Chapter 1 | Part 2

1350 Words
"Oo, takot ko lang na mawalan ng dalawang ulo," sagot niya sa 'kin. "Kasi naman, inutusan ako ni mama maghanap ng crying ladies. Nakaalok na ako ng pito, kulang isa. Papagalitan ako no'n kapag hindi ko nakumpleto ang walo. Gusto mo ba?" "Iiyak sa burol ni tatang?" tanong ko. Napa-angat ako ng kilay ko, bakit naman kaya kailangan no'n? "Bakit naman daw?" "Kasi kapag daw madaming umiyak sa patay, mas madali siyang makakatawid sa kabilang buhay, ewan ko nga sa mga pamahiin ni mama, e. Kakauwi ko lang at inutusan agad ako," sagot niya sa 'kin. Crying lady? E, lalaki ako. "Okay naman daw ang lalaki. Ano, G?" "Sige lang," sagot ko sa kaniya. "Basta ba pera ayos lang. Magkano naman daw? Kailangan na kailangan talaga namin ng pera, sakto na may raket sana ako, at may inalok ka pa." Napatingin siya sa 'kin bago iniangat-taas ang kaniyang kilay. "Sa unang gabi ng burol lang naman. Sabi ni mama, 3k daw bawat isa." "Gano'n ba?" tanong ko bago napaisip ng malalim. "Sige na. Payag na 'ko. Bayaran mo 'ko mamayang gabi agad, ha? Gipit ako." Napatango si Evan. "Sure ‘yan." "Pag-uwi ko mamayang gabi, uuwi muna ako sa bahay, dahil ako ang bibili ng ulam namin," sagot ko sa kaniya na tumango-tango na lang. "Sunduin mo ‘ko sa bahay mamaya. Kung pera ‘yan, bakit ko aayawan ‘yan?" --- "SIGURADO BANG ayos lang na lalaki ang umiyak diyan sa Lolo mo?" tanong ko kay Evan na busy magtimpla ng kape. Kasi naman, halos pitong babae tapos puro matatanda ang kasama ko. Ako lang ang naiiba dito sa dinala ni Evan. Kilala naman ako ni tita, mama ni Evan, pero ewan ko, hindi ako mapakali. "Baka hindi puwede. Huwag na lang kaya? Nag-aalangan ako, Evan." Kumutkot siya ng pera sa loob ng bulsa niya at ibinigay sa 'kin ang tatlong libong piso. "Ayan na 'yung bayad, ah? Wala nang atrasan, pare. Mapapagalitan ako ni mama nito, e. Tulungan mo naman ako dito, Simon. Kaibigan naman kita, 'di ba?" "Ano pa bang magagawa ko? E nandito na ang pera sa bulsa ko." Sabay lang kaming natawa. Alam na alam niya talaga ang kahinaan ko, ang pera. "Saan ba ang upuan ko?" Pera ang kahinaan ko dahil 'yon lang din ang pangunahin kailangan ng pamilya ko. Kung wala ang pera, hindi kami makakakain. Kaya, kahit na anong mangyari, papatusin ko ang lahat makakuha lang ng pera, basta ba sa legal na paraan at sa paraan na walang natatapakang tao. Nakita kong pumasok si Evan at sinabihan ang ibang bisita na nakaupo sa harapan na pumunta sa likod. Nakita ko ang ekspresiyon ng isang lalaki doon na tila ayaw umalis sa upuan pero kaagad din namang pumunta sa likod. Ngayon ko lang siya nakita, pero may kung ano sa kaniya na kumuha sa atensiyon ko. Pero dahil hindi naman siya ang pinuntahan ko dito, hindi ko na lang siya pinansin. Bumalik si Evan sa kampo namin bago kami pinapasok sa loob ng burol ni tatang. Nakita ko ang malamig na bangkay na nasa loob ng kabaong bago ako pumasok at umupo sa harapan. Hiniling ko na lang n asana mabilis na makapasok sa langit si tatang at hindi na siya mahirapan pang lisanin ang mundo. Nilapitan ako ni Evan at kaagad na tinapik ang kanan kong balikat. Lumapit siya sa 'kin at bumulong. "Simulan mo na, pare. Good luck." "Simula kaagad?" tanong ko na may halong gulat. "Ngayon agad? Agad-agad?" "Tignan mo sila," wika ni bago itinuro ang mga babaeng nasa tabi ko. Oo nga, nagsisimula na sila. Dahan-dahan na silang nagpapatulo ng luha. Napailing ako, paano ako iiyak nito? Ang daming dahilan pero… hindi ako makaiyak. "Damihan mo luha mo, Simon." Tarantado talaga 'tong si Evan. Iniwan ba naman ako sa tabi ng mga babaeng nagsisiiyakan na. Napatingin ako sa paligid, lahat sila nakatingin na sa 'min. Napatingin ako sa kampo ni Evan, tinignan niya lang ako at binigyan ng signal na magsimula na. Ano pa bang magagawa mo, Simon? Nandito ka na. Mukhang napasubo na naman ako dahil kay Evan nito, e. At hindi na ako makakaayaw pa dahil nasa akin na ang pera. Kaya mo ‘to, Simon. Inipon ko sa isip ko ang lahat ng masasakit na bagay na naranasan ko na. Hindi na rin naman naging mahirap sa 'kin mag-ipon ng mga memoryang lubos na nanakit sa isip ko. Ikaw ba naman mabuhay sa ganitong buhay, hindi ka ba iiyak? At sa segundong naisip ko ang lahat ng masasakit na bagay na naaalala ng isip ko, tumulo ang luha ko. Hindi rin naman pala mahirap magpatulo ng luha. May dala akong panyo pero ang sabi sa 'kin ni Evan, huwag ko daw pupunasan. Ipagpatuloy ko lang daw, kaya 'yon naman ang sinunod ko. Napatingin ako sa mga matandang babaeng nasa tabi ko, ang hirap kaya magpatulo ng isang luha, pa'no nila nagagawa na lumuha ng sunod-sunod? Baka professional na sila sa pagsagawa ng ganito, sana all na lang. Patuloy lang kaming pinanonood ng mga tao sa paligid. Maya-maya pa, pumunta sa harap namin ang asawa ni tatang, si Nanang. Si Nanang ang namumuno sa baryo namin, bale siya ang lider namin. Siya ang inaasahan namin pero sa mga panahong ganito, buong baryo ang dapat asahan ni nanang. Tinapik-tapik niya ang mga matatandang babae bilang pagtanggap. Bawal kasi magsabi ng salamat kapag nasa burol ka. Ang pagtapik niyang 'yon, senyales na 'yon na naa-appreciate niya ang pagpunta namin. Tinapik ako ni Nanang at malamyang hinimas ang likod ko. Tinanguan ko na lamang siya bilang pakikiramay. Marami talagang pamahiin na dapat sunurin kapag may burol. Lalo na sa mga matatanda na naniniwalang dapat gawin 'yon para sa ikabubuti ng kaluluwa ng patay. Wala namang masama kung susundin, 'di ba? Lalong wala namang mawawala. Nagpatuloy lang ako sa pag-iyak. Sa bawat luhang pumapatak, may hikbing kasama. Ramdam ko ring nasa akin ang tingin ng mga tao dahil sa ingay ko. Wala akong magagawa, e, sa ganito ako umiyak, e. Nakakahiyang ganito ako umiyak dahil feeling ko ako ang tinitignan ng lahat ng mga tao. Nakita ko rin na tumingin sa ‘kin ang iba pang crying ladies dahil ako ang may pinakamalakas na iyak sa amin. Tinuturing ko ang sarili kong matanda na pero ang iyak ko ay pang-bata, at nakakahiya. Walang ano-ano pa ay may lumapit sa 'kin at nag-offer ng panyo. Napatigil ako. No'ng makita ko ang panyo, napansin ko ang disenyo nito. Mukhang branded, mukhang galing sa isang mamahaling kompaniya. Hindi ako gumalaw at napatigil sa paghikbi. Hindi ko alam ang gagawin ko. Dapat ko bang kunin 'yung panyo bilang pasasalamat o huwag kunin bilang pagrespeto sa pamahiin at kultura ng pamilya ni tatang? Biglang may pumigil sa lalaki. Hindi ako tumingin sa taas pero alam kong si Evan 'yon. Kinaladkad niya ang lalaking 'yon patungo sa likod at agad na sinabihan 'yong lalaki. Buti na lang at nando’n si Evan dahil hindi ko alam ang gagawin ko. Napa-angat ako ng tingin. Tinignan ko silang dalawa na nagtatalunan. Sino kaya 'yong lalaki? Tinignan ko ng buo ang mukha ng lalaki, bihis mayaman. Halatang galing sa Maynila. At siya ‘yong nakita kong nagrereklamo kanina. Baka siya ‘yong isa sa mga kaibigan ni Evan na sinabi niyang pumunta sa baryo kanina lang. Itinago niya sa bulsa niya ang panyo niya. Napabalikwas ako ng tingin ng makita kong lumingon siya sa 'kin. Napaiwas ako ng tingin sa kaniya pero alam kong nahagip ng mata niya ang mga mata ko. Sa oras na nakuha niya ang tingin ko, tila ba may pumigil sa ‘kin na umiyak pa lalo at itigil ang dapat na trabaho ko. Sa oras na dumapo sa mata niya ang aninag ko, tila ba nawala ang lahat ng masasakit na iniisip ko sa oras na ‘yon. Tila ba sa isang sulyap niya, nakalimutan ko ang lahat ng inaalala ko. Hindi ko inakalang sa hindi inaasahang pagkakataong tulad nito ko makikilala ang taong bubulabog ng buhay ko. Hindi ko makakalimutan ang araw na 'to, kasama na ang lalaking nag-alok sa 'kin ng panyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD