Nasa opisina si Dylan pero nakay Sarrah ang puso at isip niya. Araw-araw naman silang nag-uusap pero miss na miss pa rin niya ang kasintahan. Sa gabi ay nakakapag-video call naman sila at natutuwa siyang nakikitang na mas nakakangiti na ito ngayon kaysa noong naghiwalay sila. Isang linggo na ang nakalipas nang hulis siyang manggaling sa condo. Sa ngayon ay nakikitira siya sa condo ni Troy na umiiwas naman sa stepsister nitong si Ariana. Hindi na siya umuwi sa apartment nila ni Karla. Hawak niya na ngayon ang kopya ng mga kuha sa telepono kung saan siyang-siya itong nanonood ng mga orgy shows sa malalaswang bar sa France. May mga kuha rin na may kasama itong lalaki palabas ng bar na isa sa mga nasa show na 'yun. Pero ayaw kumpirmahin ng mga kaibigan nito kung karelasyon ba ni Karla

