KABANATA 7
Nang gabi na iyon ay nawala sa malalim na pag-iisip si Sancho. Nais man niyang sabihin sa mga madre ang kaniyang mga haka-haka ay kaagad rin niyang pinigilan ang sarili. Sigurado siyang hindi siya papanigan ng mga ito. Kailangan niyang makagawa ng paraan na maalis si Lui sa puder nito at mailabas ang tinatago ni Mr. Florencio, dahil kung tama ang kaniyang hinala ay natitiyak niya na malaking sira ang maidudulot noon kay Lui lalo na sa mental health nito. Hindi niya mapapatawad ang sarili kapag nangyari iyong lahat at wala manlang siyang nagawa.
Hindi man tuluyang nangyari sa kaniya, alam niya ang takot ng isang bata na gawan ng ganoon. Kakaibang trauma ang ibinigay sa kaniya no’n na kahit ipikit niya ang kaniyang mga mata ay nanginginig na sa takot ang kaniyang katawan. Paminsan pa’y maging sa panaginip ay dinadalaw siya ng bangungot na iyon. Kung hindi lamang kay Lui ay sa malamang, baka hanggang ngayon ay nakakulong pa rin siya sa eksena na iyon. Nang mapunta siya sa aruga ng ampunan at naging kaibigan si Lui ay noon lamang siya nakatulog nang mahimbing.
Hinding-hindi niya hahayaan na maranasan at pagdaanan ni Lui ang mga iyon. Ayaw niyang isang araw ay mapawi na lamang ang mga ngiti nito. Kailangan niyang protektahan iyon.
“Tila doble ang pagsisipag mo sa pag-ipon nitong mga nakaraang linggo, Sancho. Iba talaga ang naging samahan niyo ni Lui, ano?” pansin ng head sa kaniya.
Tipid siyang ngumiti at tinignan ang mga barya sa kaniyang mga kamay. Iyon ang bagay na hinding-hindi nila maiintindihan. Hindi man niya isatinig, pero sumama talaga ang loob niya sa mga taong ito na kumupkop sa kaniya dahil kahit anong sabi niya noon na hindi niya gusto si Mr. Florencio ay hindi siya pinakinggan ng mga ito. Alam niya namang kaya ito pinapanigan ng mga madre dahil malaki ang naging kontribyusiyon nito sa ampunan, pero ikinalungkot niya na hindi manlang nila pinakinggan ang kaniyang boses.
Ngunit higit sa lahat ng iyon ay mas galit siya kay Mr. Florencio na napaikot ang lahat sa mabait nitong pakitungo, malas lamang nito at nalalanghap niya ang tinatago nitong baho.
“Kailangan po, Sister,” ang tanging naisagot niya sa madre.
Dumating nga ang araw na kinatatakutan ni Sancho.
Sa ikalawang dalaw niya sa mansiyon nila Mr. Florencio ay natigilan siya sapagkat wala siyang nakitang gwardiya sa labas. Mabuti na lamang at napansin niya ang kakaiba na iyon bago pa niya mapindot ang doorbell. Ang malaking mansiyon na tahimik at walang kabuhay-buhay ay tila mas sumama sa kaniyang paningin. Iilang imahe ang naglaro sa kaniyang isipan kung kaya ay nagsimula siyang kabahan. Pinanalangin niya na hindi ganoon ang kaso at nasa maayos lamang na lagay si Lui.
Tiningala niya ang malapad pero hindi naman kataasan na gate sa kaniyang harap. Inayos niya ang maliit na sling bag na nakasabit sa kaniyang katawan at pinorma ang katawan para makaakyat ng maayos papunta sa kabilang bakod. Hindi naman naging mahirap kay Sancho iyon sapagkat sanay na siya sa ganoong akyatan.
Pagkaapak ng kaniyang mga paa sa loob ng bakod ay luminga pa muna siya sa paligid, nagbabakasakali na makakita ng bantay pero wala talaga. Naglakad siya patungo sa entrance ng bahay, nakiramdam siya at nakikinig kung may maririnig kahit kaunting ingay. Nang wala ay sinipat niya ang doorknob ng malaking pinto sa harap. Nagulat siya dahil hindi manlang iyon naka-lock. Hindi niya alam kung malas o swerte ba siya sa araw na iyon.
Naisip niya na baka kaya walang tao sa mansiyon ay umalis o nagbakasiyon ang lahat, pero hindi naman siguro aalis ang may-ari ng isang bahay na hindi lock ang pinto nito? Lalo pa at sa malaking bahay na ganito? Kahit sabihin pa niya na ang gate sa labas ay nakakandado naman.
Tinalasan niya ang kaniyang pakiramdam habang naglalakad sa sala. Panay linga ang kaniyang ulo at naghahanap ang kaniyang mga mata. Naisip niya kung may CCTV ba sa paligid, pero tila ang nasa gate lamang ang nakita niya kanina. Dala ng pag-iingat ay walang ingay pa rin ang kaniyang bawat paggalaw.
“Lui?” tawag niya sa may hindi kalakasan na boses.
Walang sumagot sa kaniya. Naglakad pa siya hanggang sa mapatigil siya sa harap ng mahabang hagdan. Nakuha ang atensiyon niya ng ikalawang palapag. Nagsimula siyang makadama ng kaba. Dahan-dahan siyang umakyat, sinisipat ng kaniyang mga mata ang natanawan sa taas. Napatigil pa siya sa harap ng malaking larawan nila Mr. Florencio at Lui roon, masama niya iyong tinignan. Gusto niya itong masuntok kahit sa larawan. Ganoon siya kamuhi rito.
Maraming mga larawan ang nakadikit sa dingding, ang iba ay halatang mamahalin. Sa kaniyang paglalakad ay hindi na niya namalayan na nakarating na pala siya sa dulo. Ilang pinto na ang kaniyang nalagpasan, pero agaw atensiyon sa lahat ang pinto na nasa pinakadulo. Bahagyang nakabukas iyon, maari kang makasilip.
Tumingin muna siya sa kaniyang likod bago nagdesisyon lumapit sa pinto. Nang naroon na ay kaagad siyang nakarinig ng mga halinghing at pigil na pag-iyak. Sumilip siya sa pintuan at muntik na siyang mapaatras sa nakita. Nanginig ang kaniyang buong katawan at bumilis ang t***k ng puso ni Sancho. Namuo ang mga pawis sa kaniyang noo habang takip ng mga kamay ang bibig. Isang kaparehong alaala ang bumalik sa kaniyang utak dahilan para makaramdam siya ng paghilab ng kaniyang tiyan. Gusto niyang maduwal!
“Mpf!” pigil na ungol ni Lui.
Napalunok siya habang nakikita si Mr. Florencio sa likod ng nakaluhod na si Lui. Kapwa sila nasa taas ng kama at sa pagtalbog pa lamang ng mga katawan nila ay klarong-klaro sa kaniyang mga mata ang nakikita. Walang panama ang payat na katawan ng kaniyang kaibigan sa mamasel na katawan ng matanda. Lumukob ang kakaibang puot sa kaniya at nandilim ang kaniyang paningin lalo nang makita niya ang mga luha sa mga mata ni Lui na halos mamuti na dahil hindi makahinga dala ng pagtakip ng isang kamay ng matanda sa bibig at ilong nito. Walang patawad ang ginagawa nitong paggamit sa katawan ng kaibigan.
Ang pagkabalisa. Takot. Ang mga napansin niya sa katawan nito, lahat ay naintindihan na niya. Sigurado siya na nasa bingit na ng madilim na mundo ang kaibigan at wala na siyang magagawa pa para mawala sa utak nito ang mga napagdaanan sa taong umampon dito. Hinding-hindi niya mapapatawad ang demonyo na ito! Ano ang ginawa nito kay Lui? Napakababoy!
Nawalan na siya ng rason. Nawalan na ng linaw ang paligid sa kaniya. Nang mga oras na iyon ay tila may bumubulong kay Sancho na ipagtanggol ang kaibigan at tapusin na ang walang hiya na umaangkin ngayon sa katawan nito. Patayin. Kailangan niya itong patayin. Iyon ang binubulong sa kaniya ng sariling utak. Nandilim na ng tuluyan ang kaniyang paningin.
Nadapuan ng kaniyang paningin ang isang matalim at babasaging display roon at tila nakakita siya ng armas para makawala si Lui. Walang pagdalawang-isip na kinuha niya iyon at sa isang iglap ay nakapasok na siya sa kwarto. Lumapit siya sa dalawang katawan na nag-uumpugan sa itaas ng kama, ang mga balat nilang nagtatama ay tila naging isang napakaingay na musika sa kaniya. Masakit makita at pakinggan lahat!
“Walanghiya ka!” sigaw niya sabay saksak ng hawak sa likod ng matanda.
Hindi siya nakuntento sa isa, ilang beses niya itong sinaksak hanggang sa siya ay makuntento. Nakaramdam siya ng kaginhawaan sa nagawa, walang pagsisisi. Puno ng dugo ni Mr. Florencio ang kaniyang mga kamay na noo’y bulagta na sa kama, gulat pa ang mukha. Hindi na ito humihinga. Natatawang umatras si Sancho sa katawan nito. Nababagay lamang ito sa kaniya! Ang mga demonyo na kagaya nito ay nararapat lamang na patayin!
“A-AH! S-Sancho…”
Nalipat ang paningin niya kay Lui na noo’y takot na takot. Palipat-lipat ang paningin nito sa mga kamay niya at kay Mr. Florencio. Nakalimutan na yata nito na wala itong suot at pawisan pa ang katawan. Kaagad niyang hinila ang kumot at binalot iyon kay Lui. Yinakap niya ito nang mahigpit kahit ramdam niya ang biglang paninigas nito. Napapikit nang mariin si Sancho. Wala nang makapananakit dito. Wala na.
“Ligtas ka na. Ligtas ka na, Lui. Wala nang makapapanakit pa sa iyo,” bulong niya rito. “Narito na ako. Hindi ka nag-iisa.”
Sa edad na disunwebe anyos ay nakapatay si Sancho. Kahit pa man nagawa niya iyon para iligtas ang kaibigan, hindi pa rin siya nakaligtas sa batas. Windang ang mga madre sa nangyari, nagsisisi sa kanilang nagawang pagpabaya. Hindi sila makapaniwala na bukod sa pag-ampon ay inasawa rin pala ni Mr. Florencio si Lui. Noon lamang sila naniwala sa mga hinala ni Sancho, ngunit hindi na nila maibabalik pa ang lahat. Wala na si Mr. Florencio at si Sancho ang dahilan noon.
Labis na na-trauma si Lui sa lahat ng mga naganap, hindi iyon kinaya ng katawan nito. Ilang buwan itong hindi makausap at nakatulala lamang. Kumunsulta ang mga madre sa isang psychiatrist at buwan-buwan ay tinitignan si Lui. Paminsan ay hinahanap nito si Sancho at iiyak kapag nakita na wala ito. Nakatutulugan na nito ang maiyak at minsan pa’y naghehesteriya. Doon nagsimula ang takot nito sa mga matatandang lalaki, kahit na ang mahawakan kahit nino. Si Sancho lamang ang tanging hinahanap nito, ngunit sa kasamaang palad ay kaagad na hiningi ng batas ang kaibigan.
Kaagad naman na nakulong si Sancho at doon nagsimula ang buhay niya sa likod ng rehas na naging pundasiyon niya para maging malakas at matapang.