"I'm home!" malakas na wika ni Karla nang bumukas ang pinto ng silid nila. Abala siya sa inaayos na program na inuwi niya sa bahay dahil hindi niya natapos sa opisina kanina. Kaagad siyang tumayo sa swivel chair at sinalubong ang asawa.
"Hi, honey, I missed you." Kaagad niyang ipinulupot ang mga braso sa katawan ni Karla. Kaagad namang tumugon ang asawa pero bumitiw rin at tinungo ang mga maletang dala ng driver nito.
"I have something for you." Hinila nito ang isang maleta saka binuksan. Tumambad sa kanya ang pasalubong nitong signature duffle bag. Isang ngiti lang ang pinakawalan niya dahil hindi naman siya doon interesado kung hindi sa presensya ng asawa niya. Mula nang manggaling siya sa Aurora ay hindi na nawala sa isip niya si Sarrah. Kailangan niya si Karla ngayon para bumalik ang pagtingin niya sa asawa niya.
"I have so many bags in my walk in closet. Tuwing uuwi ka na lang may dala kang kung ano-ano."
"Another collection, right? This is also a good investment. Parang ayaw mo naman sa pasalubong ko."
Umupo siya sa arm chair ng sofa at kinabig palapit si Karla. Itinapat niya ang mukha sa dibdib nitong hindi kalakihan. Nilalagyan lang nito ng padding para magmukhang malaki ang hinaharap. Karla has always been a skinny woman. Ayaw nitong magkalaman dahil matatanggal ito bilang isang modelo.
"I don't want anything but you. Kailan ka ba mamamalagi sa Pilipinas nang magkaanak na tayo?"
"Dylan... We have talk about this before. I will retire when I'm forty. Alam mo namang itong trabaho lang na 'to ang alam ko."
"Hindi mo kailangang magtrabaho, Karla. We have enough money to last us as lifetime. "
"But I want this career. I'm not ready to let it go now."
Isang buntunghininga ang pinakawalan niya bago inilayo ang tingin. Gusto niya nang magtampo dahil ayaw pa rin siyang pagbigyan ng asawa sa pagkakaroon ng anak.
"You're just bored. Palagi kasing computer ang kaharap mo." Sinimulan ni Karla na alisin ang butones ng polo niya. "Why don't we go out of the country?"
"Kagagaling mo lang sa Paris. At anong bansa pa ba ang hindi mo napuntahan? What if we just have a vacation in Hacienda Luna? Matagal ka nang hindi nakauwi--"
"Ano bang meron sa Botolan?" Kaagad nitong pinutol ang sasabihin niya. "Damo? Mga hayop? I easily get bored in country life. Sa Texas na lang tayo kung gusto mong mamasyal sa malalaking farm."
"Uuwi tayo sa hacienda para makasama ang pamilya ko," pagtatama naman niya. "Anong gagawin ko sa Texas wala naman akong kamag-anak doon? Do you get what I mean?"
"Sa Pasko na tayo umuwi sa inyo. Gusto ko munang magpahinga dito sa bahay. Ilang gabi na 'kong puyat sa dami ng commitments ko sa Paris." Bumitiw ito sa kanya at dinala lahat ng luggage sa pinto na karugtong ng silid nila. Naroon kasi ang walk in closet nito na puno na rin sa dami ng pinamimili sa ibang bansa.
"Bakit nagyayaya ka pa ng out of the country kung gusto mong magpahinga? Kapag sa hacienda ako nagyayaya pagod ka. Mas makakapagpahinga ka nga roon dahil masarap ang pagkain at sariwa ang hangin. Maganda naman sa Luna Hotel ah." Sumunod siya sa asawa sa loob ng walk in closet kung saan nilalagay nito ang mga pinamiling signature clothes, bags, at sapatos nito. A typical sophisticated and materialistic woman.
"O sige, pag-usapan natin sa ibang araw. May pagkain ba tayo d'yan? Do you want me to cook for you?"
Bibihira lang namang magluto si Karla. At kapag sinabi nitong magluluto ito, kung hindi french omelette ay mga ready-to-cook pasta ang ihahain nito sa kanya. O kaya ay ang paborito nitong kani salad. Hindi siya nag-e-enjoy sa ganoong pagkain. Mas gusto niya ng pinakbet o sinigang na hipon o tuna. Iyon ang madalas lutuin ng Mama niya para sa kanilang magkakapatid.
"I've had my dinner already. Kumain na kami nila Luis sa opisina kanina."
Pagkatapos nitong ayusin ang mga bagong pinamili ay lumakad naman ito sa kama saka basta hinubad ang damit. Kung sa ibang pagkakataon ay niyakap niya na ito mula sa likod at pinagsawa niya na ang sarili sa pagmasahe sa dibdib nito. Dalawa hanggang tatlong linggo itong nawawala sa loob ng isang buwan. Naiipon ang pananabik niya sa s*x kapag nasa Paris ito kaya't pag-uwi ay wala siyang sinasayang na sandali.
Pero iba yata ang nararamdaman niya ngayon. Nawala na ang pananabik na iyon dahil natabunan na ng inis. Hindi nagle-level up ang relasyon nila. Gusto niya tuloy itanong sa sarili kung dahil ba kay Sarrah dahil nakaramdam siya ng atraksyon sa dalaga o dahil sadyang may mga pagkukulang na sila ni Karla sa isa't isa na hindi na napupunan dahil hindi nila hinaharap ang problema.
"Galit ka pa rin ba?" tanong nito nang humarap sa kanya habang siya ay parang tuod na nakatayo lang at nakapamaywang ang mga kamay.
"Gusto ko na ng anak. Gusto kong maramdaman na pamilya na tayo. Hindi na tayo bata, Karla."
"Paano tayo magkakaanak kung tatayo ka lang d'yan?" Tumawa pa ito na tila hindi siniseryoso ang sinabi niya. She was expecting him to lavish her and make love to her like he used to. Pero wala siya sa mood ngayon.
"Stop taking pills. Paano ka mabubuntis kung umiinom ka ng gamot para hindi ka mabuntis?"
Sumeryoso ang mukha nito at bumitiw sa kanya nang makitang hindi siya nagbibiro.
"At paano ang career ko kung magbubuntis ako?"
"Mas mahalaga ba ang career na 'yan kaysa sa pamilya natin?"
"Aren't we a family? Kailangan ba may anak bago matatawag na pamilya?"
"Hindi mo ba gustong magkaroon tayo ng maliit na Karla o maliit na Dylan? Gusto mo ba talagang hanggang pagtanda natin ganito lang tayo?" balik niyang tanong sa asawa. Napapagod siyang makipagtalo pero wala siyang choice kung hindi ipilit dito ang gusto niya. Gusto niyang ipaintindi dito kung gaano kahalaga sa pagsasama ang pagkakaroon ng anak.
"No," deretso namang sagot ni Karla. "Kung masisira lang ang katawan ko at mawawalan ako ng trabaho hindi ko gugustuhing magkaanak."
"Unbelievable..." Napamasahe siya sa batok dahil gusto niyang suntukin na ang dingding sa inis niya.
"Anong gagawin mo kung ayaw kong magkaanak? Hihiwalayan mo ba 'ko?"
Hindi siya makasagot. Hindi niya gustong tumuntong sa ganoon ang pagsasama nila.
Tumalikod na lang siya kay Karla saka kumuha ng bote sa estante at basta na lang tinungga iyon. Nagtungo siya sa balkonahe saka lumanghap ng sariwang hangin. Masama ang loob niya kay Karla. Pero hangga't maaari ay ayaw niyang umabot na hindi na sila nagkakaunawaan.
Pero paano na ang pangarap niyang pamilya? Tatanggapin niya na lang ba na hanggang sa pagtanda ay ganito na lang sila masabi lang na naging mabuti siyang asawa?
"Stop acting like a child, Dylan. You know that I am happy with my career right now. Magsasawa din naman ako, hintayin mo na lang..." Yumakap si Karla sa baywang niya pero hindi niyon napawi ang inis niya.
"You are thirty-three already. Kung kwarenta ka pa magkaisip na mag-anak baka wala ng panahon. Mahihirapan ka lang baka manganib pa ang buhay mo. It's too risky."
"Buti naman naisip mo 'yun. Ang hirap kaya magbuntis dahil parang nakaabang ang isang paa mo sa hukay sabi ni Mama. I don't want to get pregnant because I don't want to die yet."
"Kaya nga gusto kong ngayon na eh, habang bata ka pa. Isa pa, kung matanda na rin tayo at uugod-ugod na bago pa lumaki ang bata, paano pa natin maaalagaan?"
"Sige, let's meet halfway. What if we hire a surrogate mother?"
Napaawang ang mga labi niya. Ni hindi sumagi sa isip niya ang ganoon.
"It's not legal in the Philippines."
"Kailangan ba nating ipaalam? Ang mahalaga ay pumayag siya. At papayag lang 'yun kapag tinapatan natin ng tamang presyo. A lot of women needs money these days. Ang kailangan lang nating makuha ay malusog din na babae dahil siya ang magdadala ng bata sa tiyan niya."
"At sinong tangang babae naman ang papayag na magdala ng bata sa sinapupunan niya tapos ilalayo sa kanya pagkapanganak?"
"Tulad ng sinabi ko, maraming babae ang nangangailangan ng pera, Dylan."
"At ang kukunin nating babae ay walang prinsipyo sa buhay, ganoon ba?"
"Ugh... You're so annoying. Gusto mo bang magkaanak o hindi?"
"I want our child. Wala akong balak magkaanak sa ibang babae."
Isang malakas na tawa ang pinakawalan ng asawa. Bago pinisil ang pisngi niya.
"Syempre sperm mo at egg cell ko ang ituturok sa kung sino mang surrogate mother ang mapipili natin. Sa atin pa rin 'yun kaya wala siyang karapatan kahit katiting. Besides, she will be signing a contract of agreement. Gagamitin lang natin ang ovary niya nang hindi ko kailangang tumigil sa pagmo-modelo pero magkakaroon tayo ng anak. What do you think?"
Ganoon na siya kadesperado na magkaanak dahil pumayag siya kaagad sa suhesyon ng asawa niya. Alam niyang kahit umiyak siya ng dugo kay Karla ay hindi nito iiwan ang pagmo-modelo.
"Okay. Let's start finding the right woman to carry our baby. Huwag mo lang ipapaalam kahit kanino dahil maeeskandalo sina Mama."
"Of course not! Hindi talaga kailangang malaman ng iba na iba ang magbubuntis sa 'kin dahil masisira ang pangalan ko sa international media."
"At 'yun pa talaga ang inisip mo ha." Doon pa lang niya muling ipinulupot kay Karla ang mga braso sa katawan nitong hubad pa rin.
"Thank you for keeping up with me through the years, honey. I couldn't ask for the best husband in the world."
Nang angkinin niya ang mga labi nito ay mukha ni Sarrah ang pumasok sa balintataw niya. May sa-engkanto yata ang babaeng iyon dahil hindi na nawala sa isipan niya kahit ngayong kayakap at kapiling niya na ang asawa niya. This isn't a good sign. Pakiramdam niya'y nagtataksil na siya kay Karla hindi pa man.
Hinding-hindi na siya babalik sa Aurora at ipapaayos niya na lang sa abogado ang pagbebenta ng lupaing iyon. Baka masira pa ang pagsasama nila ni Karla kung kailan pumayag na ito na magkaanak sila.