorry, Az."
Nag-sorry sila at hiyang-hiya. Hindi sila makatingin kay Azril.
"I'll be the only one to do that. Leave." diin nitong salita.
Takot na takot na umalis ang mga babae. Nagmamadali ito at muntik pang matisod yung isa. Ayan katangahan.
Wait? siya lang daw 'yung gagawa nito? so, siya lang ang mambubully sa'ken ganon? Kapal!
Okay na sana 'e. Akala ko pa naman pinagtanggol ako. Di pala, akala kopa naman may mabuting puso rin siya. Binabawi ko nalang.
Ang lagkit ng juice na natapon sa mukha at uniform ko huhu. Magpapalit nalang ako, may extra akong uniform don sa locker ko.
Nagsi alisan narin ang mga nakikichismis sa amin. Tiningnan lamang ito no Azril.
Takot ba sila dito? tindi naman neto. Demonyo nga talaga, kaya natatakot sila.
Pinunasan ko ulit ang mukha ko. Ang tamis ng juice, strawberry flavor, sayang naman.
"Ai, towel oh, pamunas." lumapit sa'ken si Sean at inabot ang towel na maliit. Bench towel yata 'to. color blue.
"Thanks" sagot ko at kinuha ang towel.
Bumalik siya ulit sa mga kasama niya.
Tiningnan ko si Azril, Az nalang for short. wait what?
Az?
So, siya 'yung lalaking nasa loob ng kotse? siya 'yung nagdadrive kanina na bumusina at tinalsikan ako ng putik. Aba lintek!
Tinaasan ko siya ng kilay.
Kaya pala parang familiar 'yung Az, siya pala 'yon, Azril, inshort, Az. Okay din ah. Maganda rin naman name, 'di bagay sa kaniya. Pang good boy 'yung name, demonyo ugali.
Pero totoo nga? siya nga 'yung nananalsik sa'ken? Buset naman oh. Trip talaga ako neto 'e.
Sinamaan ko nalang siya ng tingin.
"Akala mo ba magpapasalamat ako sa'yo sa pagtulong mo. Bayaran mo muna pampagawa ng cp ko." panimula kong sabi sa kaniya.
Nakatayo lamang siya at nakapasok ang dalawang kamay sa bulsa. Feeling cool?
"I don't need your thanks." bored nitong sagot.
At nagsimula na siyang maglakad ulit.
Hoy, hindi ko pa siya nasisingil, ano ba naman 'yan.
"Hoy, ano baaaa. Sabi ko 'yung pampaayos nito!" sigaw ko sa kaniya.
Sinundan ko siya ulit.
Ang bilis niyang maglakad. Matangkad kasi kaya ang lalaki ng mga hakbang.
"Aiah, 'wag kana sumunod. Di ka papansinin talaga ni Master Az." sabi sa'ken ni Sean.
"Oo nga, maiinis lang 'yan lalo." sabi naman ng isa. Haven yata name? oo nga 'yung kinausap ng dalawang babae kanina.
Hindi ko nalang sinundan. Bahala na, ayaw niya magbigay, no choice gagastusin ko nalang ang pera ko.
Pag-uwi ko diretso na ako sa ayusan ng cp. Kamusta na kaya 'yung cp ko. Di ko na maopen, nalaglag pa kanina. Namimiss ko nang ichat sila mama at papa. Pati ang kapatid ko. Gusto kona silang kamustahin.
Basta, mamaya talaga ipa-aayos ko na'to. Baka magalit sa'ken si lola na hindi ko iniingatan ang cp ko. Bigla pang magparamdam sa'ken.
Dumiretso ako sa locker ko para kunin ang mga pamalit ko. Pinalitan ko na ang damit ko at kumain na para magbreak. Ang sasarap talaga ng mga pagkain sa school na'to. Ang lalaki ng mga ulam. Yayamanin talaga ang school na'to.
Kaya mayayaman ang mga nag-aaral dito 'e. Sobrang lawak nito. Sino kaya ang may-ari ng school na'to. Search ko nalang mamaya ang history ng paaralan na'to.
May college rin dito e. Siguro dito narin ako mag-aaral ng college.
Habang kumakain ako ay may biglang tumabi sa akin. Inilapag niya ang pagkain niya sa harap ko.
At si Damien pala.
"Hi. Can i join here?" bati niya sa akin.
"Yes, of course." sagot ko habang tumatango.
Nginitian niya naman ako.
Sumubo akong muli ng pagkain ko. Sarap talaga favorite ko 'to 'e. Lobster. hmmmm.
"Ang sharap ng mga pagkain jito 'no? chalagang mabubushog ka chalaga at mapapadami ng kain." sabi ko habang ngumunguya. Pasenya na ngumunguya lang hehe.
"Yeah, and this is my favorite." sabi naman niya.
"Same pala tayo 'e hehe."
Ngumiti lang siya. Nonchalant talaga 'tong si Damien.
"Grabe kanina, daming nangyari sa'ken ngayon. Una, nalate ako. Tinalsikan pa'ko ng putik ng Azril nayun. Tas pangalawa, nasira 'yung upuan ko. Pangatlo sinakal ako ng kainis na Azril na'yun. Binagsak pa phone ko ulit. Pang-apat, binuhusan ako ng mga babae ng juice, lagkit ko tuloy. Panglima, tumulong kunware 'yung Az na'yon. Sama rin pala. Hayst." mahabang kuwento ko sa kaniya.
"It's okay, He's always like that." sagot niya.
"Palagi siyang ganon?" tanong ko.
"Ganon lang talaga siya, nantitrip ng kung sinong matripan niya."
"Ganun? ako pa talaga napili niyang pagtripan ha."
"Marami na siyang nabully, umaalis na nga ang iba sa mga ginagawa niya. Pinapahiya niya 'to." sabi niya habang iniisip niya ang nangyari dati sa mga nagawa nung Azril nayun.
"Grabe namang ugali niya." sabi ko naman.
"Lahat siya ang nasusunod. Takot ang mga estudyante dito sa kaniya."
"Bakit hindi alam yan ng admin ng school?" tanong ko.
"Actually, alam nila. Hinahayaan lang nila na kung anong gawin ni Az." sagot naman niya.
"Oh? bakit naman takot din ba sila kay Az?" tanong ko uli. Gusto ko lang malaman tungkol sa lalaki na'yon.
"No, dahil apo siya ng may-ari ng school na'to."
Nanlaki ang aking mga mata sa kaniyang sinabi. Napa 'O' ang aking labi.
So, kaya pala? OMG.
Apo pala siya ng may-ari ng school na'to?
Paulit-ulit?
Di ako mapaniwala, kaya naman pala kung ganon nalang umasta at kayabang. Pati teacher sinasagot. Ayaw lang siguro nilang matanggal kaya hinahayaan nalang nila si Az.
Pero kahit ganon, wag naman sana siya ganon kabastos 'no.
"Grabe naman pala, apo pala siya ng may-ari. Kaya pala ganon nalang ang ugali." sabi ko naman.
"So, asan ang tatay at nanay niya?" tanong ko ulit. Dami kong tanong haha. Para alam kona ang history ng school 'no.
School ba talaga? o buhay ni Az?
No, no,
"Actually we're bestfriend before." sabi niya sa akin.
Ay we?
"Bakit ngayon, hindi na?" seryosong tanong ko. Nakatutok lang ako sa pagkukwento niya.
"Yes, hindi na ngayon." sagot niya, parang sumeryoso ang kaniyang mukha.
"Why?"
"I'm sorry, I can't tell. it's private." sagot naman niya.
"Ow, okay sorry hehe."
Nakakakaba, puro ka kasi tanong Aiah! daldal mo huhu.
"And yeah, he's my best friend before. He lost his mother when he's still young. Galit siya sa papa niya and nag-aalaga sa kaniya ay lolo at lola niya." mahabang pagkukwento niya sa'ken.
Alam kona ang buhay ni Az.
"Ganun pala ang buhay niya. Ulila na pala siya ng mga magulang niya. Kawawa naman siya." sabi ko naman dito.
Wala na pala siyang mama niya. Sasabihin kopa naman siguro di siya love ng nanay niya dahil sa ugali niyang masama. joke hehe.
Galit siya sa papa niya? bakit kaya?
Lolo at lola nalang ang nag-aalaga sa kaniya.
"So, saan siya nakatira?" tanong ko.
Hindi siya sumagot.
"Ayy, napaparami na yata akong tanong hehe. Tama na nga. Ubusin na natin 'tong pagkain natin." nahihiya kong sabi dito.
Ngumiti nalang siya at sumubo narin.
Sumubo ako ng marami para maubos na. Uminom ako ng tubig. Punong-puno bibig ko hehe. Habang nilulunok ko ay nakatingin pala sa'ken si Damien.
Tiningnan ko siya at napaiwas siya ng tingin, ano meron sa mukha ko?
"May dumi ba ako sa mukha?" tanong ko habang may laman ang bibig.
"Yes, here."
Lumapit siya sa'ken at...
Tinanggal niya ang kanin sa tabi ng labi ko. Napahinto ako sa pag-nguya.
Bakit siya pa nagtanggal. Da't ako nalang sinabi nalang dapat niya. Ang awkward tuloy.
Nakatitig lang siya sa akin pati sa mga mata ko. Hindi pa siya nakakalayo sa akin at ang lapit parin ng mukha niya.
Tiningnan ko rin ang mata niya, kulay brown at mapupungay ito. Matangos na ilong at makinis na mukha. Inshort ay pogi.
"Ahm, thanks." bigla kong sabi at napalayo siya agad sa akin.
Ano ba'yan. Kinabahan tuloy ako. Tinanggal lang 'yung kanin 'e.
To be continued...
__________________________
Author's Note:
Sa mga wrong grammar ko jan, pasensya na ulit HAHAHAHA. and mga typos ko. Enjoy reading ulit guyssss. Ang please pwede favor? Vote niyo story ko sa bawat chapter huhu. Thank youuu
Kinilig ako jan kina Damien and Aiah. Pero kikinilig din ako sa pagtanggol sa kaniya ni Az kaso sablay HAHAHAHAHAHA. yun langss basahin niyo naaaa.