"Saan ka ba galing at ang aga-aga wala ka?" tanong niya kay Karla para alisin ang atensyon kay Sarrah. Gayunman ay nasuri niya na ang kabuuan nito nang mabilisan. Naka-pantalon itong maong at puting t-shirt na kahit paano ay bago pa. Wala itong makeup kaya't lalong naging inosenteng-inosente ang mukha. Mamula-mula ang labi nito. Malayo man ang karangyaan ng suot ni Karla sa dalaga, mas kaakit-akit si Sarrah sa paningin niya. "Alam mo naman ang routine ko sa umaga. Do you want breakfast?" nakangiting tanong ni Karla na hindi umaalis sa pagkakakapit sa braso niya. "I had coffee. Anong oras ba ang appointment natin sa doktor?" Palihim niyang sinulyapan muli si Sarrah na nakatingin sa isang painting. Portrait iyon ng pamilya nila na lagi niyang dala kahit saang bahay siya lumipat. That wa

