Marcus’ Point of View “Kamusta ang first day?” nakangising tanong ni Kyle pagpasok ko ng office ni Ace. “Boring. Anong balita sa black market?” I asked them. “Iyon nga ang pinag-uusapan namin ni Papa Bear,” sagot ni Kyle. Ace just snorted. Ayaw niyang tinatawag namin siyang Papa Bear. “Mayroong bago,” excited na sagot ni Kyle saka ipinakita sa akin ang picture ng isang laruang sports car. “Ano ang bago sa laruan na ‘yan?” nagtatakang tanong ko. “Good question, lover boy,” pang-aasar ni Kyle. “Limited edition ang Sports car figure na ‘yan. Tatlo lang ang mayroon sa buong mundo. Ang isa, nasa museum sa Estonia. Iyong pangalawa, nasa manufacturer sa Germany at ang pangatlo…” Ipinakita ni Kyle ang next picture ng isang trophy. “Nasa trophy ni Kian Miller. Ang presyo sa black market niyan

