"Are you out of your mind, Sarrah?! Ipapahamak ka lang ng mag-inang 'yan!" "This is illegal, attorney," wika ng abogado ni Dylan sa abogado ni Karla. "Nasa korte na ang kaso ng annulment at nagsisimula na ang hearing natin. Ang dahilan ng pag-uusap na ito ay para sa ikabubuti sana ng parehong panig hindi ng panig niyo lang!" "Narinig mo ang sinabi ni Sarrah, pumayag na siya. Para sa ikabubuti ng dalawang panig, mas mabuting lumayo muna siya kay Dylan para maayos pa kung ano ang pwedeng maayos. Mag-asawa pa rin sila---' "She is not my wife anymore!" Pasigaw na ang boses ni Dylan. "Ikulong niyo na lang ako kaysa ang makasama ang babaeng 'yan!" Mabilis siyang lumabas sa silid at iniwan ang mag-asawa at mga abogado dahil wala na siyang papel sa pag-uusap na iyon. Isa lang ang gusto ni Karl

