"Alas dyes na ng gabi nandito ka pa sa opisina?" takang tanong ni Troy nang makitang naroon pa siya sa computer room. Naroon din si Duke na isa pang ayaw ding umuwi. Idinadahilan pang niya ang maraming trabaho sa opisina pero ang totoo'y ayaw niyang makaharap si Karla. May nahanap daw kasi itong magiging surrogate mother dahil gusto nitong dito na lang sa Pilipinas isagawa ang plano nilang magkaroon ng anak sa pamamagitan ng matres ng ibang babae.
"I will stay overnight. Nag-away kami ni Karla."
"Bakit na naman? Mula nang dumating siya galing Paris wala na yata kayong ginawa kung hindi mag-away."
Alam naman ng mga kaibigan niya ang problema nila ngayon ni Karla. Hindi niya puwedeng itago na magkakaanak siya kung sakali pero hindi naman si Karla ang magbubuntis. At sa totoo lang mas mahirap sabihin sa pamilya niya ang planong iyon kaya sa mga kaibigan na lang siya naghahanap ng karamay. Gusto pa rin niyang humingi ng payo baka may iba pang paraan para magkaanak sila ni Karla.
"Nasa bahay na raw ni Mama Bel ang babaeng magpapahiram ng matres sa amin. Hanggang sa huli ay ang gusto ni Karla pa rin ang nasusunod." Napailing siya habang nakatutok sa screen ng computer ang mga mata. Gayunman ay wala doon ang isip niya kung hindi ang inis sa asawa.
"Baka nagiging praktikal lang ang asawa mo. Masyado nga namang mahal kung sa ibang bansa pa kayo magha-hire ng surrogate mother."
"Pero kaya ko gustong sa ibang bansa ay dahil gusto kong mag-retiro na siya sa trabaho niya. Mas maraming panahon ang gugugulin namin doon kaysa dito sa Pilipinas na anumang oras ay puwede ulit siyang umalis. We've been married for almost a decade and I feel like we're falling apart rather than going stronger."
"Hindi pa nga niya gustong mag-retiro. Buti nga pumayag na magkaanak na kayo, hindi ba?"
"Dapat ko bang ipagpasalamat 'yun? She didn't get the idea why I need a child. Gusto ko siyang makasama. Paano kapag naisilang na ang bata? Wala din siyang panahon para mag-alaga kaya magha-hire naman kami ng yaya, ganoon ba?"
"You've married a career-oriented woman. What do you expect?"
"Marami namang career-oriented d'yan na ginive-up ang limelight para sa pamilya. Sometimes I wonder why she even married me. Lahat ng gusto lang niya ang nasusunod."
"Hindi ba siya submissive hanggang sa kama?" pagbibiro ni Troy. Isang tipid na ngiti lang ang pinakawalan niya.
"Yeah, even in bed she decides what to do."
Totoo naman ang sinabi niya. Hindi siya kiss in tell pero gusto niyang maintindihan ng mga kaibigan kung ano ang ipinagsisintir niya.
"And you don't like it? Ang swerte mo nga kung ganun."
Hindi siya sumagot. Hindi niya alam kung maiintindihan ng mga kaibigan na minsan ay gusto niyang siya naman ang nasusunod sa mga desisyon nilang dalawa. Na kahit sa kama ay gusto niyang pinaluluguran minsan ang asawa kaysa ang nakikipagbuno ito dahil ito ang umiibabaw sa kanya. It's every man's dream that a woman becomes aggressive and bold. Pero pakiramdam niya'y nawawala ang pagiging lalaki niya sa ganoon.
"Ikaw na ang tumapos niyan, uuwi na 'ko." Tumingin siya sa orasan. Alas onse na halos ng gabi. Siguro naman ay umuwi na rin si Karla sa bahay nila.
Hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa kanilang mag-asawa. Mula nang bumalik ito galing Paris ay parati na siyang nag-o-overtime sa opisina. Pakiramdam kasi niya'y naging estranghero na silang dalawa sa isa't isa.
Karla has always been a jolly, adventuruous person when he met her. Nakilala niya ito sa isang kasalan na dinaluhan nilang dalawa ni Mr. Graciano. Wala itong inhibisyon sa katawan na noon ay nagsisimula pa lang sa pangarap na pagmo-modelo. Fierce. And willing to take all the risk. Tinulungan ito ni Lorabelle na magkaroon ng kakilala sa kung saan-saang modeling agencies. At dahil ito ang palagi niyang kasama sa mga gatherings, nag-assume na ang lahat na may relasyon silang dalawa.
And so he gave in. Wala silang pormal na usapan kung ano ang relasyon nila hanggang magsuehstyon ang ina nito na magpakasal na sila tutal pareho na silang nasa tamang edad.
At noong mga panahon na 'yun ay ready na rin siyang mag-settle down. Wala silang hindi napagkasunduan dahil pareho silang mahilig sa parties at night life. Marami ang nagsasabi na nakahanap siya ng soulmate niya dahil hindi sila nag-aaway noon.
Pero ibang Karla na ang nakikita niya ngayon. Sumobra naman sa pagiging agresibo. Dahil halos sa ibang bansa na ito naging iba na ang pananaw sa buhay. Hindi na sila magkatugma sa mga paniniwala.
Alas dose na ng hatinggabi siya dumating. Gising pa si Karla pero abala ito sa pagtingin sa isang website ng luxury items ng isang brand. Naiinis siya kapag nakikita niyang gumagastos ang asawa sa walang kabuluhang bagay. He doesn't find those brands useful and valuable. Kaysa ibili ng sinturon na isandaang libo ang halaga ay napakain na sana niya ang mga kababayan nila sa Botolan na hindi maalwan ang buhay.
"Bukas ay may appointment na ako sa OB-Gyne ko para masimulan na natin ang proseso ng pagkakaroon ng anak, honey," panimula nito sa kanya nang umupo siya sa kama at magtanggal ng sapatos.
"Paano mong napili ang babaeng sinasabi mo? Dumaan ba 'yun sa screening? Is she healthy?" tamad niyang tanong bago hinubad ang polo shirt at itinapon sa laundry basket ang damit. He made love to Karla once, iyon ay ang pangalawang gabi nito sa Pilipinas. Pero matapos makitang may ilang bakas sa hita nito na hindi niya matiyak kung ano ay nawalan siya ng ganang makipagtalik. It could be a kiss mark, it could be something else, pero ang kaisipang sa ilalim iyon ng hita ng asawa niya ay nagpapakulo sa dugo niya.
At mabuti na lang dahil dinatnan ito ng buwanang dalaw kinabukasan. Hindi na siya magkakaroon ng dahilan para tumanggi dahil hindi naman ito tiyak magyayaya.
"She is my niece so don't worry."
"Niece? Sino?" Napalingon siya kay Karla na hindi naman din nakatingin sa kanya dahil sa laptop pa rin ang atensyon nito.
"Galing sa malayong probinsya, hindi mo pa kilala. Dadalhin siya dito ng driver ni Mama bukas dahil isasama natin siya sa OB-Gyne."
Totoong wala siya halos kilala sa mga kamag-anak ni Karla. Sa Aurora din kasi galing ang mag-ina. At kalaguyo ni Mr. Graciano si Belen na ibinahay sa Maynila matapos ibenta ang lupa sa kanya. Ang totoong pamilya ni Mr. Graciano ay sa Botolan naman nakatira. At kahit kilala niya ang dalawang asawa nito ay hindi siya pwedeng magsalita laban sa isa. Wala siyang pakialam sa personal na buhay ng matanda lalo na't ang biyenan niya ang siyang kalaguyo.
Minsan lang sumagi sa isip niya na nakakaawa ang isa pang babae na nabuntis ni Mr. Graciano. Ito dapat ang nakatanggap ng mana at hindi si Karla dahil hindi naman ito ang tunay na anak. Pero tuso din kasi si Belen. Nagbanta ito na ibubunyag ang relasyon kay Mr. Graciano kapag hindi sila binilhan ng bahay sa Maynila.
"Paano mo naman siya napapayag?"
"Malaking pera ang kapalit."
"Magkano?"
"Half a million."
"Pumayag siya sa ganoong halaga?"
"Of course! Dapat nga one hundred thousand lang eh. Nagpataas lang ng presyo dahil nakita niya ang bahay ni Mama na mansyon naman pala."
"I mean that's so cheap, Karla. She should receive at least one to two million considering she'll be carrying the baby for nine months and her life will be at risk during the pregnancy."
"Pero magsasaka lang 'yun sa amin, Dylan." Tumaas ang boses nito nang mahimigan na dapat pa nilang dagdagan ang bayad. "Magtatrabaho lang naman 'yun sa club kung hindi natin inalok ng trabaho eh. At least dito hindi na siya magpapakapagod magsayaw sa gitna ng sumisitsit na mga lalaki."
"She's working on a club?! Bakit siya ang kinuha mo?!"
"Not yet." Alam ni Karla na hindi siya papayag kung sakaling sa club nagtatrabaho ang babae. "Huwag ka ngang mag-alala dahil malinis na babae ang kukunin ko. Narinig lang kasi ni Mama na gustong kumita ng malaki kaya gusto sa club magtrabaho. E di kaysa mapariwara inalok na lang maging surrogate mother. Kung magtatrabaho pa rin siya sa club pagkatapos niyang manganak aba'y bahala na siya sa buhay niya."
"I still want to do the first screening tomorrow. Hindi pwedeng kung kani-kaninong matres lang mamahay ang anak natin sa loob ng siyam na buwan."
"Ang OA mo, Dylan, alam mo ba 'yun?" Umirap na si Karla na may pag-iling pa. "Bata pa 'yun at hindi pa nagkaka-boyfriend kahit minsan. Ngayon pa nga lang papasok sa club kung sakali kaya inagapan na ni Mama."
"I still want to talk to her early tomorrow. Papuntahin mo siya sa opisina ko nang masuri ko muna at ma-interview."
"Pero huwag ka nang umatras dahil nakaplano na 'ko," paniniguro naman ni Karla sa kanya. "Pumayag na nga akong magkaanak tayo baka naman pahirapan mo pa 'ko."
Hindi na siya sumagot nang humiga siya sa kama at ipinikit ang mga mata. Wala naman siyang magagawa kung ang napili ni Karla ay ang kamag-anak din nito. Gusto lang niyang masuri bukas ang babae para masiguro na hindi magkakaroon ng diperensya ang magiging anak nila.
Dahil wala naman siyang pasok kinaumagahan dahil may schedule na sila ni Karla sa OB-Gyne ay hindi siya bumangon nang maaga. Alas onse pa ang appointment nila sa doktor. Paggising niya ay wala naman si Karla sa tabi niya. Siguradong nasa gym na naman ito para maalis ang fats sa katawan at manatiling patpatin.
Paglabas niya sa silid ay siya namang pag-akyat ng katulong para sabihin na dumating na ang babae. Tamang-tama, gusto niya itong kausapin nang masinsinan bago dumating ang asawa niya.
Kailangang malinis ito sa katawan at mapagkakatiwalaan. Twenty-two years old pa lang naman daw ito sabi ni Karla kaya't malusog naman siguro ang babae.
"Papuntahin mo sa opisina ko, manang. Ako na ho muna ang kakausap dahil wala pa si Karla."
Sumunod naman kaagad ang katulong. Kumuha muna siya ng kape sa kusina. Hindi niya alam kung excitement ba ang nararamdaman niya kaya siya kinakabahan ngayon.
Pagkatapos niyang ubusin nang mabilisan ang kape ay tinungo niya na ang opisina niya. Pagbukas pa lang niya ng pinto at masilayan ang nakatalikod na babae ay sumikdo na kaagad ang dibdib niya. The woman's aura was familiar. Bumagal ang hakbang niya. Nang lumingon ang babae ay para siyang binuhusan ng malamig na tubig.
A woman who caused him sleepless night for a week will be his surrogate mother? Gusto niyang tumawa nang malakas. Paanong naging pamangkin ni Karla ang babaeng gumulo sa isip niya nang makilala niya sa Aurora?
"Ikaw?!" gulat ding bulalas ng babae.
"Hello again, deceiver woman. Dadalhin mo ang anak ko sa matres mo?" Hindi niya alam kung bakit siya nakaramdam ng inis. Pumayag itong maging tau-tauhan ni Karla para sa kalahating milyon?
"O-oo..." utal nitong sagot. "Basta sa m-malaking halaga..."
Tumaas ang isang sulok ng labi niya at naglabas ng nakakainsultong ngiti. Totoo nga ang sinabi ni Karla na gustong mamera ng babaeng ito.
"Malinis ka bang babae? Malinis ba 'yang matres mo? Kailan ka huling nakipagtalik?"
"V'irgin pa 'ko, Mr---!" Naputol ang sasabihin nito na inalala ang pangalan niya. Lalo siyang nainis. Siguro naman ay nabanggit ni Annalyn dito kung ano ang pangalan niya. Nakalimutan nito kaagad samantalang siya hindi na nawala sa isip niya ang pangalan nito?
"Kailangan kong makasiguro. Baka mamaya may nakatanim na ibang sp'rm d'yan sa matres mo tapos aakuin kong anak ko hindi naman pala."
"Excuse me?! Hindi pa 'ko nagkaka-boyfriend!" Nakita na naman niya ang nagbabaga nitong mga mata. Kung hindi lang biglang bumukas ang pinto ng opisina niya at iniluwa niyon si Karla ay nag-e-enjoy pa siyang makipag-usap kay Sarrah.
At ang kaalamang wala pa itong naging boyfriend ay nagpapasikip sa pantalon niya.
Damn! He is married and his wife is now in the same room. Pagtataksil na ba kaagad kung sa halip na surrogate mother ang magiging papel ni Sarrah ay gusto niyang anakan na mismo?
"Siya ang pamangkin kong sinasabi ko na gusto ng malaking pera, Dylan. Pasado na ba sa 'yo?" tanong ni Karla na ikinawit ang kamay sa braso niya. Umiwas kaagad siya ng tingin kay Sarrah.
"Yeah... Maybe... Pero kailangan pa rin natin siyang ipasuri sa doktor kung totoo bang walang nakagalaw na ibang lalaki sa kanya sa loob ng dalawang buwan."
Nakita niya ang pag-irap nito at pagdilim ng tingin sa kanya. Hindi naman niya alam kung bakit pakiramdam niya'y gumaan kaagad ang pakiramdam niya ngayon.
At ang bilis pati ang pagtibok ng dibdib niya!