"Pilitin mo kasing kumain para may laman ang tiyan mo. Kaya ka nahihirapang sumuka kasi wala kang kinain," wika ng katulong kay Sarrah. Pero kahit anong pilit talaga niyang lamnan ang tiyan ay isinusuka niya lang. Ang gusto niya ay gelato na may cherries sa ibabaw. Ayaw naman niyang magpabili dahil nahihiya siya. Baka sabihan siyang kaartehan lang niya 'yun. Pinunasan niya ang labi nang tumigil na ang tiyan niya sa pagkulo. Nakatayo pa rin ang katulong sa gilid ng kama nang umupo siya roon. Dalawang katulong ang nagbabantay sa kanya kahapon na para siyang anak ng hari. Ni hindi nga niya kailangan kahit isa. "Okay na ako, ate, puwede ka nang kumain sa ibaba." "Mamaya na pagbalik ni Kurdapya para may kasama ka dito. Kapag sakitan ka na naman ng tiyan wala kang kasama dito." Ewan din ni

