Kath’s Point of View Halos one week din akong hindi nakapasok dahil sa trangkaso na inabot ko. One week ding natutulog si Gab kay Marcus. Naabutan ko sila sa bakuran nila Cheska. Halatang ayaw pang umuwi ng anak ko kaya nag-stay muna ako. Kailan pa nagkaroon ng six-pack abs si Marcus? Hindi ba ito giniginaw at nakahubad pa ang t-shirt habang hinahabol ang mga bata? Pantay ang pagkaka-tan ng katawan, juice colored. “Uy, laway. Tumulo na.” Biglang pinahiran ni Cheska ng tissue ang bibig ko. Natatawa itong tumabi sa akin sa napaka-comfortable niyang sofa. Tanaw namin sa labas ang mga naghahagikgikan na mga bata. Tinaasan ako ng kilay ni Cheska. “Bakit?” defensive na tanong ko. I cleared my throat saka inabot ang juice na nasa center table. “Nauhaw ka, ano?” tukso nito. “Hot niya, hindi b

