"Hmmm... Amoy pa lang masarap na..." kaagad niyang ipinulupot ang mga braso sa katawan ni Sarrah. Abala pa rin ito sa kusina na tinatalian ang pabilog na karne ng baboy. Nakataas ang buhok nito na may ilang hibla na nakababa. Inipit niya iyon sa likod ng tainga nito pero kumawala pa rin. "Ano o alin ba ang tinutukoy mo? Ako o 'yung ham?" "Both. Pero una kitang kakainin kasi hindi mo na kailangang lutuin." Kumindat pa siya kay Sarrah na tumawa naman ang dalaga. "Ikaw ang isalang ko sa oven eh. Huwag mo muna akong istorbohin nang matapos na 'ko dito. Excited akong malaman ang lasa para alam ko kung pwede akong magbenta online." "Magbebenta ka online?" Kinabahan siya kaagad dahil kapag nangyari 'yun ay madali itong mahahanap ni Karla. "Oo. Kaya nga ako nag-enroll ng onl

