Chapter 1: Bahay-aliwan (Part 2)

1589 Words
Dinig ang paghalakhak at pagsipol ng mga lalaki habang pinapanood na sumasayaw ang mga kababaihang nasa entablado. Suot nila ang makukulay at maiikling bestida na sa paningin ni Pablo ay parang mga bathing suit na. Maya't maya ay lumabas ang star performer nila na si Sabrina. Kasabay ng musika at pag-awit ay ang sensuw*l na pag-indayog ng katawan nito. Nang makita siya ay kinindatan siya nito at mapanudyong hinubad ang kanang guwantes nito. Hinagis nito iyon patungo kay Pablo pero imbis na masalo ay tumama pa ito sa mukha niya. "Pffft! Ano ba ito? Nanghahagis pala ng kung ano-ano ang mga performer dito! Nakakatakot naman!" Dinig niya ang pagtawa ng mga kasamahang sundalo na aliw na aliw sa pinapanood na mga babae. "Ang swerte mo!" bulalas ng katabing sarhento. "Ikaw pa ang natipuhan ni Sabrina! Siya kaya ang pinakamaganda rito at mahusay raw makipaglaro sa mga lalaki. Heaven daw kapag nasa piling niya!" "Hindi yata ako masuwerte kasi may amoy 'yun guwantes niya." Tinupi niya iyon at inilapag sa mesa. "Saan kaya umabot itong kamay niya at parang natapunan ng patis?" "Ang arte mo naman! Parang 'di ka na nasanay sa ganoong amoy ng babae! Baka nga nilalanghap at kinakain mo pa gabi-gabi! Sarap na sarap ka pa nga! Hahaha!" "Joke ba 'yan?" mapang-asar na sinabi naman ni Pablo na naunawaan ang pahiwatig ng pilyong kasamahan. "Alam ba ng asawa mo na narito ka? Kasi balak ko rin i-joke sa kanya na iba't ibang mga babae ang nilalanghap mo rito!" Napaubo tuloy ang sarhento dahil sa pagbabanta niya. "S-Sir naman, parang 'di ka mabiro..." "Excuse me po," dinig niyang sinambit ng serbidora. Paglingon ay napansin niya ang dalagang sa tantiya niya ay teenager pa lamang. Subalit, kabaligtaran ng mga babaeng bayaran na naroon ay nakasuot ito ng disenteng bestida. Medyo maputla at tuliro nitong inilapag ang in-order na mga beer at pulutan. "Hoy! 'Yun order namin!" pagsigaw ng mga lalaking nasa may likuran nila. "Kanina pa kami rito! Ang bagal mo!" "O-Opo!" aligagang tugon naman ng dalagang si Divina. "Sandali lang po!" Dahil sa kalituhan ay aksidente niyang nabitiwan ang tray at muntikang nahulog ang inumin at mga pagkain. Mabuti na lamanng at mabilis iyong nasalo ni Pablo dahil kung hindi ay siguradong sampal at sabunot na naman ang matatanggap niya sa tiyahin. "OK ka lang?" pag-aalala ng binata nang mapansin na ninenerbiyos at nanginginig na siya. "O-Opo, sorry po!" Nangangatog ang mga kamay na itinuloy niya ang pagse-serve ng orders sa kanila at pagkatapos ay tumakbo na sa kusina. Dahil sa kakatwang kilos ng dalaga ay nagduda na si Pablo kung ano ba ang dahilan kung bakit parang takot na takot ito. Tahimik na tinitigan lang niya si Divina na hinahanda na ang ibang orders. "'Di mo puwedeng i-table 'yan," pag-antala ng nakatatandang officer sa kanya na si First Lieutenant Anghelito dela Guardia. "Pamangkin 'yan ng may-ari nitong bar kaya bawal." "Wala naman akong balak na ganoon," mabilis na pagtanggi niya. "Sandali, akala ko ba, kakain lang tayo sa labas? Bakit nga ba tayo narito tayo sa bar?" "Ayan na nga, kakain na! Mag-e-enjoy na rin! Nakakapagod din ang puro trabaho. Kailangan din natin magliwaliw at makihalubilo sa mga chicks. Kung hindi, mangangalawang din ang mga baril natin! Hahaha!" "Kung nangangalawang ang baril, lagyan ng langis," pahayag naman niya. "Kuskusin niyong maigi para kumintab!" "Oo naman! Yun madulas at mainit-init na langis!" Nilibot ni Pablo ang tingin sa kabuuan ng bar kung saan kanina pa siya may nararamdaman na negatibong enerhiya. Batid niya na sadyang lugar nga ng makakasalanan at tukso ang bar kaya pilit niyang isinawalang-bahala muna ang nararamdaman. "Baka mali naman ako ng kutob," naisip na lang niya. Sakto na natapos ang pagtatanghal ng mga babae kaya natanaw niya na pababa ng entablado si Sabrina. May mapanuksong ngiti at pakendeng-kendeng na naglakad ito patungo sa kinauupuan niya. Bumilis ang t***k ng kanyang puso sapagkat alam niya na isa na naman ito sa mga babaeng manggugulo sa buhay niya. "Babalik na ako sa barracks kasi maaga pa ang duty ko bukas." Akmang tatakas na sana siya subalit hinatak naman siyang umupo muli "Ang killjoy mo naman! Hindi ba puwedeng kalimutan mo muna ang trabaho? Binilin ka nga sa akin ni Captain Montero na ilabas kasi parang nahihibang ka na raw!" "Sinabi ni kapitan iyon?" "Oo. Ang lakas na nga raw ng top@k mo! Imbis na white ladies ang pinagkakaabalahan mo, tunay na babae naman daw ang pansinin mo!" Napatiim-bagang siya nang makumpirma na ang tingin nga sa kanya ng mga kasamahan ay may diprensiya sa pag-iisip. Hindi na niya nadepensahan pa ang sarili sapagkat maramdaman na niyang may umakbay sa kanya. Pag-angat ng tingin ay sumaktong kumandong na sa kanya ang half-American na si Sabrina. "Hi, handsome!" pagbati nito. Sinadya pa nitong ikendeng nang makailang beses ang balakang upang tuksuhin lalo si Pablo. Ramdam nga ng binata ang pagkiskis nito sa katawan niya kaya naasiwa na siya sa posisyon nila. Hindi niya alam kung tatayo ba siya o bubuhatin na lang palayo si Sabrina pero nag-alangan din siya dahil ayaw naman niyang mapahiya ito. Inilapit nito ang mapulang mga labi sa may tainga niya at sensuw*l na bumulong. "Spend the night with me, and I'll make you the happiest man..." Napangisi ang mga kasamahan niya sa pag-aakalang kakagat si Pablo sa panunukso nito. Sa katunayan ay kinausap nga nila ito at binayaran na ang may-ari ng bar upang aliwin niya ang binatang akala nila ay walang kamuwang-muwang sa makamundong mga gawi. "Huwag, miss," tugon naman ni Pablo sa panunudyo nito. "Ayaw kong masira ang buhay mo dahil sa akin kaya friends lang tayo, neh?" "Oh..." napasinghap si Sabrina sa pag-aakalang hinahamon pa niya ito. Napakagat siya ng labi dahil tunay naman na nakakaakit ang binata. Mas napukaw ang atensiyon niya dahil may pagkamisteryoso rin ang aura ng lalaking para sa kanya ay mukhang anghel pero may itinatagong pagkadi@blo. Kakaiba ang nadama niya paglapat pa lang ng katawan niya sa kandungan nito. Kung sa ibang lalaki ay nagkukunwari lamang siyang naakit, kay Pablo ay tunay na ang nararamdaman. Sa isang iglap ay nagliyab ang kanyang pagnanasa at nais ngang makasip*ng ang binata kahit walang bayad. "Halika, doon tayo sa loob mag-usap..." "Dito na lang tayo, miss," pagtanggi naman ni Pablo. "Mas presko rito kaya dito na lang tayo..." "Sige na, sumama ka na sa kanya," pangangantiyaw ni Anghelito. "Huwag kang mag-alala, secret lang natin ito! Hahaha!" Napasimangot ang binata dahil tinutulak pa siya nitong pumatol sa babaeng bayaran. Hindi naman niya hinuhusgahan ang mga ito. Sa katunayan ay naaawa nga siya sa kanila kaya kahit nakakatukso man sa kanya ay ayaw niyang pumatol kay Sabrina at sa mga babaeng katulad nito. Marahan niyang binuhat ang babae upang tumayo mula sa pagkakandong sa kanya. Pagkatapos ay hinatak niya papalapit ang isang silya at pinaupo ito sa tabi niya. Natameme ang performer nang bigyan pa niya ito ng platito at pinangsalin ng pulutan. Tinawag niya ang napadaan na waitress upang ipang-order ng juice. "Kumain ka lang, neh? Akong bahala sa iyo..." Napatikhom si Sabrina dahil sa unang pagkakataon ay may lalaking rumespeto sa kanya. Simula nang dalhin siya ng sariling ina sa bar upang sapilitang maging performer at prostit*te ay puro pambabastos at p*******t na ang natanggap niya mula sa iba't ibang mga lalaki. Sa mahigit dalawang taong pananatili niya roon ay tinanggap na niya ang ganoong klase ng buhay dahil wala na rin siyang matatakbuhan. Sa mabuting gawi ni Pablo ay naramdaman niya na may natitira pa siyang dignidad bilang tao. "S-Salamat, sir," nahihiyang sinambit niya. "Walang anuman," nakangiting tugon naman ni Pablo kaya mabilis na gumaan ang pakiramdam niya. Napailing-iling na lang ang mga kasamahan ni Pablo dahil muli ay pinatunayan nila na hindi siya basta-basta napapasunod sa nais. Nag-inuman na lang sila at nanood sa susunod na entertainers. Subalit, pagkatapos ng pagtatanghal ay dinig ang paghiyaw ni Divina. Niyapos siya ng may edad na lalaki at sinubok na hagkan. "Bitiwan mo ako!" pagpupumiglas nito. "Hindi ako bayaran! Waitress po ako!" "Lokohin mo ang lola mo!" pahayag naman ng salbaheng lalaki na lango na sa alak. "Lahat ng babae rito, mabababa ang lipad! Mga put*! At kasama ka rin doon!" Akmang tatayo na sana si Pablo pero inawat naman siya ni Anghelito. "Huwag kang makikialam..." Ganoon pa man ay hindi matiis ni Pablo na hayaan lang ang nasasaksihan. Kahit sumuway man sa mas senior officer ay gagawin niya basta mailigtas ang nakikita niyang dinedehado. Subalit, habang papalapit pa lamang kay Divina ay ramdam niya ang biglang paglamig ng hangin. Tanaw niya na may aninong lumapit sa kinaroroonan ng lalaki. Walang ano-ano ay napahiga ito sa semento at nangisay. Hawak ang dibdib at nakatirik ang mga mata, bumulwak sa bibig nito ang masaganang dugo. Napahiyaw sa sindak si Divina nang dahil sa nasaksihan. Ang mga tao naman na naroon ay nagsitakbuhan nang dahil sa takot at pag-aakalang may nagaganap na assasin*tion. "Pablo, halika na!" pag-aya na ni Anghelito sa kanya. "Baka madawit pa tayo riyan!" "Mauna na kayo!" panuto niya sa mga ito. Lumapit siya sa tulirong dalaga na sigaw pa rin nang sigaw. Hinatak niya ito sa braso upang maalalayan palayo. Habang papalapit sa may pintuan ay nahagip ng paningin niya ang imahe ng isang mapaghiganting kaluluwa. Babae ito na may maputlang balat at magulong buhok. Gamit ang mahahabang kuko ay ipinasok nito ang kamay sa dibdib ng lalaking nambastos kay Divina. 'Di nagtagal ay nagkatagpo ang mga mata nila ni Pablo. Ngumisi ito na tila ba nagbibigay ito ng babala na huwag siyang pakikialaman sa nagawa... -ITUTULOY-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD