"Honeyyyy!" Kaagad sumalubong si Karla sa kanya nang umuwi siya sa apartment nilang mag-asawa. Hindi siya nakaiwas sa yakap nito pero naiiwas niya ang mukha sa tangka nitong paghalik. "Finally, you're here." Inalis niya ang kamay nito sa baywang niya bago inilayo kaagad ang katawan. Pakiramdam niya'y hindi na si Karla ang asawa niya. Iba na ang hinahanap ng katawan niya. "Yes, hon. Tulad ng gusto mo dito na ako sa Pilipinas mamamalagi. May ilan lang akong kailangang ayusin sa Milan pero makakapaghintay naman 'yun sa susunod na buwan. What's important is I'm here to fulfill my duty as your wife. You want a child? Let's try again." Kumunot ang noo niya. Gusto niyang tumawa nang malakas. Pero bigla din siyang nag-alala kay Sarrah dahil sa pagbabago ng isip ni Karla. Magtatagal

