"Bakit cancel daw ang Baguio trip natin?" tanong ni Troy sa kanya. Kasalukuyan siyang nakatanaw sa bintana nang pumasok ang kaibigan sa opisina niya. "Karla is working her ass to find her niece. May hinala na siya na may relasyon kaming dalawa." Lumakad siya patungo sa swivel chair at ibinagsak ang katawan doon. "Baka pinapasundan niya ako. Kung malalaman niyang nag out of town ako, siguradong ipasusundan niya ako kahit saan man 'yun. Delikado para kay Sarrah." "Hahanap talaga ng paraan 'yang asawa mo na mahanapan ka ng butas dahil sa kanya nakatuon ang mga ebidensya ngayon ng pangangaliwa sa 'yo. Kumusta na nga ba ang takbo ng pag-file mo ng annulment?" Isang tamad na ngiti ang pinakawalan niya bago muling tumayo at ipinamulsa ang mga kamay. "Attorney is trying to speed up the proc

