Nagulat si Dylan nang sabihin ng katulong na dumating na Karla gayung may isang linggo pa dapat ito sa Paris. Naroon na si Gary para subaybayan ang kilos nito at alamin kung may ibang kinalolokohan ang asawa niya. Pilit niyang inalala ang bakas na nakita niya sa hita nito minsan. Sana lang talaga ay makahanap siya ng matibay na ebidensya para mapawalang bisa ang kasal nila. Dalawang-araw pa lang mula nang manggaling sila ni Sarrah sa Aurora. Pagbalik nila sa Maynila ay marami siyang inasikaso sa opisina kaya naisantabi niya sandali ang pag-aasikaso sa ari-arian niya. Kailangan niyang tawagin ang Mama niya para ipa-hold ang anumang income ng hacienda na papasok dapat sa bank account niya. "Hello, son. How are you? Anniversary na ulit ng Hacienda Luna, kailan ka ba uuwi? Isama mo

