Chapter 32

2208 Words

Naghintay pa sila kay Dra. Alvarez ng kalahating oras dahil may biglaan itong emergency sa isang pasyente na pinaanak. Nasa labas ng clinic siya naghintay habang si Sarrah ay nakaupo sa loob kasama ng iba pang pasyente. Halo-halo ang nararamdaman niya sa ngayon pero nananaig sa lahat ang kaba at saya dahil magkakaanak na sila ni Karla. Matutupad na sa wakas ang pangarap niya. "Mr. Silvestre?" Napalingon siya kaagad sa tawag ng assistant ng doktora. "Pinatatawag ho kayo sa opisina ni Doktora." Sumunod siya sa sekretarya hanggang sa dalhin sila ni Sarrah sa opisina ni Dra. Alvarez. Nakangiti siya at puno ng pag-sa. Si Sarrah ay umiiwas na tingnan siya. "Halika, Sarrah, i-check natin sa ultrasound kung nabuo ang baby nina Mr. Silvestre." Tumayo naman si Sarrah at sumunod sa doktora. N

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD