Chapter 33

1213 Words

Naka-apat na shot na siya ng rum at may tama na siya sa nainom. Ayaw pa niyang umuwi dahil wala naman siyang uuwian. Kahit gaano kaganda ang bahay na binili niya ay wala namang nakatira. Kanina pa siya tumatawag kay Karla para ibalita ang negatibong resulta pero hindi nito sinasagot. "Tama na, pare, baka hindi mo na kayang mag-drive." "Babalik ako sa opisina." "Sa opisina? Ano naman ang gagawin mo dun?" "Ano rin naman ang gagawin ko sa bahay? Kahit paano may magagawa ako pag sa opisina." "Pagkatapos mong uminom ng marami? Go home, Dylan, and settle your issues with your wife." "I don't want to settle any issues with Karla anymore," desidido niyang sagot. "Kung mayroon man akong isi-settle ngayon ay ang pakikipaghiwalay ko. I will file an annulment the soonest possible tim

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD