Kanina pa hindi mapakali si Sarrah matapos sabihin ni Aljon na gusto siyang kausapin ng Lola Belen niya kahit sa telepono. Nag-iwan ito ng numero kay Aljon. Pumasok siya sa banyo para doon kausapin si Belen dahil ayaw niya munang ipaalam kay Dylan. Siguradong pipigilan siya nito para ito ang kumausap sa biyenan. Pero tungkol ito sa tatay niya. Mas lalo lang gugulo kung makikialam si Dylan. "Hello, Sarrah. mabuti at tumawag ka?" Kahit sa telepono ay mataray pa ring makipag-usap ang Lola Belen niya. "Nasaan ho si Inay?" matapang niyang tanong. Hindi niya na gustong ipakita sa mag-inang Belen at Karla na mahina siya. "Natutulog na ang Inay mo dahil napagod sa biyahe. Huwag kang mag-alala, may kundisyon lang naman kami ni Karla para ibalik namin si Selma sa Aurora." "A-ano hong kundis

