Chapter 9 Yuka’s Point of View Shems! Agad akong lumayo ng bahagya nang maramdaman kong lumalalim na masyado ang mga halik ni Daryl. “What?” nagtataka niyang tanong at kitang kita sa mga mata niya ang pagkabitin. Akmang palapit ulit ang mukha niya sa ‘kin pero hinarang ko agad ang mga daliri ko sa labi niya. “Yung kambal natin baka kung ano nanaman ang pinaggagagawa sa labas,” sabi ko at napasimangot siyang parang bata. Hindi kasi mapanatag ang loob ko nang wala sila sa paningin ko. Ang kulit pa man din ng dalawang ‘yon kapag nagsama. Nagiging super naughty twins! Hinawakan ko siya sa dibdib at marahang itinulak palayo sa akin. Nasa sofa kami at nakapaibabaw siya sa akin kung kaya’t konti na lang talaga mauuwi nanaman kami sa alam niyo na. Buti naagapan ko. Lukot ang mukha n

