Chapter 10 Third Person’s Point of View Nakasuot ng two piece si Yuka pero may nakapatong na manipis na summer dress dahil hindi naman siya sanay magsuot ng ganun. Kung hindi lang talaga siya nahihiyang mag-tshirt lang at shorts sa ganitong lugar ay hinding hindi siya magsusuot ng ganito. “Daryl, bumalik na lang kaya tayo sa room?” lumawak ang ngiti ni King sa sinabi Yuka. “Kanina ko pa gustong sabihin sa ‘yo ‘yan naunahan mo lang ako. Ayaw mo na bang maglakad lakad?” Nag-aya kasi ito kanina na maglakad lakad muna sila saglit bago bumalik ng kwarto. Hindi nila kasama ang kambal dahil na kila Jasper at Kevin ang mga ito. “Eh kasi ang daming tumitingin sa ‘tin. Dapat yata hindi mo muna pinaalam na ano….na..a-a-sawa mo ‘ko. Ayan tuloy pinagtitinginan ka. Nakakahiya,” napayuko i

