"Galit ka ba? Bakit hindi ka nagsasalita?" tanong ni Sarrah sa kanya habang nasa loob sila ng sinehan. Kanina pa siya hindi umiimik dahil nagdadalawang-isip siya kung tama ba na nandito silang dalawa sa madilim na lugar. Ang nipis na nga ng pisi niya pinapanipis niya pang lalo. Pagkatapos kasi ng pag-uusap nila ni Karla kanina ay hindi dapat siya nandito kay Sarrah para ibaling sa iba ang atensyon niya. Nagtalo na naman kasi sila. Karla wants him to move to Paris instead. Dadalhin nila ang bata doon at doon palalakihin. Wala iyon sa plano niya. Ni hindi niya gustong umalis sa Pilipinas dahil may kompanya siyang pinapatakbo. Karla said his friends can handle it. Ito nakaagad ang nagdedesisyon ni hindi nito tinanong kung ano ang gusto niya. Minsan ay pikon na pikon na talaga siya kay Kar

