Kath’s Point of View “Oh, akala ko ba hindi kita mararamdaman, umaano ka sa kotse ko?” tinarayan ko si Marcus nang bigla itong pumasok sa passenger seat ng kotse ko. Paalis na ako papasok sa hospital. “Good morning, Mayora. Ako ba ang magda-drive o ikaw? Sige na, male-late ka na? Gusto mong cupcake?” Gunggong na ‘to. Tinawag pa akong mayora. Kahit nananakam ako sa cupcake, hindi ako kukuha. “Iwan mo sa akin ang susi mo,” Marcus said while I am driving, and he is eating with gusto. Kainis. “Bakit?” “Trip ko lang,” sagot nito. Gusto kong idukdok sa dashboard ang gago kung makapilosopo. Tumunog ang cellphone nito at sinagot kahit puno ang bibig ng cupcakes. “Yes, paps,” sagot ni Marcus. Hindi ko ma-gets ang pinag-uusapan nila ng kung sino man ang kausap nito sa kabilang line. “Sure, pa

