Kanina pa pasilip-silip si Dylan sa telepono habang kausap sina Troy. May isang grupo ng kababaihan sa tapat nila na pinagti-tripan ng mga ito. Pero wala doon ang atensyon niya kung hindi sa teleponong wala namang dumadating na mensahe o tawag. He misses Sarrah already. Mas gusto niyang makipagkulitan sa dalaga maghapon magdamag kaysa uminom kasama ng mga kaibigan na hangover lang ang mapapala niya. "Isinama mo sana si Sarrah para makapag-enjoy," suhestyon ni Troy na kanina pa tanong ng tanong kung kumusta ba ito. "Hindi nga puwedeng magpuyat. Isa pa ano ang gagawin niya dito e boys night out 'to?" "Sabagay... Kailan mo ba malalaman kung nagkalaman nga ang matres ni Sarrah?" "Two days from now. Hindi na nga ako makapaghintay eh." "Kapag walang nabuo puwede ko siyang i-date ha?"

