"What?" kunot-noo niyang tanong habang nanatili pa rin sila sa ganoong posisyon. "Marry me. And give me a child." Lalo pang lumalim ang kunot sa noo niya nang ulitin nito ang sinabi kanina. Nakatitig pa rin ito sa mga mata niya. Walang salitang lumabas sa bibig niya. "Bayad ka na sa mga kasalanan mo once na magpakasal ka sa akin at mabigyan mo ako ng anak," patuloy nito. At basta na lang siya nito binitiwan. Muntik pa siyang matumba sa marahas na pagbitaw nito sa kanya. Buti na lang nakahawak siya sa pintuan. Lumakad ito pabalik sa mesa at naupo sa ibabaw nito. Sinulyapan siya nito. Hindi pa rin siya maka-recover sa mga sinabi nito. "Alam mo naman siguro na ikakasal na dapat kami ni Ashley, hindi ba?" tanong nito sa pormal na tinig. "Isang linggo na lang

