Naramdaman ni Sarrah na may gumagapang na kamay sa katawan niya. Mabigat pa ang talukap ng mata niya pero hindi niya pwedeng ignorahin 'yun. Pagdating kay Dylan ay wala siyang magawa dahil sumusunod din kaagad ang katawan niya. Akala nga niya ay nakaalis na ito. Kagabi ay may kausap ito sa telepono na pinag-uusapan ang tungkol sa Auntie Karla niya. Siguro ay hindi nito alam na naririnig niya. May mga gusto siyang itanong pero nahihiya siya dahil hindi naman ito nagtanong din ng opinyon niya. At hindi niya alam kung matutuwa siya o magi-guilty sa narinig na totoo na ang pakikipaghiwalay ni Dylan sa tiyahin niya. Ayaw niya munang isipin sa ngayon ang kalagayan nila dahil hindi naman siya ang dahilan kung bakit gusto nang hiwalayan ni Dylan. Iyon ang gusto niyang paniwalaan. Wala na

