Chapter 60

2219 Words

Kanina pa hindi mapakali si Sarrah. Parating daw ang kapatid ni Dylan na si Denisse kasama ang asawa nitong si Dominico. Nasa condo na sila ni Dylan kung saan ipakikilala siya sa kapatid nito. Hindi matapos-tapos ang kaba niya dahil natatakot siyang baka hindi siya magustuhan ng mga ito. Natapos ang isang linggo nilang pamamalagi sa bahay nila Troy na walang naging problema. Hindi naman sila sinugod ng Auntie Karla niya. Wala rin siyang naranasang spotting at hindi na rin siya nahihilo. Iyon talaga ang labis niyang ipinagpapasalamat dahil iyon ang pinakamahalaga sa kanya ngayon - ang magandang kalusugan ng kambal. At ngayon lang siya ulit kinabahan nang ganito. Kapatid pa lang ni Dylan ang haharap sa kanya pero hindi na mapatid ang bilis ng t***k ng dibdib niya. Paano na kung sa buong pa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD