Harry-5

1298 Words
"Yes po, Mr. Leonardo is expecting to see you, Ma’am," magiliw na sabi ng babae sa labas ng magarang opisina ni Harry. Marahil secretary nito. "Thank you," polite na pasalamat niya rito. Pinagbuksan pa siya nito ng pintuan ng opisina ni Harry. "Sir, Ms. De Guzman is here," anunsyo ng secretary. "Papasukin mo," sagot ng baritonong tinig mula sa loob. Kumabog agad ang dibdib niya nang marinig ang tinig ni Harry. Malakas ang kabog sa dibdib niya at tila may mga paru-paro sa tiyan. Bigla siyang nakaramdam ng kaba at hindi komportable. Pinapasok na siya ng secretary sa loob. Bumungad sa kanya ang malawak, napakaganda, at modernong opisina. "Hi," bati ni Harry sa kanya. Nakaupo ito sa ibabaw ng mesa at nakatitig sa kanya. Pakiramdam niya lalo pang bumilis ang t***k ng puso niya. Naging tambol na rin ang lakas ng kabog habang nakatingin kay Harry. Alam niyang gwapo si Harry Leonardo, pero hindi niya inaasahan ang ganitong reaksyon niya. Nakasuot ito ng dark blue business suit at black leather shoes. Typical businessman style. Pero iba ito. Sobrang gwapo nitong businessman. Hindi na siya magtataka kung nahulog agad ang loob ni Ashley kay Harry. "You came," sabi nito at sumeryoso ang mukha. Pinagkrus nito ang mga braso sa malapad nitong dibdib. Hindi nakaligtas sa kanya ang paglandas ng mga mata nito sa kabuuan niya. Buti na lang she wore her best. Hindi rin nakaligtas sa kanya ang pagkibot ng labi nito matapos siyang suriin. Binalik muli sa mukha niya ang mga mata nito. Ganoon pa rin ang t***k ng puso niya. Abnormal sa bilis at kabog na hindi niya maintindihan. Takot ba siya kay Harry? O ano? Humugot muna siya ng malalim na paghinga at saka humakbang palapit dito na nanatiling nakaupo sa ibabaw ng mesa. "I came para sabihin ko na aksidente ang nangyari. Wala akong kasalanan," sabi niya. Nakita niya ang pag-igting ng panga nito at pagbalasik ng mukha. Napahinto siya sa paglapit. Tumayo ito mula sa pagkakaupo sa mesa at humakbang palapit sa kinatatayuan niya. Ganoon pa rin ang mukha nito — mabalasik. Katulad nang makita niya ito sa ospital at sa sementeryo. Nakaramdam siya ng takot. Paano kung saktan siya nito? Napalunok siya habang nakatitig pa rin dito. "Wala kang kasalanan?" tanong nito. "Iyan at iyan pa rin ang sasabihin mo sa akin," igting-panga na sabi nito. Nagtuloy ito sa paghakbang palapit sa kanya. Wala sa sarili siyang napaatras. Natatakot siya, pero hindi siya magpapahalata. Nanatili pa rin nakataas ang mukha niya at nakatingin sa galit na galit na mga mata nito. "You are still sticking on those words na wala kang kasalanan!" mariing sabi nito habang patuloy pa rin sa paglapit sa kanya at pag-atras naman niya. Napatili siya nang gamit ang isang kamay nito ay sakmalin nito ang leeg niya. Napahawak siya sa kamay nito para pigilan ito, ngunit wala naman siyang lakas laban dito. Tinulak siya nito gamit ang kamay na nasa leeg pa rin niya. Napasandal siya sa likod ng pinto. Nakulong ang pagtili niya sa lalamunan nang sumakit ang likuran. "What—are—you—doing?" hiningal na tanong niya habang pilit inaalis ang matigas na kamay nitong nakasakal sa leeg niya. Hindi naman nito gaanong dinidiinan. Marahil nais lang siyang takutin. "How can an angel face like you turn into a monster?" sabi nito sa pagitan ng mga nagtitigang ngipin. "Get off—" Sinubukan niyang pigilan ng dalawang kamay ang isang kamay nito sa leeg niya. Ngumisi ito sa kanya at sinuri ng mga mata nito ang mukha niya. Naramdaman niya ang pagdiin ng kamay nito sa leeg niya. Nanlaki ang mga mata niyang napatitig dito at sinubukan siyang hampasin sa braso para bitawan siya. Pakiramdam niya malalagutan na siya ng hininga. Tutuluyan na yata siya nito. Napakapit ang isang kamay niya sa matigas nitong braso habang ang isa naman ay pinipigil ang kamay nitong nakasakal sa kanya. "At this moment, I want to kill you, Ysa De Guzman! You deserve to die!" nanlilisik ang mga matang sabi nito at lalo pang diniinan ang pagsakal. She opened her mouth to catch some air. She needs to breathe. She needs to fight for her life. Nang halos hindi na siya makahinga, binitiwan siya nito. Hinabol niya ang hininga at napaubo-ubo. Napahawak siya sa leeg na nasaktan. Nanatili namang nakatayo lang si Harry sa harapan niya, nakatitig lang sa kanya. "You deserve to die, Ysa!" mariing sabi nito. "But you don’t have to die that easy. You need to suffer first until you wish to die!" halos magbasagan na ang mga ngipin nito sa galit. Hindi na niya nagawang magsalita para ipagtanggol ang sarili dahil nahihirapan pa rin siyang huminga. Tumalikod ito at bumalik sa mesa kung saan ito nakaupo kanina. Sinandal doon ang pang-upo at tinungkod ang mga kamay nito. Pinagkrus pa nito ang mga paa at muli siyang sinulyapan. "Warm-up pa lang iyan," sabi nito. "Pasalamat ka na rin at hindi ako ganoon kasama sa iyo." Kumunot ang noo niya at itinaas ang baba. "Kung sasaktan mo ako physically, sa tingin mo matutuwa si Ashley sa ginagawa mong pananakit sa akin?" taas-kilay na tanong niya. Inayos niya ang suot na damit na nagusot at pati na rin ang buhok. "Don’t say her name!" malakas na sigaw nito na dumagundong sa buong silid. Napapitlag siya. "Wala kang karapatang banggitin ang pangalan niya!" Hindi na siya kumibo pa. Pinanatili niyang nakataas ang mukha at nakatitig dito. Nanatili siyang nakasandal sa pintuan. Doon siya kumukuha ng lakas. Nararamdaman niya ang panginginig ng mga tuhod sa takot na pilit niyang hindi pinapahalata. "Andito ka para malaman ang iaalok ko, hindi ba?" tanong nito. Tumango lang siya. "First, I hate you. To be honest, I want to kill you!" matalim na sabi nito. May kirot sa dibdib siyang naramdaman sa mga binibitawang salita nito. "If God let me, I will kill you with my bare hands." Napalunok siya. Tinatanggap niya ang lahat ng masasakit na salitang binitawan nito. Nagpapasalamat na rin siyang may pintuan siyang kinasasandalan. Kung wala, baka kanina pa siya natumba. "You are beautiful, Ysa," sunod na sabi nito. Nagulat siya. "Sayang ka naman kung papatayin kitang basta-basta. Sayang naman ang ganda at katawan mo kung walang makikinabang." Lalong lumalim ang kunot sa noo niya. Hindi niya maunawaan ang ibig nitong sabihin. "What do you mean?" halos bulong lang na tanong niya. Humugot ito ng malalim na paghinga at tumuwid ng tayo habang nakatingin sa mga mata niya. Walang ekspresyon ang mukha nito. Humakbang ito palapit sa kanya. Kinabahan siya at nais umiwas dahil takot siyang saktan siya ulit. Iiwas na sana siya nang pigilan siya nito sa bewang at itinulak pabalik sa pintuan. Napatili siya sa gulat at sa sakit ng likod nang tumama na naman sa matigas na pintuan. "Where do you think you are going?" tanong nito habang nasa bewang pa rin ang kamay nito. Halos kahibla lang ang layo ng mga mukha nila. Nasasamyo niya ang mabangong cologne nito at ang mainit nitong hiningang humahaplos sa mukha niya. Napalunok siya nang mapatingin sa mga labi nito. Mabilis niyang iniwas ang mga mata at tumingin sa mga mata nito. "Bitiwan mo ako!" pilit niyang pinatigas ang tinig para hindi nito mahalata ang takot. "Until you hear what I will say," sagot nito. Lalo pang humigpit ang hawak sa bewang niya. "Ano bang sasabihin mo?!" "Ysa De Guzman. The spoiled brat. The only daughter of the mayor in town." Hindi na niya pinatulan. Kilala niya ang sarili. Bahala na ito kung ano ang gusto nitong isipin. "Marry me, Ysa," sabi nito. "Bilang pambayad mo sa pagkawala ni Ashley!" Nanlaki ang mga mata niyang napatitig dito. "Pakasalan mo ako at bigyan mo ako ng anak," patuloy nito. "Kapalit ng mga buhay nawala dahil sa iyo, Ysa De Guzman!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD