"Hello, hon..." Umikot ang mata niya sa malambing na boses ni Karla sa kabilang linya. Alam niyang mas nang-iinis ito kaysa ang naglalambing. Alin man sa dalawa, hindi niya gustong makipag-usap sa asawa kung hindi lang naman sa annulment ang pag-uusapan nila. "What is it, Karla?" walang emosyon niyang tanong. "I wonder why Sarrah won't answer my calls." "Why do you need to call her?" kaswal niyang tanong na pilit itinatago ang pagkabog ng dibdib. Heto na si Karla na si Sarrah na ang gustong pagbuntunan ng sisi. "Gusto kong malaman kung bakit hindi nabuo ang bata sa sinapupunan niya. She should be pregnant by this time. Baka naman sinadya niyang huwag mabuntis dahil gusto lang niya ng bayad? Did you release payment to her?" "Yes. Of course. 'Yun ang pinag-usapan natin, hind

