FIVE YEARS LATER NIEL: NAALIMPUNGATAN AKO na marinig ang tunog ng alarm clock ko sa tabi ko! Pupungas-pungas akong napabalikwas ng bangon sa kama at halos madapang nagtungo ng banyo para maligo at makagayak papasok ng trabaho! Mabilis akong naligo at sipilyo. Nakapulupot lang ang towel sa baywang kong malalaki ang hakbang na lumabas ng banyo nang humarang si Bhelle sa daraanan ko. "Ano?" iritadong tanong ko. "Aalis ka na? Wala ng gatas ang anak mo" anito na karga-karga si Tantan na apat na taong gulang. "Kabibigay ko lang kahapon ng pera ah? Wala na namang gatas" "Aba? At anong gusto mong palabasin huh? Na nilulustay ko ang pera mo! Lintik na buhay 'to, kung hindi mo ako inanakan hindi ako nagdudusa ng ganito!" sigaw nitong ikinatampal ko sa noo na pumasok ng silid. Sumunod pa rin

